Transcript File
A. Kahulugan ng mga Salita Tumutukoy sa dami ng mga produkto o serbisyong gustong iprodyus at ipagbili ng isang prodyuser sa isang partikular na presyo. Nagsasaad na kapag mataas ang presyo ng produkto, marami ang handang ipagbili ng mga prodyuser, ngunit kung mababa ang presyo, kakaunti ang handang ipagbili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ang batas ng suplay ay nagpapakita na: a. Ang pagtaas ng presyo ay isang insentibo sa mga nagbibili upang paramihin ang suplay ng produkto b. Maraming prodyuser ang nagsusuplay ng produkto na may mataas na presyo c. Ang presyo at presyo ay may tuwirang relasyon Talahanayan na nagpapakita kung gaano karaming produkto ang isusuplay sa iba’t-ibang presyo. Maari ring ipakita ang kaugnayan ng presyo sa suplay sa pamamagitan ng grap. Kurba ng suplay ang tawag ng mga ekonomista sa grap na ito. B. Mga Salik na Umaapekto sa Suplay 1. Halaga ng Produksyon Kung mababa ang halaga ng produksyon ng isang partikular na produkto mas tutubo nang malaki ang mga prodyuser kung magproprodyus sila ng mas marami. Kung mataas naman ang halaga ng produksyon mas kaunti ang iproprodyus ng mga prodyuser. 2. Mga Presyo ng mga Produktong Magkahalili sa Proseso ng Produksyon May mga produktong maaring pagpalitin sa produksyon. Mga halimbawa nito ang palay at mais, ang diesel at gasoline, at ang hamburger at ang chicken sandwich. Sa bawat pareha, ang pagtaas ng presyo ng isa ay magbubunga ng pagbaba ng suplay ng isa pa. 3. Organisasyon ng Pamilihan Kapag halos walang kompetisyon sa pamilihan, tumataas ang presyo sa bawat antas ng produksyon. Nangyayari ito sa loob ng isang monopoly kung saan isang kompanya lamang ang bumubuo o kumukontrol sa isang industriya. Sa isang ekonomiyang may perpektong kompetisyon, tumataas ang produksyon sa bawat antas ng presyo. 4. Mga Salik na Natatangi sa Produkto Sa mga produktong agricultural, tulad ng palay, isang mahalagang salik ang panahon. Kapagnagkaroon ng tagtuyot, tiyak bababa ang suplay ng palay. Sa mga industriyang mabilis ang inobasyon, tulad ng industriya ng kompyuter, sapat lamang ang dami ng produktong ginagawa. Hindi dinadamihan ng mga kompanya ang produksyon ng isang produkto sa pangambang malalaos iyon kapag nagkaroon ng bagong inobasyon. Nagpapababa sa presyo ang pagtaas ng suplay ng produkto at nagpapataas sa presyo ang pagbaba ng suplay ng produkto. Nagbabago ang suplay ng isang produkto bunga ng pagbabago ng presyo ng bilihin gayundin kapag may pagbabago sa iabng salik. Gagalaw ang kurba ng suplay at patungong kanan kung mataas ang suplay at patungong kaliwa kung mas mababa ang suplay.