Pagbabago sa Relihiyon  Misyonero: -Agustino (1565) -Pransiskano (1577) -Heswita (1581) -Dominikano (1587) -Rekoletos (1606) -Benedictine (1895)  sanay ang mga katutubo sa pagsamba sa mga bagay sa kanilang kalikasan.

Download Report

Transcript Pagbabago sa Relihiyon  Misyonero: -Agustino (1565) -Pransiskano (1577) -Heswita (1581) -Dominikano (1587) -Rekoletos (1606) -Benedictine (1895)  sanay ang mga katutubo sa pagsamba sa mga bagay sa kanilang kalikasan.

Pagbabago sa
Relihiyon

Misyonero:
-Agustino (1565)
-Pransiskano (1577)
-Heswita (1581)
-Dominikano (1587)
-Rekoletos (1606)
-Benedictine (1895)

sanay ang mga katutubo sa pagsamba sa
mga bagay sa kanilang kalikasan tulad ng
bundok, ilog, at puno kaya di na sila
nahirapang tanggapin at kilalanin ang mga
imahen ng mga santo na dala ng mga
misyonero

ritwal na ginawa dati sa kanilang pagsamba
ay ginawa rin nila nang halos walang
pagkakaiba sa relihiyong Kristiyanismo

Pilipinong nagpabinyag sa relihiyontinuruan ng kagandahang asal,
pagpapakumbaba, takot sa Panginoon, aral
tungkol sa kabilang buhay, at pag-aabuloy
sa simbahan.

hinikayat din ng mga prayle ang mga
katutubo na magsimba, mangumpisal,
magkomunyon, magpabinyag, magpakasal
at sumunod sa mga gawain ng simbahan.

sumunod ang mga katutubo sa mga
kasayahan tuwing pista at araw ng pangilin
ayon sa simbahan.

ang simbahan noong panahon ng mga
Kastila ay sentralisado rin.

nasa ilalim ito ng pamumuno ng Arsobispo
na hinirang ng Papa sa Roma ayon sa
rekomendasyon ng Hari ng Espanya.

siya ang pinunong tagapagpatupad sa mga
alituntunin ng simbahan.

ang Pilipinas ay hinati-hati sa mga
“diocese” na pinamumunuan ng isang
Obispo tulad ng diocese ng Maynila, Cebu,
Iloilo at iba pa.

ang mga diocese naman ay nahahati sa
mga parokya na nasa pangangalaga naman
ng kura paroko.
 nagtatag
ng mga paaralan, ospital,
daan, tulay, imbakan ng tubig at iba
pa.
Edukasyon

Isa sa mga patakaran ng Espanya sa
Pilipinas ay ang pagpapaunlad ng
edukasyon.

nagtayo ang mga misyoneryo ng mga
paaralan

ang kauna-unahan sa mga ito ay ang
paaralang parokyal na itinatag ng mga
Agustino sa Cebu noong 1565.

hindi lamang mga kabataan ang tinuturuan,
maging ang mga may edad

tinuruan ang mga mag-aaral na bumasa,
sumulat, magkwenta, tumugtog ng
instrumento at iba pa.

misyonero- naging ang mga unang guro;
nag-aral ng mga diyalekto upang madaling
maituro ang relihiyon

Itinatag ng mga Dominikano ang Colegio
de Nuestra Señora del Santissimo
Rosario- dating pangalan ng Unibersidad
ng Santo Tomas

Colegio de San Juan de Letran

Escuela Pia- Ateneo de Manila ngayon;
itinatag ng mga Heswita
Panlipunan

Tatlong uring Panlipunan
◦ -peninsulares- mga Espanyol na ipinanganak sa
Espanya na naninirahan sa Pilipinas
◦ insulares- mga Espanyol na ipinanganak at
ninirahan sa Pilipinas
◦ Indio- mga katutubo

Dalawang pangunahing pangkat panlipunan
◦ -principalia- mayayamang nagmamay-ari ng lupain;
mga guro; mga lokal na opisyal; mga inapo ng mga
datu at maharlika.
◦ -karaniwang tao- manggagawa at magsasaka
◦ Lahing mestizo- lahing bunga ng pag-aasawahan ng
katutubo, Tsino at Espanyol
◦ Cacique- mayayamang nagmamay-ari ng
malalaking hacienda