Powerpoint - New City Philippines

Download Report

Transcript Powerpoint - New City Philippines

Kataga ng Buhay
Nobyembre 2012
«Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita;
iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at
mananahan sa kanya.» (Jn 14,23).
Ipinapahayag ni Jesus ang kanyang masidhing
pamamaalam sa kanyang mga apostol, at siniguro niya
sa kanila, kasama ng iba pang mga bagay, na muli nila
siyang makikita, sapagkat ipapahayag niya ang kanyang
sarili sa mga nagmamahal sa kanya.
Pagkatapos ay tinanong
siya ni Judas kung
bakit sa kanila lamang
siya magpapahayag at
hindi sa lahat.
Umaasa ang alagad sa
isang malakihan at
pangkalahatang
pagpapahayag ni Jesus
na makakapagpabago
ng kasaysayan.
Sa kanyang palagay,
ang ganitong uri ng
pagpapahayag ay
magiging higit na
mabisa sa kaligtasan
ng mundo.
Ang katotohanan ay iniisip ng mga apostol na si Jesus
ang matagal ng pinakahihintay na propeta ng mga huling
panahon na siyang magpapahayag ng kanyang sarili sa
lahat bilang Hari ng Israel. At bilang puno ng pamayanan
ng Diyos, Siya ang magtatatag ng Kaharian ng Panginoon.
Ngunit ipinaliwanag ni
Jesus na hindi niya
ipapahayag ang
kanyang sarili sa
kamangha-mangha at
panlabas na
pamamaraan kundi sa
isang payak subalit
hindi pangkaraniwang
“pagdating” ng
Santatlo sa puso ng
mga mananampalataya,
kung saan matatagpuan
ang pananampalataya
at pag-ibig.
Sa sagot
na ito,
ipinahihiwatig
ni Jesus
kung paano siya
mananatili sa
piling ng kanyang
mga alagad
pagkamatay niya,
at ipinaliwanag
niya kung
paano magkaroon
ng ugnayan
sa kanya.
«Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita;
iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya
at mananahan sa kanya»
Si Jesus ay maaaring manatili sa piling ng mga
Kristyano at ng komunidad kahit ngayon. Hindi ito
kailangang hintaying maganap sa kinabukasan.
Ang templo na tumatanggap sa kanya ay
hindi gawa sa tisa o semento kundi ang kaibuturan
ng puso ng isang Kristiyano. Ang pusong ito ay
nagiging bagong tabernakulo, ang buhay na
tahanan ng Banal na Santatlo.
«Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita;
iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya
at mananahan sa kanya»
Subalit paano ito makakamit ng mga Kristiyano?
Paano nila mapapanatili ang pananahan ni Jesus sa
kanilang puso? Paano sila makakapasok sa malalim
na ugnayan sa kanya?
Sa pamamagitan ng pagmamahal kay Jesus,
isang pag-ibig na hindi sa pakiramdam lamang kundi
isang pag-ibig na naisasalin sa pangaraw-araw na
pamumuhay. Sa kongkretong paraan, sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng kanyang mga salita.
Sa ganitong uri ng pagmamahal ng isang Kristiyano,
na pinatutunayan sa mga gawa, ang Diyos ay
tumutugon ng kanyang sariling pagmamahal:
ang pananahan ng Santatlo sa puso ng tao.
«Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita;
iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at
mananahan sa kanya»
«... Tutupad ng aking salita »-Ano ang mga salitang dapat tupdin ng isang
Kristiyano?
Sa Ebanghelyo ayon kay San Juan,“ang aking mga
salita” ay kalimitang may ganitong kahulugan:
“aking mga utos.” Kung gayon, ang Kristiyano ay
tinatawagang tupdin ang mga utos ni Jesus. Subalit
hindi ito dapat tingnan bilang listahan ng mga batas.
Kailangan itong unawain sa liwanag ng
halimbawang ipinakita ni Jesus ng hugasan
niya ang paa ng kanyang mga alagad:
ang batas ng pagmamahalan.
Inuutusan ni Jesus ang lahat ng Kristiyano na
magmahalan hanggang sa pagbibigay ng buong
sarili, kagaya ng itinuro at ginawa ni Jesus.
«Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita;
iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at
mananahan sa kanya»
Paano natin isasabuhay nang maayos ang kataga
ng buhay na ito? Paano natin mararating ang sandali na
mamahalin tayo ng Amang nasa langit at ang Banal
naSantatlo ay darating upang manahan sa atin? Sa
pamamagitan ng pagmamahalan ng buong puso, at sa
pagsasagawa nito ng may determinasyon at pagsisikap.
Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagmamahal,
tayong mga Kristiyano ay makakapagsimulang
magsabuhay ng kabanalan na hinihingi sa atin ni
Jesus na nakapako sa Krus.
Dahil ang pagsasanay na gawin ang pagmamahalan
ay nagiging sanhi upang ang iba pang mga magagandang
katangian ay yumabong sa ating mga puso.
Ang pagmamahal na ito ang pinakatiyak na sukatan ng
kabanalan ng isang Kristiyano.
«Ang umiibig sa
akin ay tutupad
ng aking salita;
iibigin siya ng
aking Ama,
at kami’y
sasakanya at
mananahan
sa kanya»
Isinulat ni: Chiara Lubich