Pag-unawa sa Pastoral Direksiyon ng Diocese of - CBCP-BEC

Download Report

Transcript Pag-unawa sa Pastoral Direksiyon ng Diocese of - CBCP-BEC

Pag-unawa sa Pastoral na Direksiyon
ng Diyosesis ng Novaliches
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng seminar, inaasahan na ang mga
kalahok ay:
1. Magkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa
direksiyong Pastoral ng Lokal ng Simbahan ng
Novaliches;
2. Makita ang malinaw na kaugnayan ng BEC bilang
pastoral na tunguhin ng diyosesis at parokya; at
3. Magkaroon ng pagpapahalaga ng kanilang papel bilang
mga pinunong-lingkod ng parokya.
Gawain: Pangkatang pagbabahaginan - 15 minuto
Panuntunan:
1. Hatiin ang mga kalahok
sa grupo na may 5-6 na
kasapi.
2. Mamili ng
tagapagpadaloy,
secretary at reporter
3. Magpakilala sa isa’t-isa
(pangalan, pamilya,
tirahan, trabaho,
katungkulan sa parokya
o pamayanan)
4. Gawing maiksi lang ang
pagbabahagi.
Gabay na tanong:
1. Ano ang nag-udyok sa’yo
na magpatuloy sa
paglilingkod sa parokya o
sa pamayanan?
2.Ano ang inyong pangarap
para sa Simbahan,
pamayanan, parokya o
bansa?
Pangkalahatang Pag-uulat
Gabay sa pag-uulat:
KISS (Keep It Short and Simple
Trivia: Maaari itong sagutin ng bawat isa sa kwaderno.
1. Kailan itinatag ang
Diyosesis ng Novaliches?
2. Sino ang kauna-unahang
Obispo ng Diyosesis ng
Novaliches?
3. Ilan lahat ang parokya na
sakop ng buong diyosesis?
Mga sagot
1.
Ang Diyosesis ng Novaliches ay opisyal na itinatag noong ika-7 ng
Disyembre, 2002. Ang ating Diyosesis ay magdiriwang ng 12th
year anniversary ngayong ika-7 ng Disyembre, 2014.
2. Ang kauna-unahang Obispo ng Diyosesis ng Novaliches ay
si Bp. Teodoro Bacani, D.D.
3.
Sa kasalukuyan, merong 67 na parokya na sakop ng Diyosesis ng
Novaliches. Ang pinakahuli ay ang St. Paul of the Cross Mission
Area na nasa Phase 8, Bagong Silang, Caloocan na noon Disyembre
2013.
Maaaring ihambing ang kanilang sagot sa kwaderno kung ito ay tama ba. Ito ay simpleng gawain na
nagbibigay malay (awareness) sa mga kalahok na tayo ay bahagi ng isang diyosesis.
Ang Bisyon at Misyon
ng Diyosesis ng Novaliches
Kuwento: Ang Aso at ang Puting Kuneho
Isang araw, habang kasama ng amo
ang kanyang aso, biglang dumaan ang
isang puting kuneho sa kanilang
harapan. Kaya tumakbo agad ang aso
papunta sa puting kuneho at hinabol
ito nang may simbuyog sa damdamin
hanggang sa umabot sila sa burol.
http://bit.ly/NRL2Kb
Maya-maya, ang ibang mga aso
ay naakit sa kanyang tahol at
humabol din sa kanya.
Nakakaaliw na tingnan ang
maraming mga asong
nagsitahulan habang tumatakbo
sa may sapa at sumulong sa
masukal at matinik na gubat!
Ngunit, unti-unti at isa-isang
tumigil ang mga aso sa pagtakbo.
Ang ibang aso ay tumigil na sa
pagsunod sa asong humahabol sa
puting kuneho. Pagod at
dismayado sa paghabol.
Hanggang ang natira nalang ay
ang aso na patuloy na humahabol
sa puting kuheho.
http://bit.ly/1h8bDhp
Aral mula sa kuwento
1. Ang asong nakakita sa puting kuneho ay tumahol at tumakbo dahil gusto niyang
itong habulin.
2. Ang ibang mga aso na nahumaling sa unang aso ay nakitahol at nakitakbo habang
humabol sa naunang aso.
3. Kalaunan, isa-isang tumigil ang mga aso dahil sila ay napagod at nadismaya,
habang ang asong nakakita sa puting kuneho ay patuloy sa paghabol na walang
kapagod-pagod.
Kung ihalintulad niyo ang inyong sarili sa mga asong nasa kuwento,
saan kayo doon? Isa ba kayo sa mga asong sumunod lang sa asong
nakakita ng kuneho? O kayo ang asong nakakita mismo sa kuneho?
Kung ang kuneho ay maihalintulad natin kay Kristo at ang adhikain
at misyon ng Simbahan, naglilingkod ba tayo dahil nakita at
naunawaan natin ito nang lubos? O kaya lang tayo naglilingkod sa
simbahan ay dahil namangha lang tayo sa mga taong masayang
naglilingkod o kaya gusto nating makisawsaw, ngunit pagdating ng
panahon ay nagsawa din at titigil?
http://bit.ly/1rxQamE
VISION o PANANAW
 Ano ang gusto nating magiging tayo?
Bilang gabay ng sambayanang
naglalakbay tungo sa ganap
na buhay
MISSION o GAMPANIN
 Ano ang gusto nating gawin ngayon?
Konkretong pagkilos at pagsasabuhay tungo sa
kaganapan ng minimithi
Pananaw (Bisyon)
Tayo, ang simbahang lokal ng
Novaliches, sambayanan ng mga
tagasunod at pinagbuklod ni Kristo,
tumutugon sa pangangailangan ng mga
tao, naglalakbay kasama si Maria, tungo
sa isang sariwa at ganap na buhay.
6 na Aspeto ng Simbahan Batay sa Pananaw
(Bisyon) ng Diyosesis ng Novaliches
1. Tayo, ang simbahang lokal ng Novaliches
(Simbahang Tao)
2. sambayanan ng mga tagasunod at pinagbuklod
ni Kristo,
(Tinatawag na magiging komunidad)
3. tumutugon sa pangangailangan ng mga tao,
(May pakialam)
4. naglalakbay (Hindi nananatili)
5. kasama si Maria, (May modelong gabay)
6. tungo sa isang sariwa at ganap na buhay.
(may patutunguhan)
1. Simbahang Lokal ng Novaliches
 Ang Diyosesis ng Novaliches ay tinatawag na
Simbahang lokal.
 Ito ay “kabahagi ng buong Bayan ng Diyos na
pinagkatiwala sa pangangalaga ng Obispo sa
pakikipagtulungan ng mga kaparian, upang sa
pagsusulong ng kanyang pastoral na gawain at
pinagbubuklod na magiging Banal kay Kristo
sa pamamagitan ng Mabuting Balita at
Eukaristiya, ito ay bumubuo ng isang
partikular na Simbahan, kung saan tunay na
umiiral at kumikilos ang Iisa, Banal, Katoliko
at Apostolikong Iglesia ni Kristo.” (Canon
369)
2. Sambayanan ng mga Tagasunod at Pinagbuklod ni Kristo
Ayon sa PCP II, may tatlong katangian ang Simbahan:
a. Simbahan bilang Komunyon o Pagkakaisa
Ninanais ni Hesus na ang Simbahan ay magiging pagkakaisa ng
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig (#89). Ang unang mga
disipolo ay nagbuo ng kanilang komunidad – “sila ay may iisang
pag-iisip at diwa.” (Gawa 4)
b. Simbahan bilang Pakikilahok
Ang Simbahan ay nagsasakapangyarihan sa mga layko na
lubusang makikilahok sa buhay at misyon ng Simbahan.
c. Simbahan bilang Misyon (Komunidad na
Nagmimisyon)
Ang Simbahan ay umiiral para sa mundo. (PCP 11, 104)
3. tumutugon sa pangangailangan ng mga tao
Ang Simbahan ay may katangian na:
Dynamic - nakikipagdialogo sa buhay
 Concerted - nagbabahagi ng responsibilidad
 Participative - samasamang kumikilos
 Reflective – tuloy-tuloy na pag-aaral at pagninilay sa mga
kaganapan at pag-unlad ng komunidad
Pastoral – binabaka, nililinis at binabago ang kalagayan ng tao
tungo sa katuparan ng paghahari ng Diyos
Indigenous – may paggalang at pinapaunlad ang iba’t-ibang
karisma na meron sa komunidad
Liberating / Saving/ Transforming - may pananampalatayang
nagbabago ng panlipunang kalagayan
4. Naglalakbay
Ang Simbahan ay hindi nakatigil (static) ngunit isang
dinamikong institusyon; Siya ay naglalakbay
(pilgrimage)!
Ang ating pagsusumikap na itayo ang Kaharian ng Diyos
ay isang patuloy na paglalakbay (pilgrim journey),
isang paglalakbay tungo sa katotohanan at hustisya,
tungo sa pag-ibig at kapayapaan, isang paglalakbay
tungo sa kaganapan ng buhay.” (PCP 11, 263)
5. Kasama si Birheng Maria
 Si Maria ang modelo ng pagsunod kay Kristo.
 Siya ang modelo ng Simbahan.
 Siya ang unang tumanggap (evangelized) ang
nagdadala kay Kristo (evangelizer).
 Siya ang perpektong kamanlalakbay.
6. tungo sa isang sariwa at ganap na buhay
 Newness: Vision of a “new heaven and a new Earth”
(Nova Omnia Facio)
 Transformed people and society
 Fullness: Realization of the Kingdom
 “That all may have life, have it to the full” (John 10)
Gampanin (Misyon)
Nagtitiwala sa biyaya ng Diyos at sa patnubay ng Espitung Banal,
tinatalaga namin ang mga sarili na:
• Palaganapin ng may bagong sigasig ang Magandang
Balita sa lahat ng larangan ng buhay;
• Itaguyod ang karapatan at kakayahan ng mga laiko at
hubugin sila bilang mga pinunong lingkod;
• Makiisa sa mga maralita, inaapi at isinasantabi, at
ibangon ang kanilang dangal
Sa pamamagitan ng pagbuo at pagpatibay ng mga Mumunting
Kristiyanong Kapitbahayan tungo sa lubusang pag-unlad
ng pagkatao at pagpapanibago ng lipunan.
MISSION
Integral
Evangelization
Empowerment
of Laity
Upliftment of
Poor
Key
Result
Areas
BEC Building
Strategic
Approach
Total Development &
Outcome
Social Transformation
BEC bilang pangunahing pastoral na
Tunguhin ng Diyosesis ng Novaliches
BEC Building Process
Integral
Evangelization
(Pagsasabuhay
ng Ebanghilyo
sa Buong
Pagkatao)
Empowerment
of the Laity
(Pagsasakapang
yarihan ng mga
layko bilang KaManggagawa)
Upliftment of
the poor
(Iangat ang
Dignidad ng
mga Aba sa
lipunan)
Social
Total
TransDevelop
formatio
-ment
n
Outcome
Malayang Talakayan…