Transcript TAYUTAY
Masining na Pagpapahayag PAMANTAYANG LAYUNIN Makapagpamalas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan sa mga talinhagang nakapaloob sa mga pahayag PAMANTAYANG LAYUNIN Makagagamit ng mga angkop na talinhaga sa pasulat at pasalita bumabalikwas sa pampang dumadagundong na pagsabog humahagunot sa himpapawid rumaragasang pagpatak SA TABI NG DAGAT Marahang – marahang manaog ka, Irog at kata’y lalakad Maglulunoy katang payapang – payapa sa tabi ng dagat SA TABI NG DAGAT Di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing sa sakong na wari’y kinuyom na rosas SA TABI NG DAGAT Manunulay kata habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; SA TABI NG DAGAT Patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay hanggang sumapit sa tiping buhangin SA TABI NG DAGAT Pagdating sa tubig mapapaurong kang parang nangingimi, gaganyakin kata sa nangaroong mga lamanglati; SA TABI NG DAGAT Doon ay may tahong talaba’t halaang kabighabighani Hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? SA TABI NG DAGAT Pagdarapit- hapon kata’y mababalik sa pinanggalingan sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw… SA TABI NG DAGAT Talagang ganoon; sa dagat man, irog ng kaligayahan, Lahat, pati puso naaagnas ding marahang – marahan. Pagsusuring Pampanitikan Piliin mo ang kahon na naglalaman ng mga salitang ginamit ng mayakda sa tula na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran. Pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; Doon ay may tahong, Talaba’t halaang Kabigha-bighani Maglulunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng dagat; Ngunit walang ingay, Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin. Pagsusuring Pampanitikan Piliin ang larawangdiwa na maaaring mabuo sa iyong isipan sa sumusunod na mga taludtod. Di na kailangang Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, Ang daliring garing sa sakong na wari’y kinuyom na rosas Di na kailangang Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, Ang daliring garing sa sakong na wari’y kinuyom na rosas a. ang babae ay tin-edyer pa b. makinis at maputing babae c. babaeng may kutis porselana at busilak sa kaputian d. babaeng may makinis na balat at kulay “ivory” Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin Manunulay kata, Habang maaga pa, sa isang pilapil Na nalalatagan Ng damong may luha ng mga bituin a. Isang bukid sa maaliwalas na umaga b. Isang bukid na puno ng hamog ang damuhan c. Bukid na punung-puno ng pananim d. Bukid na puno ng hamog ang damuhan sa maaliwalas na umaga Patiyad na tayo Ay maghahabulang simbilis ng hangin Ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin Patiyad na tayo Ay mangaghahabulang simbilis ng hangin Ngunit walang ingay, Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin a. Magsing-irog na tumatakbo sa pinatigas na tubig. b. Magsing-irog na marahang tumatakbo sa kumati o bumabang tubig. c. Magsing-irog na nagahahabulan sa pinatigas na tubig. d. Magsing-irog na mabilis na naghahabulan sa kumati o bumabang tubig. URI NG TAYUTAY • Ang kanyang mga ngipin ay tila perlas sa kaputian. • Siya ay parang nauupos na kandila. Tuwirang paghahambi ng ng dalawang bagay na hindi magkauri na ginagamitan ng tila, paris, gaya, anaki at iba pa PAGTUTULAD (SIMILI) • Ang mata niya’y kristal sa kagandahan. • Sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng langit sa bayan. • Tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkauri na hindi ginagamitan ng mga salitang nagtutulad PAGWAWANGIS (METAPORA) • Ang mga halaman kung iyong malasin sa katahimikan ay nananalangin. • Pagkakalapat ng talino sa mga bagay na hindi nagtataglay ng talino upang mabuhay, gumanap o magkaisip tulad ng isang tao PAGTATAO (PERSONIPIKASYON\ PANDIWANTAO) • Ang ulilang silid ay kay Martha. • Ang matapat na pluma ay muli na namang ginamit ng bunsong anak. Inililipat sa mga bagay ang ilang namumukod na panguring ginagamit lamang sa tao. PAGLILIPAT -WIKA •Kung hindi ka susuko, lulutang ka sa dugo • Pagpapaalpas sa haraya (imagination) nang lampas sa isang larawan ng katotohanan PAGMAMALABIS (Hayperbole) • Si Reyna Elizabeth ang nagmana ng korona. • Isang kayumanggi ang binaril saLuneta. • Paggamit ng pangalan ng isang bagay para roon sa isang bagay na ipinahihiwatig niyon PAGPAPALITTAWAG (Metonomiya) • Tayo ay magbanat ng buto. • Nasa hukay ang isang paa ng isang babaeng nanganganak. • Pagbanggit ng bahagi bilang katapat ng kabuuan o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi PAGPAPALITSAKLAW (Sinekdoke) • Talaga • Pangpalang uuyam sa masipag pamamaka, wala gitan ng kang pagpapaha ginawa yag na lakundi ban sa ibig matulog ipakahulumaghapon. gan PANGUYAM • Kung sino ang bata ay naging matanda; Kung sinong matanda’y siyang naging bata. • Pahayag na wari’y salungat o laban sa likas na pagkukuro ngunit nagpapakilala ng katotohanan PABALIGHO (PARADOKS) • Ikaw’y •Pagkaka iniluwal ng hawig ng baha sa tunog ng bundok; salita at hahalahalakhak at ng diwa susutsutnito sutsot PAGHIHIMIG (ONOMATOPEYA) • Huwag kang lumapit, o kapabaya an, lason sa puso ko na ika’y matanaw. • Tumatawag o kumakausap sa isang tao o isang bagay na wala o hindi kaharap. PANAWAGAN • Sa sinapupunan ng Konde Adolfo’y aking natatanaw si Laurang sinta ko. • Pagpapahayag ng isang pangitain o isang kalagayang wala mang katotohanan ay parang nagaganap nang totoo PANGITAIN •Para- bula ng Manghahasik • Isang salaysay na ang hangarin ay magbigay ng kahulugan ang mga mahalagang katunayan. (parabula) TALINHAGA PAGGAMIT NG TAYUTAY Pagsulat ng Tanaga TANAGA • May sukat may tugma • Maikli tulad ng haikku • Bawat taludtod ay may pitong pantig • Nagtataglay ng talinhaga Palay TANAGA Palay siyang matino Nang humangi’y yumuko, Ngunit muling tumayo, Nagkabunga ng ginto Kabibi Kabibi ano ka ba? May perlas maganda ka Kung idiit sa tainga Nagbubuntunghininga.