Transcript Filipino

Filipino
Paggamit sa
pagsasalaysay ng mga uri
ng pangungusap ayon sa
kayarian.
Napanood namin ang liga ng
basketbol sa aming barangay. Mahusay
si Renato subalit higit na mahusay si
Ruben. Lamang na sana ang pangkat
nina Renato ngunit minalas yata silang
talaga. Kung naisyut sana ni Jose ang
bola, panalo na sila. Nagwagi ang
pangalawang
koponan
dahil
sa
dalawang Free Throw.
Mga Tanong:
1.Sino ang mas mahusay na
manlalaro?
2. Bakit naging lamang ang koponan
ni Ruben?
3. Ano ang maibibigay mong payo sa
mga manlalaro na hindi o
minalas manalo?
1. Pinapurihan si G. Emilio
Advincula.
2. Nalilibang si Totoy sa paglalaro.
3. Siya ang nagpapasaya sa
amin.
1. Kagigising pa lamang ni Tata Dencio
at nagkape siya
2. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong
pareha at sila naman ang sasayaw.
3. Hindi gaanong matalino si Marie
ngunit matiyaga siyang nag-aaral.
1.Masigla kaming naglalaro nang biglang
bumuhos ang ulan.
2.Tayo’y magsikap upang guminhawa
ang ating buhay.
3. Nag-aaral akong mabuti dahil gusto
kong ipagmalaki ako ng aking mga
magulang.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Ang payak na pangungusap ay
makapag-iisa. Malayang sugnay ito
na may simuno at panaguri.
Maaaring dalawa ang simuno o
panaguri ngunit iisa pa rin ang diwa
ng pangungusap. Payak parin ito.
Hal.
1.Mayaman ang patatas sa Bitamina C, B
at iron.
Simuno/Paksa:
ang patatas
Panaguri:
Mayaman sa Bitamina
C, B, at iron.
2. Masarap at masustansiya ang patatas.
Simuno/Paksa:
ang patatas
Panaguri:Masarap at masustansiya
Ang tambalang pangungusap
ay may dalawa o higit pang ideyang
inilalahad. Ginagamitan ng mga
pangatnig na at, ngunit, at o ang
pag-uugnay sa dalawang payak na
pangungusap. Dalawang malayang
sugnay ang tambalang pangungusap.
Ginagamit ang at kung
magkasimpantay o singhalaga ang
mga ideya ng dalawang malayan
sugnay.
Hal.
Umaawit ang mga dalaga’t
binata at sumasayaw din sila ng
Lubi-Lubi.
Ginagamit naman ang ngunit
kung magkasalungat o di-paris ang
ideya.
Hal.
Mahilig sa pagsasaya ang mga
Bikolano ngunit may panahon din
sila sa kanilang gawain.
Ginagamit naman ang o kung
may pagpipiliang alinman sa
dalawang ideyang nakalahad.
Hal.
Sasayaw ka ba o await ka ng
“Lubi-Lubi?
Ang hugnayang pangungusap
ay binubuo ng sugnay na nakapagiisa at isa o higit pang sugnay na
hindi nakapag-iisa. Ginagamit na
pang-ugnay ng mga sugnay ang mga
pangatnig na kung, kapag, pag, nang,
upang,
dahil
sa,
sapagkat.
Hal.
1. Magbabakasyon ako sa
Baguio kung sasama ka.
2. Nagkasakit si Lola dahil
nabasa ng ulan.
Pagsasanay
Sabihin kung payak, tambalan, o hugnayan
ang sumusunod na mga pangungusap.
__________1. Ang sampung pares ng dalaga’t
binata ay gumawa ng malaking bilog.
__________2. Sumasayaw sila at pumapalakpak
naman ang iba kapag natapos na
ang isang pangkat.
__________3. Isinusuot nila sa bagong pareha
ang kanilang suot na sambalilo.
__________4. Pupunta sa gitna ng bilog ang
bagong pareha at sila naman ang
sasayaw.
__________5. Mabilis ang sayaw at masigla ang
lahat.
Paglalapat
Gawing Tambalan ang
sumusunod na mga payak na
pangungusap.
Hal.
A. Maganda si Ana.
B. Masama ang kanyang ugali.
Maganda si Ana ngunit masama
ang kanyang ugali.
1) a. Magluluto ba kayo ng hapunan?
b.Sasali tayo sa mga parehang
magsasayaw.
Magluluto ka ba ng hapunan o sasali tayo
parehang magsasayaw?
sa
mga
2) a. Dalawin natin ang bahay-tindahan
ng
Gitnang Luzon.
b. Tingnan natin kung ano ang
magagandang
tanawin at paninda
roon.
Dalawin natin ang bahay-tindahan ng G
Luzon at tingnan natin kung ano
magagandang tanawin at paninda
itnangang
roon.
3) a. Masustansiya ang patatas.
b. Mababa lang ang taglay nitong calorie.
Masustansiya ang patatas at mababa lang ang
taglay nitong calorie.
Pagtataya
Mga Halamang Gamot
1Marami ang namamatay sa sakit na kanser.
Ngunit malulunasan ang sakit na ito. 2Bungangkahoy
at gulay ang susi sa kalusugan. 3Panlaban sa kanser
ang mga ito. 4Mayaman sa beta carotene ang
kalabasa, karot at kamote. 5Nilalabanan ng beta
carotene ang cancer cells. 6Ang sibuyas at bawang ay
mahusay ding panlaban sa cancer cells. 7Ang bitamina
C ay proteksyon sa cancer cells at matatagpuan ito sa
suha, sinturis, sili at kamatis. 8Gamot ang mga ito sa
mga kanser sa baga, tiyan at lalamunan. 9Matuto tayo
o maging biktima tayo ng kanser.
Mga Payak na pangungusap
Mga Tambalang Pangungusap
Mga Payak na pangungusap
Mga Tambalang Pangungusap
2Bungangkahoy at gulay ang susi sa
1Marami ang namamatay sa sakit na
kalusugan.
3Panlaban sa kanser ang mga ito.
4Mayaman sa beta carotene ang kalabasa,
karot at kamote.
5Nilalabanan ng beta carotene ang cancer
cells.
6Ang sibuyas at bawang ay mahusay ding
panlaban sa cancer cells
8Gamot ang mga ito sa mga kanser sa
baga, tiyan at lalamunan.
kanser. Ngunit malulunasan ang sakit na
ito.
7Ang bitamina C ay proteksyon sa cancer
cells at matatagpuan ito sa suha, sinturis,
sili at kamatis.
9Matuto tayo o maging biktima tayo ng
kanser.