Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat

Download Report

Transcript Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat

Slide 1

Kataga ng Buhay

Setyembre 2011


Slide 2

“Ngunit dapat tayong magsaya at magalak,
sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)


Slide 3

Ang pangungusap na ito ay matatagpuan sa katapusan
ng talinghaga tungkol sa alibughang anak, na tiyak na
narinig na ninyo. Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito
sa kanyang mga alagad upang ipakita sa atin ang
kadakilaan ng kabutihang-loob ng Diyos.


Slide 4

Tinatapos nito ang buong kabanata ng Ebanghelyo ni
San Lukas, kung saan isinalaysay ni Jesus ang
dalawa pang talinghaga na may magkatulad na tema.


Slide 5

Naaalala ba
ninyo ang
kabanata ng
nawawalang
tupa kung saan
ang
nagmamay-ari,
upang ito ay
matagpuan, ay
iniwan ang
siyamnapu’t
siyam na tupa
sa disyerto?


Slide 6

At naaalala ba
ninyo ang kwento
ng nawawalang
salaping pilak at
ang kagalakan ng
babae kung saan,
nang matagpuan
niya ito, tinawag
ang kanyang mga
kaibigan at
kapitbahay, upang
sila ay
makipagsaya sa
kanya?


Slide 7

“Ngunit dapat tayong magsaya at magalak,
sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)


Slide 8

Isa itong
paanyaya na
iniaalok ng Diyos
sa iyo, at sa
lahat ng
sumasampalataya,
upang makigalak
sa Kanya,
magdiwang at
makibahagi sa
kanyang
kagalakan sa
pagbabalik ng
makasalanang
nawala at muling
nasumpungan.


Slide 9

Sinabi ito ng ama sa
kanyang
nakatatandang anak
na sa buong buhay
niya ay namalagi sa
piling niya. Pag-uwi
ng anak na ito galing
sa maghapong
pagtatrabaho, ayaw
niyang pumasok sa
kanilang tahanan kung
saan may kasayahan
dahil nagbalik ang
kanyang kapatid na
umalis upang lustayin
ang kanyang minana.


Slide 10

Nilapitan ng ama ang kanyang tapat na anak,
katulad din ng paglapit na ginawa niya sa kanyang
nawalay na anak, at tinangka siyang hikayatin.
Subalit napakalaki ng pagkakaiba ng damdamin ng
ama at ng nakatatandang anak:


Slide 11

Sa isang
banda, ang
ama ay puno
ng hindi
masusukat na
pagmamahal
at matinding
kagalakan na
nais niyang
ibahagi sa
lahat;


Slide 12

Ang anak naman
ay nagpapakita
ng pagkamuhi at
panibugho sa
kanyang kapatid
na hindi na niya
kinikilala bilang
kapatid. Sinabi
pa niya: “Itong
iyong anak na
lumustay ng
lahat na iyong
ari-arian”


Slide 13

Ang pagmamahal ng ama at ang kanyang
kagalakan sa pagbabalik ng kanyang alibughang
anak ang lalo pang nagpalalim ng sama ng loob ng
anak na nanatiling kapiling ng kanyang ama.


Slide 14

Ipinapakita ng damdaming ito ang isang malamig at
hindi totoong ugnayan sa pagitan ng anak at ng ama.
Mababakas natin na para sa anak na ito, ito ay
trabaho at ang katuparan ng kanyang mga obligasyon
ang higit na mahalaga; hindi niya minamahal ang
kanyang ama sa paraan na dapat gawin ng isang anak.
Sa halip ay mararamdaman natin na sinusunod niya
ang kanyang ama gaya ng pagsunod ng alipin sa
kanyang panginoon.


Slide 15

“Ngunit dapat tayong magsaya at magalak,
sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)


Slide 16

Sa mga katagang ito, sinasabi ni Jesus ang
panganib kung saan maaari rin tayong mahulog:
iyon ay ang umasal bilang kapita-pitagang tao,
mamuhay na nakabatay sa pagtuklas ng kaganapan
ng sarili, at hatulan ang kapwa na sa iyong palagay
ay hindi mabuti tulad mo.


Slide 17

Ang totoo, kung ikaw ay nakakapit sa kaganapan,
kung binubuo mo ang iyong sarili nang walang Diyos,
at punong-puno ka ng iyong sarili, ikaw ay nagiging
mayabang sa paghanga sa sariling katangian.


Slide 18

Tulad ka rin ng anak na nanatili sa tahanan, na
binibilang ang kanyang mga nagawa sa kanyang ama:
“...pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming
taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway”.


Slide 19

“Ngunit dapat tayong magsaya at magalak,
sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)


Slide 20

Sa mga katagang ito, sinasalungat ni Jesus ang ugali
ng mga Hudyo na ang ugnayan ng tao sa Diyos ay
nakasalalay sa pagtupad sa Kautusan upang maging
kalugud-lugod sa Diyos. Subalit alam din nila na
hindi sapat ang sumunod lamang sa mga kautusan.


Slide 21

Sa talinghagang ito, ipinapahayag ni Jesus ang
Diyos bilang Pag-ibig na nauunang lumapit sa
tao, na hindi na inisip kung karapat-dapat ba
siya o hindi, at ninanais Niya na ang tao ay
maging bukas sa Kanya upang makabuo ng tunay
na bahaginan ng buhay.


Slide 22

Tiyak na iyong mauunawaan na ang
pinakamalaking hadlang sa Diyos na Pag-ibig ay
ang uri ng pamumuhay ng mga Pariseo, o yaong
mga nag-iipon ng mga gawain at proyekto. Sa
halip, ang kanilang puso ang hinihingi ng Diyos.


Slide 23

“Ngunit dapat tayong magsaya at magalak,
sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)


Slide 24

Sa mga katagang ito, inaanyayahan tayo ni Jesus
na ipakita ang walang hanggang pagmamahal ng
Ama sa makasalanan. Tinatawag tayo ni Jesus na
huwag husgahan, batay sa ating sariling
pamantayan, ang sukat ng pagmamahal ng Ama
para sa bawat tao.


Slide 25

Sa pag-anyaya sa kanyang nakatatandang anak na
makibahagi sa kanyang kasiyahan sa pagbabalik ng
nawalay na anak, hinihingi rin sa atin ng Ama ang
pagbabago ng kaisipan :


Slide 26

kailangang tanggapin natin bilang mga kapatid
yaong mga taong ating hinahamak at
pinagmamataasan.


Slide 27

Magbubunga ito ng tunay na pagbabago dahil magiging
malinis ang ating palagay na tayo ay “higit na mabuti”
kaysa sa iba. Matututo tayong tanggapin ang
pagkakaiba ng paniniwala, at matutulungan tayong
tanggapin ang kaligtasan na nakamit ni Jesus para sa
atin bilang natatanging handog ng pag-ibig ng Diyos.


Slide 28

“Ngunit dapat
tayong
magsaya at
magalak,
sapagkat
namatay na
ang kapatid
mo, ngunit
muling
nabuhay;
nawala, ngunit
nasumpungan.”
(Lc 15:32)

Isinulat ni : Chiara Lubich