Ang Alamat ni Bernardo Carpio

Download Report

Transcript Ang Alamat ni Bernardo Carpio

Ang Alamat ni
Bernardo Carpio
Noong unang panahon…
 Mag-asawang naninirahan sa bundok ng San
Mateo, Rizal.
 Biniyayaan sila ng isang anak dahil sa kanilang
kabutihan sa kanilang kapwa.
 Biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng
pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng
pananalig at kagandahang loob na ipinamalas
ng kanyang mga magulang.
Ilang linggo mula nang siya’y ipanganak...
 Nagagawa niya nang dumapa at gumapang
mag-isa.
 Muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng
kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang
kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa
kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo.
 Namangha ang pari sa taglay na lakas at kisig
ng sanggol, kaya’t siya ang pinangalanang
Bernardo Carpio.
Ang kanyang pangalan ay hango sa
Bernardo de Carpio (isang matapang,
bantog, makisig, at maalamat na
mandirigma sa bansang Espanya.)
*sign* Na magiging maalamat rin ang
buhay ng batang si Bernardo Carpio.
Mahigit isang taon pa lamang siya ay kaya
niya nang bunutin ang mga pako sa
kanilang sahig habang siya ang naglalaro.
Pag sinasama siya sa pangangaso ng
kanyang ama, ay parang walang anuman
na binubunot ni Bernardo ang ilang mga
puno upang makagawa ng daanan
sa kagubatan ng San Mateo.
Si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at
matatag ang loob, tulad ng kanyang mga
magulang.
Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay
may nakita siyang kabayong nahulog sa bangin
na napilay.
Sinagip agad ni Bernardo ang kabayo at inuwi
sa kanilang tahanan upang gamutin at alagaan.
Sa kanyang pag-aalaga sa kabayo, ang bahagi
ng kanyang enerhiya ay dumaloy dito. Mabilis
na gumaling ang kabayo at nagpamalas na rin
ng kakaibang lakas at bilis.
Dahil sa lakas at bilis ng kanyang kabayo,
pinangalanan niya itong Hagibis, at mula noon
ay lagi nang magkasama si Bernardo at Hagibis
sa pamamasyal sa gubat ng San Mateo.
Samantala…
Ang pagmamalupit ng mga Kastila sa mga
Pilipino ay umabot na sa sukdulan. Nagpulongpulong at bumuo ng mga pangkat ang mga
kalalakihan ng bayan upang maipagtanggol ang
bayan sa mga pang-aapi ng mga dayuhan.
Si Bernardo Carpio ay ang napiling pinuno dahil
sa kanyang angking lakas at pagiging
makabayan.
Ikinabahala ng mga Kastila ang nagbabantang
himagsikan lalo na’t nang nalaman nila na si
Bernardo ang pinuno nito.
Gumawa ng patibong ang mga Kastila:
 Kunwari’y aanyayahan nila si Bernardo sa isang
pulong upang dinggin ang hinaing ng mga Pilipino.
 Sa tulong ng isang engkanto, ay maiipit si
Bernardo sa mga bato at dahil doon ay di na
makakapamuno sa himagsikan.
Lihim sa mga mamamayan noong
panahong iyong na may nahuling
engkantado ang mga Kastila.
Siya ay isinasailalim sa exorsismo ng mga
pari. Ngunit ang mga pari ay
nakipagsundo sa isang ispiritu na kapag
natulungan niyang talunin si Bernardo ay
ititigil na nila ang exorsismo.
Natuloy ang balak ng mga Kastila…
Nang papasok na si Bernardo sa yungib
kung saan sila “magpupulong”, siya ay
ginamitan ng engkantado ng agimat upang
maipit siya sa dalawang malaking bato.
Dahil sa pagkabigla ay hindi nakaiwas si
Bernardo at unti-unting naipit ng mga bato.
Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis ay
naisip nito na may masamang nangyari sa
kanyang amo.
Agad siyang bumalik sa kapatagan upang
ipahayag ito sa ibang miyembro ng pangkat.
Nahirapan ang mga taong intindihin si Hagibis.
Ngunit nang kanilang napansin na hindi nito
kasama si Bernardo, ay naisipan nilang sundan
si Hagibis sa yungib.
Tinangkang pumasok ng mga kalalakihan sa
yungib. Ngunit sila ay sinalubong ng mga naguuntugang bato. Marami sa kanila ay napilay at
nasugatan.
Napagtanto nila na ang mga pangyayari ay
kagagawan ng isang enkantado. Sila’y natakot
at nagpasiyang bumalik sa kapatagan nang
hindi kasama si Bernardo.
Mabilis na kumalat ang mga haka-haka na
si Bernardo ay naipit sa dalawang bato sa
yungib.
At sa tuwing nagpupumilit siyang tumakas
mula sa mga bato, ito ay nagiging sanhi
ng mga lindol sa kabundukan ng San
Mateo.
FIN.