Kataga ng Buhay Agosto 2008 Sinulat ni Chiara Lubich noong 1949 “Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan.
Download
Report
Transcript Kataga ng Buhay Agosto 2008 Sinulat ni Chiara Lubich noong 1949 “Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan.
Kataga
ng
Buhay
Agosto 2008
Sinulat ni Chiara Lubich
noong 1949
“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong
katawan. Kapag malinaw ang iyong mata,
maliliwanagan ang buo mong katawan.” (Lk 11:34)
Gaano man kadami ang nakakatagpo natin sa maghapon,
mula umaga hanggang gabi, subukan nating makita si
Jesus sa bawat tao.
Kung simple ang ating mata, ang Diyos
ang tunay na nakakakita sa pamamagitan
nito. Ang Diyos ay Pag-ibig, at nais ng
pag-ibig na bumuo ng pagkakaisa sa
pamamagitan ng pamamayani nito sa
kalooban ng iba.
Marami ang nagkakamali na tingnan ang mga tao at mga bagay
upang angkinin sila. Maaaring ito’y dahil sa makasariling
pagtingin, o sa inggit. Subalit kahit anupamang dahilan, ito ay
kasalanan. O kaya naman ay tumitingin sila sa sariling kalooban
upang ito ay ariin bilang isang yaman. Ngunit walang buhay ang
mukha nila dahil sila’y nababagot o nababagabag.
Ang kaluluwa ay larawan ng Diyos, kaya’t ito rin ay pag-ibig.
Ngunit ang pag-ibig na nakatuon lang sa sarili ay tulad ng
apoy na kapag hindi ginagatungan ay namamatay.
Tumingin ka sa iyong paligid, hindi sa
iyong sarili, hindi sa mga bagay, hindi
sa mga tao. Tingnan mo ang Diyos sa
iba upang makipag-ugnay sa Kanya.
Nananahan Siya sa
kaibuturan ng bawat
buhày na kaluluwa. At
kung ito ay patay, ang
kaluluwang iyon ay isang
tabernakolo ng Diyos na
naghihintay sa Kanya
bilang kaligayahan at
kaganapan ng kanyang
buhay.
Kaya’t tingnan mo ang bawat tao nang may pag-ibig. Magmahal,
ibig sabihin ay, magbigay. Dahil ang isang handog ay nagaanyayang tugunan din ng isang handog, ikaw din ay susuklian ng
pagmamahal.
Kung sa gayon, ibig sabihin ng pag-ibig ay magmahal at ang
mahalin din: tulad sa Banal na Santatlo. Ang Diyos sa iyo ang
aakit sa mga puso at magsisindi ng buhay ng Santatlo sa
kanila, na maaaring nasa kanila na sa pamamagitan ng biyaya,
ngunit hindi ito buhày.
Hindi ka maaaring
magsindi ng ilaw sa
kwarto – kahit may
koryente – hangga’t hindi
magkadikit ang dalawang
dulo ng kawad.
Gayundin ang buhay ng Diyos sa atin. Kailangan itong
lumaganap upang magbigay ng liwanag at magbigaypatotoo kay Kristo, Siya na nagbubuklod ng langit at
lupa, at ng mga tao sa isa’t isa.
Kaya’t tingnan mo ang bawat tao. Ibigay mo ang iyong sarili
sa kanila bilang pagbibigay ng iyong sarili kay Jesus, at si
Jesus ang magbabalik nito sa iyo. Iyon ang batas ng pagibig. “Magbigay ka at ikaw ay bibigyan” (Lk 6:38).
Bilang pagmamahal kay Jesus, hayaan mong angkinin ka
ng iyong kapwa. Tulad ng Banal na Eukaristiya, hayaan
mong “kainin” ka ng kapwa mo. Ilagay mo ang buong sarili
sa paglilingkod sa kanila; ito ay paglilingkod sa Diyos. At
lalapit sa iyo ang kapwa mo at mamahalin ka.
Ang pag-ibig sa kapwa ang kaganapan ng bawat niloloob ng
Diyos, na matatagpuan sa Kanyang utos: “Isang bagong utos
ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo” (Jn 13:34).
Ang pag-ibig ay isang Apoy na pumapasok
sa mga puso at ganap itong pinag-iisa.
Kaya’t hindi mo na
makikita ang sarili
mo, hindi rin ang
iyong kapwa.
Matatagpuan mo ang
Pag-ibig, ang Diyos na
nabubuhay sa iyo.
Ang Pag-ibig ang magmamahal sa iyong kapwa. Dahil
simple na ang iyong mga mata, matutuklasan mo ang
iyong sarili sa kanila, at lahat ay magiging isa.
Sisibol sa paligid mo ang isang sambayanan: tulad ng sa
paligid ni Jesus ay natipon ang labindalawa, pitumpu’t
dalawa, libo-libong tao...
Kahanga-hanga ang Ebanghelyo – dahil ito ay
Liwanag sa pag-ibig – kaya’t ito’y
nakakabighani at nakakaakit.
Pagkatapos ay maaaring ipako ka sa
krus, tulad ng Panginoon. Ngunit
mamamatay ka na nagbibigay-buhay sa
nagpako sa iyo sa krus, kaya’t pag-ibig
pa rin ang magwawagi sa katapusan.
Ngunit ang ugat na
dinaluyan ng dugo, na
ibinuhos at ibinigay
sa maraming puso, ay
hindi mamamatay.
Magbubunga ito, dahil maghahasik ng
kaligayahan at kapayapaan, at
magbubukas sa Paraiso. At ang
kaluwalhatian ng Diyos ay lalaganap.
Ngunit dito sa lupa, dapat tayong
maging ganap na Pag-ibig.
“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong
katawan. Kapag malinaw ang iyong mata,
maliliwanagan ang buo mong katawan.”(Lk 11:34)