Pangngalan Part 1

Download Report

Transcript Pangngalan Part 1

PANGNGALAN

L I N D A R E Y E S

ANO ANG PANGNGALAN?

•Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.

•Halimbawa: o Juliet Lazaro o o o lapis eskuwela Pasko

MGA URI NG PANGNGALAN

•Ito ay maaaring pantangi o pambalana.

•Pangngalang Pantangi: tumutukoy sa pangalan ng tao, pook, o pangyayari; nagsisimula sa malaking titik kung isinusulat o Halimbawa: Gloria Macapagal Arroyo, Nueva Vizcaya, Ikalawang Digmaang Pandaigdig

MGA URI NG PANGNGALAN

•Pangngalang Pambalana: tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari o Halimbawa: bata, babae, lalake, mesa, silya, hardin, kaarawan

MGA URI NG PANGNGALAN

• Ito ay maaaring tahas o basal.

• Pangngalang Tahas: mga bagay o materyal na iyong nakikita o nahahawakan o o lansak: iisang uri ng mga tao o bagay  Halimbawa: armi, barkada, banda, tropa di palansak: mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa  Halimbawa: nanay, bata, mesa, pagkain

MGA URI NG PANGNGALAN

•Pangngalang Basal: mga bagay na di materyal at mga bagay na matatagpuan lamang sa diwa o kaisipan o Halimbawa: pag-ibig, panahon, pilosopiya

KAYARIAN NG PANGNGALAN

1. Payak (common)  Halimbawa: nars, lapis, ibon 2. Maylapi (with affix)  Halimbawa: kagitingan, pag-ibig 3. Inuulit (repeated)  bahay-bahay, bayan-bayan 4. Tambalan (compound)  Halimbawa: Punong-kahoy, bahay-kubo, hanapbuhay

KASARIAN NG PANGNGALAN

Pambabae: mga pangngalan na tumutukoy lamang sa babae Panlalake: mga pangngalan na tumutukoy lamang sa lalake Halimbawa: • doktora • ina • weytres • prinsesa • ninang • Maria • lola Halimbawa: • doktor • ama • weyter • prinsipe • ninong • Mario • lolo

KASARIAN NG PANGNGALAN

• Di-tiyak: mga pangngalang 'di matiyak kung ang tinutukoy ay babae o lalake o Halimbawa: sanggol, magulang, kapatid, kapitbahay, tao, kamag anak, pinsan, pamangkin, estudyante • Walang kasarian: mga pangngalan na mga bagay na walang buhay o Halimbawa: mesa, bolpen, kompyuter, papel

MGA PANANDA NG PANGNGALAN

BILANG ISAHAN MARAMIHAN ISAHAN MARAMIHAN ANG NG SA PANANDA PARA SA PANGNGALANG PAMBALANA ang ang mga ng ng mga sa sa mga si PANANDA PARA SA PANTANGING NGALAN NG TAO ni kay sina nina kina PARA SA para sa para sa mga para kay para kina

HALIMBAWA 1. Bumili si Rose ng libro.

2. Si Mary, na kaibigan ko, ay nariyan.

3. Pulutin mo ang pera.

4. Si Jose Rizal ay Pambansang Bayani ng Pilipinas.

5. Igalang mo ang ukol sa relihiyon.