kahulugan at kayarian (anyo) ng pang-uri

Download Report

Transcript kahulugan at kayarian (anyo) ng pang-uri

Pang-uri
Kahulugan
•Ang pang-uri ay salitang
nagsasaad ng katangian o uri
ng tao, hayop, bagay, lunan
atb., na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na
kasama nito sa loob ng
pangungusap.
Gamit ng mga Pang-uri
• Bilang panuring ng Pangngalan
• Mabuting tao ang aking ama.
• Bilang panuring ng Panghalip
• Kayong mabubuti ay pagpapalain ng
Diyos.
• Bilang Pangngalan
• Ang mabubuti ay pagpapalain ng Diyos.
• Bilang Kaganapang Pansimuno
• Ang aking ama ay mabuti.
KAYARIAN NG PANG-URI
Kayarian ng Pang-uri
•Payak
•Maylapi
•Inuulit
•Tambalan
Payak
• binubuo ng salitang walang panlapi o
salitang likas ang pagiging pang-uri
• Halimbawa:
• payat na lalaki
• Itim na prutas
• Isang bandila
Maylapi
• binubuo ng salitang-ugat na may panlapi
(panlaping makapang-uri) Ang
sumusunod ang pinakagamiting panlapi:
ka-, kay-, ma-, maka- at mala• Halimbawa:
• kalahing Pilipino
• kaygandang tanawin
• makakalikasang mamamayan
• maladiyosang kagandahan
Inuulit
• salitang-ugat o salitang maylaping may
pag-uulit
• Halimbawa:
• Pag-uulit na Ganap
• puting-puting kasuotan
• magandang-mandang sayaw
• Pag-uulit na Di-ganap
• maliliit na puno
• Mabubuting kaibigan
Tambalan
• binubuo ng dalawang salitang pinag-isa
• Halimbawa
• Karaniwan
• taus-puso
• bayad-utang
• Patalinghaga
• kalatog-pinggan
PAGSASANAY
•TUKUYIN ANG PANG-URI SA
LOOB NG PANGUNGUSAP AT
URIIN ITO AYON SA KAYARIAN.