pangngalan 1. - WordPress.com

Download Report

Transcript pangngalan 1. - WordPress.com

PANGNGALAN

salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayo, at pangyayari.

KATANGIAN NG PANGNGALAN

• PANTANGI mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kaisipang diwa, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba.

Halimbawa: Rusty Lopez, Manuel, Selekta, Safeguard, Palmolive,Alaska

• PAMBALANA maliit na mga pangngalang nagsisimula sa titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita.

Halimbawa: bayan, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa.

URI NG PAMBALANA

• TAHAS pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang padamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang amoy)at may katangiang pisikal.

Halimbawa: musika, apoy, pagkain, drayber at sabon

• LANSAK -tumutukoy kabuuang tawag nito.

sa isang grupo o Halimbawa: angkan, grupo, madla at batalyon

AYON SA KASARIAN

• • • • Panlalaki kalabaw) pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga , sirena (hindi pa nanganganak na babaing hayop) Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay

KAILANAN NG PANGNGALAN

• Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at ang, ng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana.

Halimbawa:Ang burol ay isang anyong lupa.

• Dalawahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa.

Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.

• Maramihan pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad.

Halimbawa: o Kabisayaan kabahayan o kabukiran

PAGTATAYA

Panuto Salungguhitan ang pangngalan na ginamit at tukuyin kung anong kasarian ang ginamit.

1. Si Maria ay pumunta ng bayan.

2. Namatay ang matandang tumawid sa kalsada.

3. Binato ni Jose ang mga ibon.

4. Ang mga puno ay nilagas ng bagyo.

5. Nagbakasyon kami kina Lolo.

6. Binilhan ako ng isang manika.

7. Sina Ren at Jing ay bumili ng bagong sapatos.

8. Maraming bulaklak ang nalanta.

9. Isang magarang kotse ang timigil sa tapat ng bahay namin.

10. Dumating galing abroad ang aking itay.