uri ng tula - yramenna77

Download Report

Transcript uri ng tula - yramenna77

SA
DALAMPASIGAN
ni Teodoro A. Agoncillo
I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t
sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo
ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking
paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na
aking tapakan,
Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na
sultanang buwan!
II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto
ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga
daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung
lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na
halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing
lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat
na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi
ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at
kayakap-yakap!”
IV
At ang mga bulong
Sa aki’y di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at
tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animo’y
kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng
langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga
tinig
Niring kaluluwang di man lumuluha’y may
piping hinagpis!
MGA URI NG PANITIKANG PATULA
TULANG PASALAYSAY
 Epiko
– nagsasalaysay ng isang
kagitingan o kabayanihan ng isang tao
Biag ni Lam-ang (Iloko)
Indarapatra at Sulayman (Muslim)
 Awit
 Kurido
kwento tungkol sa mga dugong
bughaw
TULANG PASALAYSAY
(METRICAL POETRY)
Awit – ay binubuo ng 12 pantig at
may kumpas na mabagal
Kurido – ay binubuo ng 8 pantig at
may kumpas na mabilis o
martsa
TULANG PANTIGAN O TULANG PALARO
(JOUSTIC POETRY)



Karagatan – paglalarong patula sa
pamamagitan ng pagsisid sa singsing ng
prinsesa sa dagat.
Duplo – patulang pangangatwiran hango sa
mga salawikain, sawikain o bibliya.
Balagtasan – tagisan ng talino sa
pamamagitan ng pangangatwiran sa
paraang patula.
TULANG DULA O TULANG PANTANGHALAN
(STAGE POETRY)
Senaculo – pagtanghal sa buhay at
pagpapakasakit ni Hesus
 Tibag –pagsadula sa paghahanap ni Reyna Elena
ng krus na pinagpakuan ni Hesus
 Panunuluyan – pagsadula sa paghahanap nina
Maria at Jose upang isilang si Hesus
 Pangaluluwa – pagbisita sa mga bahay sa araw
ng kaluluwa
 Sarswela- pagsasadulang may awitan ukol sa
damdamin ng tao.

TULANG PANDAMDAMIN / LIRIKO


Dalit – nagpaparangal sa Maykapal
Awit o Kantahin – madamdaming tula na
inaawit ukol sa damdamin ng tao
Elehiya
Oda
Soneto
ELEHIYA
Ang elehiya ay isang tulang liriko na
naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni
hinggil sa kamatayan.

Mga Katangian ng Elehiya
1. Tula ng pananangis — pag-alaala hinggil sa
yumao
2. Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at
di masintahin.
ODA
Ito’y isang tulang liriko na may marangal
na uri at karaniwang isang apostrope o
patungkol sa pagpuri ng isang tao o grupo
ng tao, lugar o panyayari.
Mga Katangian ng Oda
1. pagpapahayag ng masiglang damdamin
ng isang kapusukang pigil ng
maguni-guning pagbubulay bulay
2. pagpapahayag ng isang papuri o kaya’y
ng isang panaghoy na kapita-pitagan
SONETO
Ito’y tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14)
na taludturan na hinggil sa damdamin at
kaisipan.
Mga Katangian ng Soneto
1. Ito ay may tema ukol sa damdamin at kaisipan.
2. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng
sukat at kalawakan sa nilalaman.
HALIMBAWA NG ELEHIYA
ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig
HALIMBAWA NG ELEHIYA
ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam!
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim
HALIMBAWA NG ELEHIYA
ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay
HALIMBAWA NG ODA
BAYAN KO NI JOSE CORAZON DE JESUS
Ibon mang may layang
Ang bayan kong Pilipinas
lumipad
Lupain ng ginto’t
Kulungin mo at umiiyak
bulaklak
Pa-ibig ang sa kanyang
Bayan pa kayang sakdal
palad,
dilag,
Nag-alay ng ganda’t
Ang di magnasang
dilag
makaalpas,
At sa kanyang yumi at
Pilipinas kong minumutya
ganda
Pugad ng luha at dalita
Dayuhan ay nangahalina
Aking adhika
Bayan ko binihag ka
Makita kang sakdal laya.
Nasadlak sa dusa
HALIMBAWA NG SONETO
PHILIPPINE PANORAMA, VOL. 10, NO. 46, NOVEMBER 29, 1981.
May pinahirapang puso ng pag-ibig,
Dahil sa paghanap ng isa pang puso,
Ang pusong nakita’y katulad ng langit,
Magandang-maganda puso ng pagsuyo,
Ang dalawang puso’y masayang nabuhay,
At sa püso’y hindi na raw magtataksil,
Naniwala silang ang pagmamahalan….
Pag likas at wagas ay walang kahambing,
Bubuyog at kamya’y laging nag-uusap,
Laging nagsasalo sa dusa’t ligaya,
Sapagkat ang kamya’y langit ng pagliyang,
Ang bubuyog nama’y puso ng pag-irog,
Ang puso ng tao’y ligayang may dusa,
Di lahat ng puso’y laging maligaya.