Transcript FILIPINO

FILIPINO
Paggamit sa Pagsasalaysay ang
mga Pangungusap na nasa
Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Ang kauna-unahang dumating
ditto sa pamamagitan ng paglalakbay
sa lupang tulay ay ang mga ita. Sila’y
likas
na
palalakad
dahil
sa
paghahanap ng ikabubuhay kaya
nakarating sa ating lupain ang mga
taong ito. Hindi sila tumawid ng
dagat. Noon ang mga pulo ng ating
bansa ay hindi pa hiwa-hiwalay.
Nakarating sila dito at ditto sila
namuhay sa pamamagitan ng pagdaan
sa makitid na karatig na lupa na
nagsisilbing tulay upang makarating
at makatawid sa mga liblib na
lupalop.
Mga Tanong:
1.Ano ang kauna unahang uri
ng tao ang dumating sa
Pilipinas?
2.Paano sila nakarating sa
Pilipinas?
3.Sa palagay ninyo, bakit kaya
sila nakarating sa ating
bansa?
Pansinin at suriin ang mga pangungusap
1. Ang mga suklay
ay pwedeng
linisin.
2. Ang isip ay
paunlarin.
3. Tayo ay makinig
sa guro.
4. Ang mga kurukuro at talakayan
ay ating suriin.
1. Pwedeng linisin
ang mga suklay.
2. Paunlarin ang
isip.
3. Makinig tayo sa
guro.
4. Ating suriin ang
mga kuru-kuro at
talakayan.
*Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang panaguri sa
simuno.
*Di-karaniwan ang ayos ng pangungusap kung simuno ang nauuna sa
panaguri. Ang di-karaniwang ayos ay may ay na nag-uugnay sa
simuno at panaguri.
Karaniwan
Pumasok tayo.
Pangungusap
Di- Karaniwan
Tayo ay pumasok
Pangungusap
Panaguri
Simuno
Simuno
Pumasok
Tayo
Tayo
 ay 
Panaguri
pumasok
Tingnan ang mga halimbawa
1. Ang buong simuno ay tumutukoy sa lahat ng salitang
bumubuo sa paksang pinag-uusapan.
Halimbawa:
Nakikinig sa ina ang matalinong bata.
2. Ang matalinong bata ang buong simuno ngunit bata ang
payak na simuno.
Ang payak na simuno ang tiyakang simuno o paksa.
3. Ang buong panaguri ang lahat ng salitang bumubuo sa
panaguri.
Nakikinig sa ina ang buong panaguri.
Ang payak na panaguri ang tiyakang panaguri.
Sabihin kung ano ang posisyon ng
simuno sa pangungusap, unahan ng
panaguri o hulihan ng panaguri?
1. Si Nida ay may bagong damit.
2. Pag-ibig ang kailangan ng daigdig
ngayon.
3. Ang mga bata ay naglalaro sa
parke.
4. Mahusay magturo ang guro
naming,
5. Ang karunungan ay kayamanan.
Paglalapat
Isulat ang US kung nasa unahan ng
panaguri ang simuno at HS kung nasa hulihan
ng panaguri ang simuno.
1. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.
2. Nagbayad ng buwis si G. Santos.
3. Igalang mo ang iyong mga magulang.
4. Si Tina ay masipag at tapat.
5. Si Emilio Aguinaldo ay dakilang heneral at
sundalo.
Pagtalakay
Pansinin ang posisyon ng simuno.
Isulat kung Karaniwan o di-Karaniwan ang
pangungusap.
1. Masarap ang hinog na papaya.
2. Si Lola Elay ay maraming tanim na gulay
sa bakuran.
3. Nagluluto ng puto si Marina.
4. Masayang naglalaro ang magkakapatid.
5. Kami ay magpipiknik sa Tagaytay bukas.
Kasunduan
Sumipi ng
limang pangungusap sa
isang seleksyong binasa.
Isulat ang posisyon ng
mga simuno sa bawat
pangungusap.
Gawing Di-Karaniwan ang mga
sumusunod na pangungusap:
1. Maganda siya.
2. Naglalakad kami sa dalampasigan
3. Maganda ang batang babae.
4. Kumain tayo ng masustansiyang
pagkain.
5. Makinig sa aral ng mga magulang.
Gawing Karaniwan ang mga
sumusunod na pangungusap:
1. Kami ay magsisimba bukas.
2. Siya ay nakita ko kahapon.
3. Ang bata ay nadulas.
4. Si Ana ay magaling kumanta.
5. Ang ginagampanan niyang
tungkulin ay napakahalaga.