PowerPoint - WordPress.com

Download Report

Transcript PowerPoint - WordPress.com

By: Timothy Gabriel A. Abutal
David Jeremiah B. Biyo
Kevin Arthur B. Suson
Mga Tanong..
1.Ano-Anong Lugar Ang Laging Pinupuntahan Ng Mga Tagarito?
2.Ano-Anong Lugar Ang Binabalik-Balikan Ng Mga Hindi Tagarito?
3.Saan Ito Matatagpuan?
4.Bakit Ito Laging Pinupuntahan?
Ang mga sagot dito ay makikita sa mga sumusunod na slides..
Chocolate Hills
Ang Tsokolateng Burol ay isang hiyolohikang
pormasyon sa probinsya ng Bohol. Sinasakop
nito ang mga munisipiyo ng Sagbayan, Batuan
at Carmen. Mayroong hindi bababa sa 1268
hanggang 1,776 na indibidwal na burol at
may mga taas na trenta hanggang
singkwentang metro. Ang pagkaka-pangalan
ng lugar na ito ay dahil sa pagtuyo ng mga
damo tuwing tag-init na nagdudulot ng
pagka-tsokolateng kulay nito.
Ang mga ito ay itinampok sa mga bandilang
panlalawigan at selyo upang katawanin ang
kasaganaan ng natural na atraksyon ng
probinsya. Ang lugar na ito ay nasa listahan
ng Philippine Tourism Authority sa mga
destinasyon ng mga turista sa Pilipinas at
ipinahayag na ika-tatlong Pambansang
Hiyolohikang Monumento at iminungkahi din
para sa pagkakasama sa lista ng UNESCO
World Heritage.
Blood Compact Site
Ang ritwal na ito ay isinagawa noong
Marso 16, 1565 nila Miguel Lopez de
Legazpi at si Datu Sikatuna. Noong
umpisa, ang mga Boholano ay
nagdududa sa mga Espanyol dahil sa
masamang pagtrato ng mga Portuguese
na umalipin sa 1000 nilang kasamahan.
Sa pagtulong ng isang marinero,
napaintindi ni Miguel Lopez de Legazpi
ang mga Boholano na ang kanilang pakay
ay pagkakaibigan at pangangalakal.
Baclayon Church
Ang Baclayon Church ay ang
pangalawang pinakamatandang
batong simbahan sa Pilipinas. Ito ay
ipinatayo ng mga Heswita noong
1595. Ito ay matatagpuan sa
Baclayon, Bohol. Sinasabi na ang
mga batong bumubuo nito ay ang
mga koral galing sa dagat, at
pinagdikit-dikit gamit ang mga
sangkap na may puti ng itlog.
Bilar Man-Made Forest
Ang Bilar Man-Made Mahogany
Forest ay mahigit-kumulang na 2
kilometro ng kagubatan ng
punong Mahogany. Resulta ito
ng pagtataguyod ng kagubatan
sa buong Pilipinas noong 1960's,
kapanahunan ni Pangulong
Diosdado Macapagal--sa Bilar,
Bohol.
Loboc-Loay River Cruise
Ito ay paglalakbay dagat mula
Loay Bridge o Poblacion ng
Loboc gamit ang bangka na may
"Floating Restaurant" na
naghahain ng mga espesyal na
pagkaing Filipino.
Bohol Bee Farm
Ang Bohol Bee Farm sa Isla ng Panglao
ay isang atraksyong matiwasay na
itinalaga sa pag-aalaga ng bubuyog at
pagtatanim ng mga “organic” na
halaman at prutas.
Panglao Island
Ang Panglao Island ay matatagpuan
sa timog-kanluran ng Bohol at
Silangan ng Cebu. Ito ay sikat sa
kanyang mga korales, mapuputing
buhangin at mala-kristal na linaw ng
tubig dagat.
Punta Watch tower
Ito ay nagsisilbing lugar ng pagbabantay na
pinatayo ng mga Kastila laban sa mga
pirata at mga Muslim na magnanakaw. Ito
ay matatagpuan sa Bayan ng Maribujok.
Ang castillong ito ay inialay kay San Vicente
Ferrer upang mas maprotektahan ang
taong-bayan laban sa mga piratang Moro.
Ikaapat Na Tanong
Bakit Ito Laging Pinupuntahan?
Sagot:
Chocolate Hills –Dahil sa kulay tsokolate nito
Baclayon Church- Dahil sa ito’y ay ang pangalawang pinakamatandang batong
simbahan sa Pilipinas
Bilar Man-Made Forest – ito’y pagtataguyod ng kagubatan sa buong Pilipinas
noong 1960's
Loboc-Loay River Cruise- dahil ito’y tinaguriang “Floating Restaurant” at nag
hahain ng mga espesyal na Pagkaing Filipino
Bohol Bee Farm-dahil ito’yisang atraksyong matiwasay na itinalaga sa pag-aalaga
ng bubuyog at pagtatanim ng mga “organic” na halaman at prutas.
Panglao Island – dahil Ito ay sikat sa kanyang mga korales, mapuputing
buhangin at mala-kristal na linaw ng tubig dagat.
Punta Watch Tower- Ito ay nagsisilbing lugar ng pagbabantay na pinatayo ng mga
Kastila laban sa mga pirata at mga Muslim na magnanakaw
=p