2nd Trim Exam Review URI AT GAMIT NG PANGNGALAN
Download
Report
Transcript 2nd Trim Exam Review URI AT GAMIT NG PANGNGALAN
PAGSASANAY
URI AT GAMIT
NG PANGNGALAN
1. Aling pangungusap ang
naglalarawan sa pangngalan?
A. Ito ay humahalili o pumapalit tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari.
B. Ito ay nagsasabi ng ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari
C. Ito ay naglalarawan sa pangalan.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Alin ang pangngalang
pambalana sa pangungusap?
Si Manny Pacquiao, isang
mahusay na boksingero ay
nagwagi noong Linggo.
3. Ano ang pangngalang pantangi
sa pangungusap sa bilang 2?
4. Alin sa mga sumusunod na
pangngalan ang wasto ang
pagkakapangkat?
A. aklat, Ateneo, nanay
B. Lunes, araw, Enero
C. paaralan, kaibigan, kaarawan
D. tatay, Bagong Taon, Pasko
5. Ano ang uri ng pangngalan ang
tamang sagot sa bilang 4?
6-7. Ano ang mga mali sa
pangungusap?
Sa disyembre 13 ay gaganapin
ang Lantern Parade sa st.
benilde gym. Ito ay dadaluhan
ng mga mag-aaral at iba pang
mga bisita.
8-9. Bakit mali ang mga ito?
Paano mo ito itatama?
10. Ilan ang pangngalan sa
pangungusap?
Sa disyembre 13 ay gaganapin
ang Lantern Parade sa st.
benilde gym. Ito ay dadaluhan
ng mga mag-aaral at iba pang
mga bisita.
11. Ang mansanas ay isang prutas na
kulay pula, matamis at
masustansiya.
Ano ang gamit ng pangngalang may
salungguhit?
A. Simuno
B. Pamuno
C. Kaganapang Pansimuno
D. Pantawag
12. Aling pangungusap ang
may naiibang gamit ng
pangngalang nakasalungguhit?
A. Si Ginoong Ramelle ang
ating punungguro.
B. Mabuting huwaran si Jose sa
kanyang mga kapatid.
C. Mario, pakikuha ng mga aklat
sa silid-aklatan.
D. Malaki ang ating paaralan.
Panuto: Suriing mabuti
ang mga pangungusap
at tukuyin ang
pangngalang hinihingi
ayon sa gamit nito sa
pangungusap.
Si Jose Rizal, ang ating
pambansang bayani, ay isa ring
manunulat na gumawa ng mga
nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na gumising sa
damdaming makabayan ng mga
Pilipino noong Panahon ng
Espanyol.
13. Simuno: _______________
14. Pamuno: ______________
15. Kaganapang
Pansimuno:____________