Transcript Slide 1
Pagkilala sa batayang may pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring ginagamit sa kwento ayon sa panahon, logical order, papataas na ayos, espasyo o kinalalagyan. Ang Dakilang Lumpo Tinawag na Dakilang Lumpo si Apolinario Mabini. Kahit siya may kapansanan, marami siyang nagawa sa bayan. Nagsilbing utak siya ng himagsikan. Iginagalang siya ng mga Amerikano dahil sa angking talino. Nanungkulang tagapayo siya ni Pangulong Aguinaldo. Dinakip siya ng mga kawalAmerikano at ipinatapon sa Guam. Noong 1903 namatay siya sa sakit na kolera sa kanyang bahay sa Nagtahan, Maynila. Mga Tanong 1. Ano ang ikinamatay ni Apolinario Mabini? a. kolera b. tigdas c. polio 2. Ano ang tawag kay Apolinario Mabini? a. Dakilang Mambabatas b. Dakilang Manggagawa c. Dadakilang Lumpo Basahin a. Kapag natapos na sila sa pagdarasal, nagtitipun-tipon ang mga ang mga tao sa daan upang magyakapan o magkamayan ang mga magkamag-anak o magkakaibigan. b. Sa pagdiriwang nito, isinusuot ng mga muslim ang mga magagandang damit at nagtutungo sa Masjid upang magdasal. c. Humihingi sila ng tawad sa nagawa nilang kasalanan sa kamag-anak o sa kaibigan. d. Bilang pagtatapos ng pagdiriwang, nagsasamasama ang mga Muslim sa plasa upang magsaya at magsalu-salo sa pagkain. e. Ang Hari-Raya-Puasa ay isang pagdiriwang ng pasasalamat ng mga Muslim pagkatapos ng Ramadan. Pagsasanay Basahin ang mga sumusunod na paraan ng pagluluto ng hotcake. Kumuha ng dalawang puswelong harina at ilagay sa isang malaking tason (lalagyan o haluan). Ilagay ang dalawang itlog na binasag at saka lagyan ng dalawang puswelong tubig. Paghalu-haluin hanggang sa lumapot. Ilagay ang kawali na may kaunting mantika sa kalan. Ihalo ang dalawa o tatlong kutsarang mantekilya sa kawali. Maglagay ng tinimplahan sa kawali. Lutuin ng dalawang minuto ang magkabilang panig. Pahiran ng mantekilya ang magkabilang panig pagkahalo sa kalan. Buhusan o lagyan ng gatas at budburan ng isang kutsaritang asukal. Ihain ng maininit. Sagutin sa pamamagitan ng paglalagay ng titik sa patlang sa unahan ng mga ideya, ayon sa lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga ito. ________1. Ilagay sa painitan ang kawali sa kalan na may kaunti o bahagyang mantika. _______2. Basagin ang dalawa o tatlong itlog. _______3. Batihin o haluin hanggang sa lumapot. _______4. Lagyan ng dalawa o tatlong kutsarang mantekilya. _______5. Kumuha ng puswelong harina at ilagay sa tason. _______6. Ihain ng mainit. _______7. Lagyan o pahiran ng mantekilya ang magkabilang panig. _______8. Haluan ng isang puswelong tubig. _______9. Lagyan ng mantekilya ang kawali. ______10. Budburan ng isang kutasaritang asukal at lagyan ng gata. Paglalapat Basahin ang mga nakatala sa ibaba at lagyan ng bilang upang maipakita ang lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga ideya _______1. Binigyang paliwanag din ng doctor na ang iba pang palatandaan nito ang pagkakaroon ng namumulang pantal ngunit ang di paglitaw ng pantal ay hindi nangangahulugan na walang Hfever. _______2. Ito’y isang uri ng lamok na karaniwang nangangagat ng laman tuwing umaga’t hapon. _______3. Ang pangunahing palatandaan ng H-fever ay pagkawala ng ganang kumain at lagnat na akyat-baba. _______4. Ang H-fever o Dengue ay dala ng Aedes Aegypti. Pagtataya Ayusin ang mga sumusunod na detalye ayon sa lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga ideya. Lagyan ng bilang 1-5. _______a. Maraming nakuhang alahas at pera ang magnanakaw. _______b. Nakapasok ang mga magnanakaw sa isang marangyang tahanan na walang kaalamalam ang bantay. _______c. Sumigaw ang may-ari ng bahay. _______d. Ngunit mabilis na nakatakbo ang mga magnanakaw. _______e. Dumating ang mga kapitbahay upang tumulong.