*************4O*******************N*******N***N***N***N***N***N

Download Report

Transcript *************4O*******************N*******N***N***N***N***N***N

1. Sino ang dumalaw sa Pambansang
Pagamutan?
2. Ano ang nakita niya na ikinaantig ng
kanyang puso?
3. Bakit walang malay ang bata nang
kanya itong makita?
4. Ano ang ginawa niya bilang tulong sa
bata?
5. Kung ikaw si Ana, gagawin mo rin ba
ang ginawa niyang pagtulong? Bakit?
TUNAY NA MAGKAIBIGAN
1. Masaya at palaging punung-puno ng buhay si Dodie. Ang
kanyang malusog at mabilog na pangangatawan ay hindi niya
ikinahihiya. Kayang-kaya niya ang umakyat sa mga puno,
maglambitin sa mga sanga nito at magpasirku-sirko sa lupa
na parang nasa isang karnabal. Kung siya ay kumilos ay
talagang mas mabilis pa kaysa sa mga batang may katawang
patpatin.
2. Minsan ay inanyayahan si Dodie ng isang bagong kakilala
na pumasyal sa kanila. Tuwang-tuwa si Dodie. Umaga pa
lamang ay nagpaalam na siya sa kanyang Lola Sepa. Maaga
rin siyang naligo at naghanda sa pagsundo ni Chito. Si Chito
ang bago niyang kaibigan. Ipinakilala si Chito sa kanya ng
kamag-aral na si Susan noong nakaraang Linggo.
3. “Lola, pagdating dito ni Chito ay akin siyang ipakikilala sa
inyo. Makikita mo at magugustuhan mo rin siya.”
4. Maghapong naghintay si Dodie kay Chito pero hindi iyon
dumating. Ang kanyang pananabik sa kaibigan ay napalitan
ng pagkainip. Pilit niyang nilibang ang sarili habang
naghihintay.
Nagbukas siya ng telebisyon, nakinig ng mga tugtugin
sa radyo at nagbasa-basa ng magasin sa kanilang
balkonahe habang uugoy-ugoy sa isang tumba-tumba
5. “Bakit hanggang ngayon ay wala pa ang iyong
kaibigan?” tanong ni Lola Sepa kay Dodie.
6. Isang marahang iling at pagkibit ng mga balikat ang
isinagot ni Dodie sa nuno. Ayaw niyang magsalita ng
kahit ano laban dito. Buo ang kanyang pagtitiwala kay
Chito.
7. “Ang panloloko at pagsisinungaling ay hindi niya
gagawin,” sabi niya sa sarili.
8. Kinabukasan ay nagkita sila ni Susan. Halos
mapaupo si Dodie sa kinatatayuan nang marinig ang
balita ni Susan. Si Chito pala ay biglang nadala sa
ospital. Nabagsakan ang mga paa nito ng mga batong
nagbuhat sa kanilang gumuhong pader. Isinimento ng
doktor ang dalawang paa at hindi pa pinapayagang
makakilos man lamang.
 9. Ikinuwento ni Dodie sa kanyang lola ang nangyari sa
bagong kaibigan. Pati ang pagdalaw nila ni Susan at hindi
pagpapaalam sa nuno ay kanya na ring binaggit. Wala siyang
inilihim sa matandang nagpalaki sa kanya.
10. “Lola hindi po pala ako nagkamali ng pagkakilala sa aking
bagong kaibigan. Wala po siyang kasalanan sa hindi niya
pagdating dito kahapon, para ako ay sunduin.”
11. “Mabuti naman at naiintindihan mo ang lahat. Alam mo
bang ang pangyayaring tulad niyan ay isa lamang sa iba pang
mga
pangyayaring
susubok
sa
tibay
ng
inyong
pagkakaibigan? Kung kayo ay kapwa may tiwala sa isa’t isa,
walang sinuman at anumang bagay dito sa mundo ang
makakasira sa inyong magandang pagsasamahan.”
12. Nagbinata at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya sina
Dodie at Chito ay magkaibigan parin sila. Habang tumatagal
ay lalo pang nagkakalapit pati ang kanilang mga anak.
13. Ang malawak na karagatang naghihiwalay sa kanilang
mga lalawigang pinaninirahan ay hindi naging sagabal sa
madalas nilang pagsusulatan at pagtatawagan sa telepono.
Talagang sila ay tunay na magkaibigan.
SAGUTIN:
1. Ano ang dahilan at hindi nasundo ni Chito si
2.
3.
4.
5.
Dodie?
Ano ang balak ni Dodie kung sakaling
dumating sa kanila si Chito?
Sino ang nagbalita kay Dodie tungkol sa
sakunang nangyari kay Chito?
Sino sa iyong mga kaibigan ang sa palagay mo
ay tapat na kaibigan? Bakit?
Mabuti ka rin bang kaibigan? Patunayan mo.
Maglahad
ng
isang
pangyayaring
makapagpapatunay sa iyong sagot.
PAKSANG PANGUNGUSAP
Si Monico Florentino ay editor ng pahayagang
pampaaralan ng Paaralang Elementarya ng Bagong
Ilog. Siya ang naatasang kumapanayam kay Rodel
Hernandez, ang kampeon na manlalaro ng sepak
takraw. Bago kinapanayam ni Monico si Rodel binati
muna niya ito dahil sa pagkapanalo sa larong sepak
takraw.
Ang sepak takraw ay isang laro na binubuo ng
dalawang koponang magkatunggali. Ang bawat
koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. May
sariling posisyon ang bawat manlalaro. Upang
makagawa ng puntos, kailangang mpabagsak ang
bola sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang puntos
lamang ang kailangan para manalo.
Tekong at apit kiri ang tawag sa mga
manlalaro ng sepak takraw. Tekong ang tawag sa
manlalarong nagseserbisyo ng bola. Nasa kabilang
panig ng “court” ang apit kiri o manlalarong
tagahagis sa tekong sa kaliwang panig. Kapag ang
kanang paa ang ginamit ng tekong sa pagseserbisyo,
ang apit kiri naman sa kanang panig ang tagahagis
ng bola.
Sabihin ang paksang pangungusap sa mga
sumusunod na talata:
1.
Sa kasamaang palad ay nagkasakit si pabling
dahil sa pagod at sunud-sunod na puyat sa gabi. Ang
sabi ng manggagamot ay kailangan muna niyang
magpahinga. Kailangan din niya ang gamot at
masusustansyang pagkain para gumaling kaagad.
2.
Maraming tanim sa paligid ng aming paaralan
maraming mga puno at halamang namumulaklak
marami ring mga gulay. Talagang maganda an gaming
paaralan. Palagi pa itong malinis.
Isulat ang paksang pangungusap
sumusunod na talata.
1.
ng
mga
Sa wakas, nakipaglaro na sa amin si Liezel. Untiunti na rin siyang nag kwento tungkol sa kanyang
pamilya. Paminsan-minsan ay napapahalakhak pa
nga ng malakas. Hindi naman pala mahiyain ang
kapatid na bunso nitong si jomar.
Paksang pangungusap: __________________________
2.
Magandang
huwarang
bata
si
Belinda
Buenaflor. Kahit na nakakariwasa sa buhay ay
lumalaki siyang mabait, magalang at makadiyos.
Paksang Pangungusap: __________________________
3.
Sa iyong pag-aaral, nangangailanagan ka ng ibaibang aklat na mapagkukunan ng mga impormasyon.
Dahil dito, dapat mong malaman ang mga uri ng
aklat na nagbibigay ng mga kinakailangang kaalaman.
Narito ang ilan sa mga aklat na matatagpuan sa
aklatan: ensayklopidya, diksyunaryo, mga panlibang
na babasahin, at mga magasin at peryodiko.
Paksang Pangungusap: __________________________
GAWAING-BAHAY
Hanapin ang pamaksang pangungusap sa mga kasunod
na talataan ng seleksyon sa ibaba.
BAGONG ISKEDYUL NG ENCHANTED KINGDOM
Ang Enchanted Kingdom, ang kauna-unahang worldclass theme park sa bansa, ay may bagong iskedyul ngayons
summer, 1999.
Simula Hulyo 1 sa taong ito, ang theme park ay
magbubukas simula ika-2 ng hapon hanggang ika-9 ng gabi,
tuwing Lunes hanggang Huwebes.
Mag-uumpisa naman ng ika-10 ng umaga hanggang ika12 ng hatinggabi tuwing Biyernes at Sabado at ika-10 ng
umaga hanggang ika-10 ng gabi, tuwing Linggo at holidays.
Ang ilan sa mga atraksyon ng Enchanted Kingdom ay
kinabibilangan ng Space Shuttle, Jungle Log Jam, Condor,
Anchor’s Away, Grand Carousel, at Up, Up, Up and Away.
Ang Enchanted Kingdom ay matatagpuan sa Sta.
Rosa, Laguna, ilang kilometro ang layo mula sa Maynila. May
mga shuttle bus sa Ayala Bus Terminal papuntang
Enchanted Kingdom.
Inihanda ni: