panliteraryang teknik 1314

Download Report

Transcript panliteraryang teknik 1314

PANLITERARYANG
TEKNIK
MABISANG PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO







1. PAGBABALIK-TANAW
2. PAGPAPAHIWATIG
3. SIMBOLISMO
4. ALUSYON
5.KAPANABIKAN
6.PAGLALARAWANG-DIWA
7.IRONYA
URI NG PANLITERARYANG TEKNIK
 Ang
teknikong ito ay ang mga
kuwentong nagsisimula sa gitna ng mga
pangyayari (in media res) o sa wakas (in
fine res) na ang simula ng lahat ay
inaalaala na lamang.
 Nasa karaniwang ayos (simula-gitnawakas), ginagamit upang antalain ang
takbo ng istorya.
PAGBABALIK-TANAW


Kukuwentuhan ko kayo. Pero bago ko simulan,
kailangang bumalik tayo, sa umpisa noong nabubuhay
pa ako, tungo sa katapusan ng buhay ko- nga pala
patay na ako ngayon. Namatay ako, kararaang limang
minuto. Takot akong humikab. Naiisip ko pag inginanga
kong maluwag, matutukap sa ulo ko hanggang sa ibaba
ng leeg ko at babaliktad ako mula sa labas…
(salin mula sa bahagi ng monologo ni Nick Darte, The
Body)
Halimbawa
 Gumagamit
ng mga palatandaan o senyales
na nagbabadya sa magaganap na pangyayari
sa dakong huli ng istorya. Lumilikha ng
kapanabikan kaya nagiging pursigido ang
mambabasa na malaman.
PAGPAPAHIWATIG

“I drink, he said, to the buried that repose
around us.” Ito ang winika ni Fortunato
habang nakikipagtaasang tagay kay
Montressor na sa katapusan ay siya
ngang nangyari sa kanya, nang ilibing
siyang buhay ng kainuman. “I hastened to
make end of my labor. I forced the last
stone into its position. I plastered it up.
Against the new masonry I re-erected old
rampart of bone…”
Halimbawa

Pamamaraan itong gumagamit ng
sagisag, isang bagay na may sariling
kahulugan ngunit nagsasaad ng ibang
kahulugang malayo sa sarili. Tulad
halimbawa ng kalapati na isang
maamong ibon na sumasagisag sa
kalayaan at kapayapan, o ng krus na
pinagpakuan kay Hesus kaya
sumasagisag sa kakristiyanuhan bilang
tanda ng pagpapakasakit.
SIMBOLISMO

Ang nakatutulig na tilaok ng katyaw ay
nakatawag ng pansin ni Ernesto. Sinundan
ng kanyang paningin ang pook ng
pinagbuhatan nang muling tumilaok ang
katyaw na yaong naiiba ang tilaok sa
marami nang marinig
niya………………………………………………………
Parang kidlat na gumamit sa kanyang isip
si Myrna, nang kanyang makatagpong
minsan sa Escolta. Nakahawak sa kamay
ni Alfredo……………………….
Halimbawa
ALUSYON
 Binabanggit
ang kilala nang mga
bagay mula sa iba’t ibang larangang
sanggunian gaya ng Bibliya,
Mitolohiya at iba pang panitikan o ng
kilalang tao, pook o pangyayari sa
labas ng panitikan. Nakawiwiling
karagdagang impormasyon sa katha
subalit hindi siyang pinakadiwa para
maintindihan ang kuwento.

Maniniwala ka sa kadalubhasaan ni
Rudyard Kipling! Hindi ako naniniwala sa
kasabihan niyang:
Ang Silangan ay Silangan,
 Ang Kanluran ay Kanluran,
 Magkapatid silang kambal,
 Magkalayo habang buhay.

Halimbawa
KAPANABIKAN
 Gumaganyak
sa damdamin at interes
ng mambabasa dahil ang mga
pangyayari ay nabibitin kaya hindi
basta nabibitawan ang binabasa sa
kagustuhang malaman ang mga
susunod pang mangyayari sa kuwento
kung ano ang kalalabasan o magiging
solusyon sa problema na inihain ng
may-akda sa kuwento.
 Nabalitaan
mo na marahil ang mga
sabi-sabi ukol sa
akin……………………………. Huwag kang
maniniwala. Pumarito ka at may
lihim akong sasabihin sa
iyo…………………………………………
Halimbawa
 Gumagamit
ng mga salita o parirala
na matinding pumupukaw sa mga
pandama- pang-amoy, panlasa,
paningin, pandinig, paghipo-tuloy
bumubuo ng larawan o imahe sa
guni-guni. Karaniwan na sa pagsulat
ang imaheng biswal na nagpapakita
sa mambabasa ng kung anong mga
bagay-bagay.
PAGLALARAWANG-DIWA

“Uminog ang kanyang paligid. Tumayo siya’t
pasuray-suray na tinakbo niya ang gutom na
pintuan. Sa kanyang pagmamadali, sumabit
ang balikat niya sa gilid ng pinto na kung
hindi siya agad-agad nakakapit, tiyak dapa sa
ilong siyang sumubasob. At ang kanyang
pagkakatingala, sumaliw sa mata niya ang
bilang ng silid na kanyang pinanggagalingan.
Kapipinta pa lang nito sa dingding. Mistula
itong dugong sariwa pang
tumutulo…………………………………………………………
……………………………………………………
Halimbawa
 Pagbabaliktad
ng pangyayari.
Kung ano ang inaasahan hindi
pala ang mangyayari. Kung ano
ang pagkakakilala hindi pala ang
tunay na katayuan o kalagayan.
Ganito ang sinasabi, ganoon ang
kahulugan. Twist kung tawagin
pa ito sa Ingles.
IRONYA
Halimbawa

Ironiko ang mga sitwasyon sa nobelang Sa
Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes.
Tulad ng pangalan ng isa sa mga pinakapangunahing tauhang si Ligaya Paraiso na
dapat sana’y maligaya, matiwasay at malaya
subalit kabaligtaran ang naging kalagayan
niya sa buhay nagging napakamiserable. Si
Perla na isang hiyas na dapat mamahalin
dahil sa pusod ng dagat na dalisay ang
kapaligiran nakukuha pero dito siya’y
nakasadlak sa squatter area at naging
babaing walang halaga dahil nagbebenta ng
kaluluwa……………………………………………………………
………..
 Paglalarawan
ng partikular na
kapaligiran, sampu ng pagbanggit
sa katawagan ng mga bagay-bagay
na karaniwang dito lamang nakikita
o natatagpuan. Tulad ng
paglalarawan ni Macario Pineda sa
gawaing pag-aararo sa kanyang
maikling kuwentong Suyuan sa
Tubigan.
KATUTUBONG-KULAY

…………………………………………………………………………
…………………………………………………………… Sa
aming nayon, ang kasaysayan ni Apong Isis
ay isang buhay na alamat. Mayroon daw
siyang anting-anting na kanyang inaagaw sa
isang lamang-lupang nakipagbuno sa kanya
sa buong magdamag. Mayroon din daw
siyang agimat na puting batong ibinigay ng
isang kaibigang nuno sa
punso……………………………………..
Halimbawa
 Isang
paglalarawan itong hindi
umalinsunod sa lohika kundi mga
pasambut-sambot at waring
humihingal na mga detalyeng basta
lumalabas sa isip ng manunulat
tuwing masasagi ng anumang bagay
na makapagpapaalala ng mga
karanasang nag-iiwan ng impresyon
kaya nailahad.
DALOY NG KAMALAYAN

Florante Obligacio. Mauupod ‘yan! Gusto mo
bang mawalan ng mga daliri?

Kung kailan nagsimula ang kinalakhang
gawaing ito ni Florante ay hindi niya matiyak.
Basta ang natatandaan niya, oras na
humarap sa klase ang sinuman sa kanyang
mga naging guro, lalo na si Miss Rucuan, di
niya namamalayang ang mga leksyong
itinuturo ng mga ito sa kanila ay sa daliri niya
…………………………………………………………………………
………….

Florante Obligacion…………………………………..
Pa-roll call ang tonong ito ng paring banat
na banat ang buhok sa pomadang
Brillantine……………

Pinababa ng sambit na iyon sa ikalawang
baitang na kamuwangan si Florante.
Nakita niya roon at narinig ang
karaniwang pagtawag sa kanya ni Bb.
Rucuan, ang kanyang guro.
Halimbawa
 Karaniwang
gamitin ang simile
at metapora. Ito’y
pagkukuwento ng mga nagdaan
na o di pa man nangyayari
ngunit sa pagkukuwento ay
parang nagaganap sa
kasalukuyan.
PAGGAMIT NG MGA TAYUTAY

Masaya siyang kumakanta at dinadala ang
awit sa kanyang ugat at mga laman pababa
sa tiyan ko. Naririnig ko ang tono sa kanyang
panubigan; hindi pa bumubukas ang mga
mata ko……. Lumulutang ako. Galaw siya
nang galaw. At habang pakaliwa’t pakanang
umiimbay ang kanyang mga balakang,
sinusubukan kong makikanta sa kanya
habang sa mabagal na ritmo’y sumasagi ang
buhok ko sa malambot na
…………………………………………………………………………
………………………..
Halimbawa