Ang Wikang Pambansa

Download Report

Transcript Ang Wikang Pambansa

Gawa ng pangkat BIHIS:
Isabella Chung
Issa Mercado
Honey Mira
Sofie Sazon
Betina Taylo

Ang pambansang wika ay isang wika na may koneksyon – aktwal man o ayon sa
batas – sa mga tao at marahil sa pamamagitan ng karugtong ang teritoryong
kanilang nasasakupan.

Ang wikang pambansa ay maaring kumatawan sa pambansang pagkakakilanlan
(national identity) ng isang bayan o bansa.

Ito ay maaaring maging isang paghirang na ibinigay sa isa o mahigit pang mga
wikang ginagamit bilang unang wika sa teritoryo ng isang bansa.

Ito ay ginagaamit upang magkaroon ng komunikasyon ang mga nasaskupan ng
isang bansa. Ang bawat bansa ay may sariling wika kung kaya’t ang wikang
pambansa ng isang nasyon ay naiiba.

Subalit kahit ang isang bansa ay may sariling wika, ang kanilang wika ay maaaring
mayroong mga hiram na salita mula sa ibang bansa sa kadahilanan na sila ay nasakop
at naimpluwesyahan ng isa o mahigit pang mga bansa noong nagsasaliksik ang mga
ibang bansa tungkol sa ating mundo.

Isang sistema ang pambansang wika. Ito ay maraming mga anyo sa sistemang ito,
katulad ng pampanitikang wika, pasalita at nakasulat, at tanyag na pang-usap ng
mga dyalekto.

Ang pagbuo ng (isang) pambansang wika ay resulta ng pagbabago na dinaranas
ng ugnayan sa pagitan ng pampanitikang wika at mga dyalekto.

Ang wika ay ang kaluluwa ng kultura. Ang pambansang wika ay ang wika na may
koneksyon sa mga populasyon at ang lugar na kanilang tinitirhan. Ang pambansang
wika ay ang pagkakatawan ng pagkakakilanlan ng isang bayan or lugar.
Intsik - apo, ate (pinakamatandang kapatid na babae), bakya, batchoy,
bihon, bitsin (vetsin), chekwa (slang para sa “Chinese”), daw/raw, ditse
(pangalawang pinakamatandang kapatid na babae), hikaw, impo (lola),
ingkong (lolo), Intsík, kuya, lumpia, santse (pangatlong pinakamatadang
kapatid na babae), sitsit (psst…)

Kastila – abante, bodega, colegio/kolehiyo, diyos, edukasyon,
guerra/giyera, hustisya, Ingles, kalye, mundo, nasyonalista, numero,
ordinansa, oras, pamilya, realidad, sabon, tableta, yelo

Ingles - basketbol, biskwit, byu (view), direk, ekonomiks, interbyu, iskor,
iskrin (screen), ispiker, isports, istampid (stampede), catsup/kechap, keyk,
perpyum, websayt


Arabe – alam, hiyâ
Malay - ako, balik, bansa, daan, hangin, itik, kalapati, lalaki, langit, sakit, mura
(cheap), pangulo, saksi, sarap, sulat, tamis, taon, utak

Sanskrit – alak, bahala, Bathala, bahagi, diwa, diwata, dukha, guro, karma,
katha, mahárlika, mukha, sutla (silk), Visayas


Hindi – Achara, tsa (tea), beranda, mahal, sabón, syampu (shampoo)

Gujarati – Bumbay (tawag sa mga taong taga – Timog Asya)
Hapones/Nippongo - dahan–dahan, haba, kaban, kampay (“Cheers!”), katol,
jack-en-poy (rock-paper-scissors), tamang-tama, karaoke

Nahuatl/Aztec Mehikano – achuete (annatto seeds),
kamatsile/kamatsili/camachile (tamarind), kamote, pitaka, sayote, singkamas,
tatay, tiangge/tiyangge, tsonggo

Arawak-Taino/ Central Amerikano – bayabas, kaimito/caimito, mani, mais,
papaya, patatas


http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords

http://en.wikipedia.org/wiki/National_language (isinalin sa Filipino)

http://en.wikipedia.org/wiki/National_language (isinalin sa Filipino)

http://encyclopedia2.thefreedictionary.com/National+Language