Transcript Tula

Tula
ARALIN PARA SA IKAAPAT NA TAON
Balangkas ng Aralin
Kahulugan ng Tula
Elemento ng Tula
Anyo ng Tula
Kahulugan ng Tula

isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat.
 Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula
ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di
pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting
Elemento ng Tula
 Tugma
 Sukat
 Kariktan
 Talinhaga
 Persona
 Tayutay
 Tono / indayog
 Paksa
1. Tugma
 - nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang
paraan ng pagtutugma
1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay
nagtutugma ang dulumpantig
2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
2. Sukat
 tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
 Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig
ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga halimbawa ng Sukat ng Pantig
 1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
3. Paksa
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula
4. Tayutay
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad
(metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula
5. Tono/Indayog
- tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tono o pagbigkas
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
6. Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan
7. Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita
upang masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.
8. Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang
salita at tayutay.
○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad,
pagsasatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula
Mga Anyo ng Tula
Malayang
taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma
Walang sukat na may tugma
Mga Uri ng Tula
Tulang Liriko o Tulang
Damdamin
Tulang Pasalaysay o narrative
poetry sa ingles
Tulang Patnigan a
Tulang Pantanghalan o Padula.
 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric




poetry)
tulad ng isang soneto o ng isang oda, na
ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng
makata.
karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang
kanta.
hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon.
Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa,
ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon.
Uri ng Tulang Liriko
 Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-
aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may
lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay
isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong
may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin
at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang
papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang
makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa
kamatayan.
Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na
nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at
karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) –
 isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring
maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may
kaugnayan sa maaaring maging simple o
kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi
madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko,
ballad, idylls at lays.
Uri ng Pasalaysay
 a. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol
sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa
isang kultura o bansa.
b. Awit at kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung
saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay
kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa
Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang
kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong
Adarna.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay
tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry)
Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.
 a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula,
bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa
pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal”
na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng
singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay
sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
4. Tulang Pantanghalan o Padula
 karaniwang itinatanghal sa teatro.
 Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan
ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin.
 Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang
madula na maaaring makatulad ng, o dili
kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-arawaraw na buhay.