Transcript Salin
“An kinaban kan Bicol bako sanang mayaman sa mga rawit-dawit, istorya, patuod kundi igwa man mga kanta, kasabihan na suanoy saka mga suba” (Bicol Street Journal 2013) “Ang daigdig ng Bikol ay hindi lamang mayaman sa mga tula, kuwento, bugtong kundi maging sa mga kanta, matatandang kasabihan at biro.” Isang Salin sa Filipino ng Aklat na “BALALONG: Mga Kasabihang Bikolnon, A Compilation and Interpretation of Bikol Proverbs” ni Philip Francis Reazon Bersabe BENITA B. BALLA BICOL UNIVERSITY LEGAZPI CITY ANO ANG BALALONG? Ano ang BALALONG? • Isang instrumentong pangmusika na mula sa kawayan na ginamit ng mga datu noong unang panahon sa Kabikulan para tawagan at ipunin ang kanilang mga nasasakupan. Balalong… • Koleksyon ng isangdaang kasabihang Bikolnon na naisulat sa wikang Bikol at Ingles, may interpretasyon sa wikang Ingles at naikategorya sa apat: kasabihang moral, sikolohikal, sekular at espiritwal, na sumasalamin sa buhay, pamumuhay, paniniwala at kulturang Bikolano. • Ang salawikain o kasabihan ay may malaking ginagampanan sa buhay ng mga bikolano noon. Ang mga kasabihan ay kadalasang ginagamit lalo na sa “pagpapaalala sa mga tao ng maraming kalabisan ng maling gawa.” Ang mga salawikain ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig ng pawang katotohanan tungkol sa buhay. LAYUNIN Maisalin sa Filipino ang aklat na “Balalong: Mga Kasabihang Bikolnon, A Compilation and Interpretation of Bikol Proverbs” ni Philip Francis Reazon Bersabe upang makapag-ambag bilang karagdagang kagamitang pampagtuturo sa pagtuturo ng wika at literaturang Filipino at maitampok ang karanasang panrehiyon ng Bikol bilang bahagi ng karanasang pambansa Tiyak na Layunin 1. Magamit ang angkop na pamamaraan, metodo at teknik sa pagsasalin ng aklat na “Balalong” ng mga inipong kasabihan sa wikang Bikol at may interpretasyon sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino. 2. Mataya ang kalinawan at kabisaan ng salin sa Filipino. II. PAMAMARAAN A. Paghahanda at Pagpili sa Tekstong Isasalin B. Pagbasa sa Buong Aklat C. Paggawa ng Unang Burador ng Salin D. Paglalapat ng Teorya E. Ebalwasyon ng Salin F. Pag-edit o Pagrebisa sa Salin G. Paghahanda ng Pinal na Salin PROSESO NG PAGSASALIN (Larson 1984) a. Paghahanda b. Aktwal na Pagsasalin c. Ebalwasyon ng Salin Mga Hakbang na Dapat Isaalang –alang Bago Isagawa ang Aktwal na Pagsasalin (Larson 1984) 1. 2. 3. 4. 5. Pagsasalin (Pagbasa ukol sa paksa) Pagtuklas sa Kahulugan Muling Pagpapahayag ng Kahulugan Pagsasalin sa target na wika Pag-eedit at pagrerebisa (pagbasa at pagsubok sa salin) Ebalwasyon ng Salin Talatanungan • Ginamit upang subukin ang kabisaan ng salin sa Filipino • Ginamit din itong patnubay sa Subok Pang-unawa o Comprehension Check at Subok-hambingan o Comparison Check KONGKLUSYON 1. Isang paraan ng pagpapayaman ng pambansang panitikan ay sa pamamagitan ng paglilikom at pagsasalin ng mga katutubong panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. 2. Ang mga panitikang rehiyonal kapag naisalin sa wikang Filipino ay magagamit bilang lunsaran ng mga aralin sa asignaturang Filipino. Magsisilbi rin itong karagdagang kagamitang pampagtuturo sa larangan ng wika at panitikan maging sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga. 3. Ang mga kasabihang Bikolnon ay kinapapalooban ng mga pagpapahalagang moral, sikolohikal, sekular at espiritwal na mabibigyangdiin sa pagtuturo. 4. Ang pagsasalin ay naging makabuluhan at makahulugan sa tagasalin dahil sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at kultura ng panitikang kanyang isinalin. 5.Kailangan ang sapat na kaalaman sa sining at agham ng pagsasalin ng sinumang nagnanais pumalaot sa mundo ng pagsasalin. 6. Sa pagsasalin ng mga kasabihang Bikolnon nabuksan ang malaking pader na naghihiwalay sa rehiyon lima sa iba pang mga rehiyon, naitampok ang karanasang panrehiyon bilang bahagi ng karanasang pambansa, at naipakilala ang iba’t ibang paniniwala, halagahan at natatanging tradisyon at kamalayan ng mga Bikolano. 7. Sa ginawang pagsasalin naroon ang adhikain na gisingin ang damdamin ng mga tagapagtaguyod ng kultura sa iba’t ibang rehiyon at makita ang kahalagahan ng mga kasabihan bilang midyum ng dayalogo-kultural. MGA TEKNIK NA GINAMIT SA PAGSASALIN 1. Salita-sa-salitang pagsasalin • Ito ang tinatawag sa Ingles na word-for-word translation. Isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita. Malimit na ang ganitong salin ay himig telegrapikong pahayag. • Halimbawa: Orihinal: An marhay na tubo mahamis sagkod puro. Salin:Ang mabuting tubo, matamis hanggang dulo. Orihinal:Daing mapawot sa tawong mahorop. Salin:Walang mahirap sa taong masipag. 2. Literal na Salin • Sa saling literal ang pahayag sa SL ay isinalin sa pinakamalapit na gramatikal na pagkakabuo sa TL. Kung minsan, nagiging wordy o masalita ito at nagiging mahaba ang pahayag. • Halimbawa: Orihinal: An marahay na parasakay namimidbid sa lawod bako sa pampang. Salin: Ang mabuting mandaragat ay nasusubok sa laot hindi sa baybayin ng dagat. Orihinal: Dai nin manok na madulag sa bunag. Salin: Walang manok na tumatanggi sa palay. 3. ADAPTASYON • Pinakamalayang anyo ng salin. • Madalas itong gamitin sa salin ng dula at tula, na kung minsan ay tila malayo sa orihinal. • Halimbawa: Orihinal: Pag-ontok nin bagyong makusugon an minasangle marahay na panahon. Salin:Pagkatapos ng bagyo, may bagong umaga. Orihinal: Gusto man kutang mapahot marhay pang maglibot. Salin:Mabuti na ang dumaan sa mahabang landasin kaysa tahakin ang daang maraming suliranin. 4. MALAYA • Malaya at walang kontrol, parang hindi na isang salin Halimbawa: Orihinal: Impatience leads one to ruin, but patience leads on/complete satisfaction in Christ. Salin:Ang kawalan ng tiyaga ay nakasisira, subalit pag may tiyaga, maaaring humantong ito sa buhay ng walang hanggang kasiyahan sa piling ng Poong Maykapal. Orihinal:Thus, this proverb recommends vigilance and care in any human endeavor. Salin:Sa ganitong paraan, ang kasabihang ito ay nagpapaalala ng pagtitiyaga at pag-iingat sa anumang gawain. 5. MATAPAT • Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal bagaman may suliranin sa istrukturang gramatikal na nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng eksaktong kahulugang kontekswal. • Halimbawa: Orihinal: Sa tinara-taragdo nalalabot an gapo. Salin: Sa paunti-unting patak ng tubig nabubutas ang bato. Orihinal: Sa tubig man o sa hubas, igwa nin halas. Salin: Sa tubig man o sa lupa, mayroong ahas. 6. IDYOMATIKONG SALIN • Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. • Hindi nakatali sa anyo, ayos o istruktura ng SL, bagkus iniaangkop ang bagong teksto sa normal at natural na anyo ng TL. • Halimbawa: Orihinal: An uwak sa sirangan, uwak man sa solnopan. Salin: An uwak sa silangan, uwak din sa kanluran. Orihinal: Daing kinong matutukob sa mangiyaw na ikos. Salin: Walang mahuhuling daga ang maingay na pusa. Orihinal: An tangad na uhoy, tindog sa kagianan, an bawog na uhoy, duko sa katimgasan. Salin: Ang walang lamang uhay nakatayo sa kagaanan, ang malamang uhay yumuyuko sa kabigatan. 7. SALING SEMANTIKO • Pinagtutuunan dito ng higit ang aesthetic value o halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na tunog, at iniiwasan ang anumang masakit sa taingang pag-uulit ng salita o pantig. • Halimbawa: Orihinal: An babaeng mainikid-ikid sa pungo nasasabit. Salin: Ang magaslaw na dalaga nasasabit sa nakausling sanga. Orihinal: Nasasagop an baha dai ang bareta. Salin: Mapapahinto ang baha hindi ang balita. 8.KOMUNIKATIBONG SALIN • Nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstuwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggaptanggap at madaling maunawaan ng mga mambabasa. • Halimbawa: Orihinal: An maraot na kadara, likayan mo ta marara. Salin: Ang masamang kasama, iwasan mo’t may lasong dala. Orihinal: An mahorop amay na magbangon, an hugakon manilamawon. Salin: Maagang gumising ang taong masipag tinatanghali na ang taong tamad. MGA NAISALING KASABIHANG BIKOLNON: • Adalan mong gumamit nin pala bakong kagkag sana. Matuto kang gumamit ng pala hindi lamang kalaykay. • Sa tanuman nin hugakon dakol na hihilamonon. Sa taniman ng tamad maraming damong nagkalat. • An harayo sa gatong dai matototong. Ang malayo sa apoy ay ‘di masusunog. • An tao na bagana cordero bagana sawa kun maniguro. Ang taong parang maamong kordero ay parang tusong sawa kung maniguro. • An minahabo sa grasya minadiklom ang mata. Ang tumatanggi sa grasya lumalabo ang mata. Nawa’y magsilbing tagapagbukas ang pagsasaling ito ng isang bagong kaalamang hahaplos sa bawat damdamin at gigising sa kamalayan ng bawat Pilipino….bilang makabayang Pilipino! MARAMING SALAMAT! DIOS MABALOS!