Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Download Report

Transcript Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Ang pag-aanyong di-karaniwan ng mga salita ay
madalas mangyari’t umiral sa mga pangngalan at
pandiwa. Hindi ito nangyayari o hindi gaanong
napagkikita sa ibang uri ng pananalita. Di-karaniwan
ang tawag dito sapagkat ito ay:
 Di-lubos na di lubos na umaalinsunod sa mga talaga’t
panlahat na tuntunin sa pagbuo ng salita.
 Lumilihis sa mga karaniwang paraan ng palapantigan
at paglalapi.
Ang Morpoponemiko ay mga pagbabagong
nangyayari sa pagbuo ng salita dahil sa:
 Kalikasan ng salita
 Paraan ng pagpapadali ng bigkas
 Pagtitipid sa salita
 Impluwensiya ng mga pinagsamasamang
tunog
Mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
 Pagdaragdag ng Ponema/ May Sudlong
Bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito
ay sinusudlungan o dinaragdagan pa ng isa pang
hulapi. Dahil dito, ang pagdadalawang hulapi ay
matatawag na pandiwang may sudlong o may
pagdaragdag ng ponema.
Halimbawa:
Antabay+an=antabayan=antabayanan
Antabayanan mo ang pagdating ng mga panauhin.
 Maylipat o Metatesis
Sa loob ng salita ay may titi na nag-iiba ng posisyon o
lunan at mayroon pang titik na nakakaltas.
Halimbawa:
Yari+in= yariin = niyari
Niyari niya sa husi ang barong tagalog.
Lipad+in=lipadin=nilipad
Nilipad ng malakas na hangin ang bubong ng bahay.
 Gradasyon
Nililipat ang diin at tunog na o sa u kapag hinuhulapian
ang salitang-uagat
Halimbawa:
Salukin mo sa balon ang tubig na ating ipanlalaba.
Ang pagbabanghay sa mga pandiwang di-karaniwan ay
katulad din ng sa mga karaniwang pandiwa. Kung ano
ang karaniwang pawatas at pautos ay siya ring
patakaran ng mga anyong paturol sa lahat ng aspekto
ng pandiwa.
Pawatas /
Pautos
Paturol
Perpektibo
antabayanan inantabayanan
Imperpektibo
Kontemplatibo
inaantabayanan
aantabayanan
aptan
inaptan
inaaptan
aaptan
salukin
sinalok
sinasalok
sasalukin
 Maypalit
Ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng
iba, bukod pa sa kung may makaltas o nasusudlong.
Halimbawa:
Halik+an=halikan=hagkan
Hagkan mo ang lola mo nang siya’y matuwa.
 Maykaltas
Sa loob ng isang salita ay may nawawalang isang titik o
isang pantig.
Halimbawa:
Lagay+an=lagayan=lagyan
Lagyan mo ng palamuti an gating bahay nang maging
maganda sa tingin ng tao.
 Maypungos
Sa unahan ng salita ay may nababawas na isa o ilang
titik. Ito ay nangyayari sa ilang anyo ng mga
pandiwang binabanghay sa um-, magpa-, paka-in,
paka-hin.
Halimbawa:
Magpadala-padala
Sumulat-nulat (madalas mangyari sa tula)
Umibig- mibig
Padala ka ng mga magasin at aklat sa pgbabalik-bayan
ni Kuya.
Thank
You!!!!!!!!