PowerPoint Presentation - HEKASI 1-7

Download Report

Transcript PowerPoint Presentation - HEKASI 1-7

ANG PAMUMUHAY NG MGA
PILIPINO SA PANAHON NG
MGA ESPANYOL
Pangkabuhayan
1. MONOPOLYO NG TABAKO
 itinatag
ito ni Jose Basco y Vargas
noong ika- 1 ng Nobyembre 1782
 Layunin: upang
madagdagan ang
kita ng pamahalaan at ng di na
umaasa pa sa Mexico
 may
multa ang mga magsasakang
hindi makatupad sa itinakdang aanihin.
 sa
Maynila, dinadala ang mga dahon
ng tabako
 nakilala
ang Pilipinas na pangunahing
tagagawa ng tabako sa alin mang
bansa sa Silangan.
mabuting epekto:
-ang pamahalan ay nakapagpagawa ng
kalsada, gusali, tulay at nakapagpalagay ng
karagdagang ilaw sa mga bayan


di mabuting epekto:
-bumaba ang produksyon ng pagkain

umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng
monopolyo kaya ipinatigil ito at tuluyang
nahinto sa panahon ni Gobernador Primo
de Rivera taong 1882.
2. ANG KALAKALANG GALYON
 nakilalang
Kalakalang Maynila-
Acapulco
 malaki
ang halagang kinikita sa
kalakalan subalit hindi lahat ay
nabigyan ng pagkakataon para
lumahok.
Mga kasali sa Kalakalang Galyon:
1. gobernador-heneral
2. mga prayle
3. miyembro ng Royal Audencia
4. mga inulila ng mga Kastila
5. mga kaibigan ng mga opisyal

upang sila ay makalahok sa kalakalang
Galyon, kailangan nilang bumili ng boleta

boleta- tawag sa tiket para makakuha ng
puwesto sa loob ng galyon para sa
kanilang mga kalakal.
magandang epekto:
-dahil sa kalakalang Galyon umunlad
ang Maynila

-malaking kita ng pamahalaan ay
nakadagdag sa pananalapi ng bansa

hindi gaanong mabuting epekto ng
Kalakalang Galyon:
-napabayaan ang pamamahala sa mga
lalawigan at pagpapaunlad ng pagsasaka at ang
iba pang industriya
-nakaranas ang mga tao ng kakulangan sa
pagkain

Dahil sa katiwalian at pang-aabusong
naganap sa kalakalang galyon, kaya binuwag
ito ni Haring Ferdinand VII noong 1813.
3. ANG POLO
 pinairal ng sapilitan ang patakarang polo y
servicio sa Pilipinas

pinilit ang lahat ng mga kalalakihang may
gulang na 16 hanggang 60 na maglingkod
sa pamahalaan sa loob na 40 araw sa isang
taon

polista- tawag sa mga kalahok sa polo

kailangan silang gumawa ng mga daan,
gusali, simbahan at tulay

nagtratrabaho ng walang tigil at walang
pahinga

ang mga maykaya ay hinahayaang
magbayad ng falla o multa sa halip na
magtrabaho.

hindi magandang epekto:
-napabayaan ang mga pananim sapagkat
-ipinadadala sila sa malalayong lugar
para magtrabaho
-napalayo sila sa kanilang mga mahal sa
buhay na umaasa sa kanila upang
mabuhay
-naging sanhi ng pag-aalsa ng mga Pilipino
laban sa mga Espanyol
4. ANG BANDALA

sapilitang pagbibili sa pamahalaan ng mga
produkto pansakahan

upang madagdagan at lumaki ang kita ng
pamahalaan nagtakda ito ng kota ng
produktong kailangang ipagbili ng
mamamayan

hindi magandang epekto:
-binibili ng pamahalaan ang mga ani ng
mga magsasaka sa murang halaga
-inuutang pa ng pamahalaan ang
produkto na madalas ay hindi na rin
nababayaran
5. ANG TRIBUTO
 ang mga mamamayan ay kailangang
magbigay ng buwis

sa simula ,walong reales o isang piso ang
hinihingi sa bawat pamilya at kalahating
real naman sa walang asawa ngunit nasa
hustong edad

itinaas ito at naging sampung reales noong at
labindalawang reales.

pinalitan ang tributo ng sedula noong 1885 at
pinagbayad ang mga may edad 18 pataas.

mga taong maaaring di magbayad ng tributo:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
Kastilang dito nakatira sa Pilipinas
mga prayle
mga inulila ng mga opisyales na Kastila
mga cabeza de barangay
Principalia
mga tapat na katutubong sundalo
mga matatandang may edad na animnapu (60).

ang nakukolektang pera ay ginagamit sa mga
proyekto ng pamahalaan tulad ng pagtatayo
ng simbahan, paaralan, gusali at iba pa

maaaring mabayaran ang tributo sa
pamamagitan ng salapi o produkto

ngunit kapag marami ang ani, binababaan ng
presyo at pinipilit ang mga tao na magbayad
ng salapi. Dahil sa di makatarungang
paniningil ng buwis, nag-alsa ang mga Pilipino
laban sa mga Kastila
6. OBRAS PIAS
 pondong kaloob ng mga mayayamang tao
sa mga relihiyosong orden

inilalaan para sa gawaing pagkakawanggawa
sa mga sumusunod:
1. ospital
2. edukasyon
3. pangangalaga sa mga may
kapansanan, mahihirap at
kapuspalad

nagsilbing bangko komersyal ng mga
negosyante

ipinautang ng mga prayle ang mga salapi
at kumita ng malaking interes

dumating ang panahon at naubos ang
pondo. Di- nakabayad ng pagkakautang ang
mga negosyante dahil sa pagkalugi sa mga
lumulubog at nawawalang galyon.
7. Ang Real Compania de Felipinas
 Ika-10 ng Marso 1785 nang itatag ang Real
Compania de Felipinas.

lumabas ito sa panunungkulan ni
Gobernador-Heneral Basco.

Layunin ng Espanya na maitaguyod ang
kalakalan nito sa Pilipinas at malinang ang
likas na yaman ng kolonya.

Ang Kompanya ay naging kakumpetensya
ng Kalakalang Galyon na nang nagtagal ay
nabuwag din dahil sa di- mabuting
pamamalakal sa kompanya.
Pampulitika

Ang Pamahalaang Sentralisado

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay
nagmumula sa pamahalaang pambansa.

Sakop nito ang buong kapuluan at nasa
pangangasiwa nito ang lalawigan, lungsod,
munisipyo at barangay at lahat ng may
kaugnayan sa kapakanan at ng buong
kapuluan.

Ang Gobernador heneral:

pinakamataas na pinuno na hinirang ng hari
ng Espanya upang mamuno sa kolonya

pangulo ng Real Audencia o ang kataastaasang Hukuman ng Pilipinas

maaari niyang ipagpaliban ang pagpapatupad
ng batas kung sa akala niya ay di
napapanahon para sa Pilipinas. Tinatawag
itong cumplase

Vice Real Patron-titulo din ng gobernador
heneral bilang pinakamataas na kinatawan
ng hari ng Espanya na may titulong Real
Patron

upang maiwasan ang pagmamalabis ng
gbernador heneral, isinasagawa ang
imbestigasyong tinatawag na residencia

visitador-isang opisyal ng pamahalaan ng
Espanya na ipinadadala sa kolonya upang
siyasatin ang paraan ng pamamahala nito.

Pamahalaang Lokal

Barangay-pinakamaliit na pamahalaang
lokal

pinamumunuan ng cabeza de barangay

Cabeza de barangay- dating datu o galing sa
hanay ng mga cacique

Tungkulin ng cabeza de barangay:
◦ -nangungolekta
ng buwis
◦ -naghahanap ng polista
◦ -tagapamayapa
◦ -walang sahod, ngunit kapalit ng kanyang
paglilingkod ay hindi siya pinagbabayad
ng buwis at hindi kailangang magtrabaho

Bayan o pueblo- ang pinuno ay ang
gobernadorcillo
◦ -galing
sa hanay ng cacique
◦ -hinahalal siya mula sa mga principales
◦ -maliit ang sahod ngunit ang
katungkulan ay simbolo ng mataas na
antas sa lipunan

Tungkulin ng gobernadorcillo:
◦ -naghahanda para sa rehistro ng
mamamayan
◦ -pagkalap ng kalalakihan para sa polo
◦ -nagsisilbing hukom sa kasong sibil
◦ -tagapamahala ng koreo ng bayan
Ang Sistema ng Pamahalaang
Panlalawigan
◦ Encomienda- simula ng lalawigan sa
kapuluan
 -galing sa salitang Espanyol na
encomendar ibig sabihin ay
“ipagkatiwala”
 -ipinagkatiwala ng hari sa isang opisyal
na tinatawag na encomiendero ang
lupaing nasakop at ang mga katutubong
nakatira roon.

Tungkulin ng encomiendero:
-ituro ang kulturang Espanyol
-ipaunawa at ituro ang Katolisismo
-mangulekta ng buwis

naging mapang-abuso ang encomiendero
kaya binuwag ito at pinalitan ng alcaldia

Alcaldia o pook na payapa
-pinamumunuan ng alcalde mayor

hinihirang ng gobernador heneral

Tungkulin:
◦ -mangolekta ng buwis
◦ -magpasya tungkol sa mga kaso
◦ -nagpapagawa ng tulay o kalsada
◦ Corregimiento o lalawigang may
nagaganap na kaguluhan o labanan
 -pinamumunuan ng corregidor

Ayuntamiento- pamahalaang itinatag para
sa mga lungsod
◦ -pinamumunuan ng cabildo (binubuo ng
alcalde, regidores at iba pa)