MISKol - WordPress.com

Download Report

Transcript MISKol - WordPress.com

MISKol

Espinosa | Indoyon Gonda | Guinto

Ano ang nakapukaw ng interes sa may akda/awtor para piliin ang partilular na salita bilang salita ng taon?

Ang nakapukaw ng interes sa may-akda para sa kanyang “miskol” nasalita ng taon ay ang bunga ng ebolusyon ng karanasan ng Pilipino sa epidemya ng pagkalat ng makabagong komunikasyon na dala ng teknolohiya ng mga cellular phone. • Isa din sa nakapukaw ng kanyang interes ay haos lahat ng tao sa Pilipinas ay nakakaunawa sa salitang ito. Paraan din upang laging maramdaman ng magkakapamilya na lagi silang buo at laging nasa” likod lamang ng bawat isa” sapagkat sa pamamagitan lang ng pag miskol ay mapapadali ang komunikasyon.

Ano ang nakapukaw ng interes sa may akda/awtor para piliin ang partilular na salita bilang salita ng taon?

Ayon sa awtor, sa isang iglap ay halos lahat ng Pilipino ay may dala-dalang cellphone kahit saan at kahit anong oras. Biglang nagiging mahalagang bahagi ng buhay ng tao ang gadyet na ito. • Lumaganap ang miskol dahil sa pagkahumaling ng mga Filipino sa komunikasyong cell phone pero inangkin na natin ang bagong teknolohiya at ginamit ito sa ating sariling paraan. Sinasabi nating “Miskulin mo ako” para mairehistro ang bagong numero, makita ang naiwaglit na cell phone, o ipagyabang ang bago at magandang ringtone.

“MIS” “KOL”

- Hindi - Tawag

Ang ibig sabihin nito ay “hindi nasagot ang tawag.”

Paano binigyang kahulugan (define) ng may akda/awtorang salitang kanyang napili?

• Binigyang kahulugan ang “miskol” sa pamamagitan ng etomolohiya ng salita na ibig sabihin ay hindi na sagot na tawag at ang isa naman ay kung paano sya ginagamit ng mga Pilipino sa loob at labas ng cellphone tulad ng 1. Miskolin mo nga ako. 2 miskol lang ‘to 3. Pamiskol ka naman 4. tawag ba ito o miskol lang.

Paano binigyang kahulugan (define) ng may akda/awtorang salitang kanyang napili?

Ang salitang MISKOL ay binigyang kahulugan sa dalawang anyo; Ang una ay bilang isang pangngalan na ginagamit sa sadyang pagdayal ng numero ng cellphone ng ibang tao na hindi dapat sinasagot. (Hal. Natnggap mo ba ang miskol ko kagabi?) O ang pagpaparamdam sa ibang tao sa pamamagitan ng pagdayal ng kanilang numero ng cellphone (Hal. Kahit miskol lang, Ok na ako) • Ang ikalawang anyo ay bilang isang pandiwa na tumatawag o sadyang idayal ang numero o/at sadyang hindi sagutin ang tawag. (Hal. Magmiskol; imiskol; miniskol)

Paano binigyang kahulugan (define) ng may akda/awtorang salitang kanyang napili?

Binigyang kahulugang ng awtor ang salitang kanyang napili na “miskol” sa pamamagitan ng pagbigay ng mga halimbawa kung kalian at paano ginagamit ang salitang ito. • Ayon sa kanya ang miskol ay isang pangngalan. Ito ay sadyang pagdayal ng numero ng cellphone ng ibang tan a hindi dapat sinasagot.

• Isa rin itong pagpaparamdam sa ibang tao sa pamamagitan ng pagdayal ng kanilang numero ng cellphone. Ipinaliwanag din niya ang iba’t ibang klase ng paguusap ng mga tong pumapasok sa realidad ng cellphone.

Anu ano ang naging istilo niya para mabuo ang kanyang artikulo? Ipaliwanag paano nakatulong ang istilong nabanggit upang epektibo niyang maipaliwanag at matalakay ang napili niyang salita ng taon. Magbanggit ng 3 paraan at tukuyin kung saan ito matatagpuan. Istilo 1:

Sa unang bahagi ng kanyang artikulo, ipinaliwag niya na ang salitang “Miskol” ay isang bahagi ng buhay ng tao. Ang salitang “Miskol” ay hango sa paggamit ng cellphone na isa rin malaking bahagi ng buhay ng tao sa pagkat ito ay ginagamit ng halos lahat ng tao sa pang araw-araw. Nagbigay din sya ng ilang balita sa ating bansa bilang patunay sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa teknolohiya ng cell phone.

Saan bahagi matatagpuan?

Matatagpuan ang artikulong ito sa unang bahagi ng artikulo o pahina 1 at 2.

Istilo 2:

Isa rin sa nagging istilo ng awtor para mabuo ang artikulong ito ay ang kanyang pagpapaliwanag ng etimolohiya o kung paano nag ugat ang salitang “Miskol”. Ibinahagi niya na ang salitang ito ay tunay na nagmula sa salitang ingles na atin namang nabigyan ng makabagong kahulugan, Ibinigay niya rin ang kahulugan ng “miskol” ayon sa paggamit at pagunawa ng mgatao. Naipaliwanag din niya ang pagkakaiba ng salitang “miskol” sa mga Pilipino at ng sa salitang ingles.

Saan bahagi matatagpuan?

Ito naman ay matatagpuan sai kaapat at ikalimang pahina ng kanyang artikulo.

Istilo 3:

Ginamit ng awtor ang istilong pagpapaliawanag sa pagbigay ng kahulugang pagpaparamdam ng salitang “miskol”. Ipinaliwanag niya na ang salitang “miskol” ay hindi lamang dulot ng makabagong teknolohiya. Ito rin ay tumutukoy sa pagbabagong nagaganap sa ating sarili at pakitungo natin sai ba. Ipinaliwanag niya na ang salitang ito ay ginagamit dahil sa pagnanasa na patuloy tayong maramdaman ng ibangtao. Ipinaliwanag niya ang kanyang dahilan sa pagpili ng salitang ito bilang salita ng taon na dahil halos lahat ay nakauunawa ng salitang “miskol”.

Saan bahagi matatagpuan?

Matatagpuan ang bahaging ito sa pahina 8 at 9 ng kanyang artikulo.

ISYU • • Technology vs Interaction Ang suliranin ay ang filipinong binabago ng mundong pinagagalaw ng teknolohiya habang nagpupumilit ng huwag bumitaw sa kinalakihang mga pagpapahalaga tulad ng pagpaparamdam sa mga minamahal.

Paano naman nagging wakas ng artikulo?Sa palagay ninyo naging epektibo ba ang awtor, bakit?

• Ang naging wakas ng artikulo ay direktang paghahalitulad (metapora). Inisinaad niya sa kanyang pang wakas na kung bakit dapat ang Miskol ay gawing salita ng taon. Ang salitang miskol ay sumasalamin sa pinagdaanan ng ating kultura sa harap ng lakas ng globalisasyon at ditto nakapaloob ang sagot sa tanong ng ating mga pagpapahalaga at ito ay isang larawan ng bawat Filipino ng binago ng mundong kinagagalawan ng

“Kailangan nating sagutin ang ganitong uri ng miskol bago tayo maglobat.”

-FIN-