Transcript Slide 1

MESSAGE
Sabi po sa Acts 17:11: “And the people of
Berea were more open-minded than those in
Thessalonica, and they listened eagerly to Paul’s
message. They searched the Scriptures day after
day to see if Paul and Silas were teaching the
truth.” Makikita po sa mga Kristyano sa Berea ang
malalim nilang pagpapahalaga sa Salita ng Diyos.
Nakikinig daw po sila ng masigasig sa pagtuturo ni
Pablo at sinaliksik nila ang Biblia pagkatapos.
Nawa po ay makita ng Panginoon sa atin ang
ganito ring sigasig sa pag-aaral ng Kaniyang Salita.
Tinatawagan po si Ptr. Nemy upang
ipakilala ang ating speaker ngayong umaga.
(EM / AM)
SPECIAL NUMBER
OUR TITHES AND OFFERINGS
Bilang bahagi po ng ating pagbibigay galang sa
Salita ng Diyos dahil sa National Bible Day, basahin
po natin ang sinasabi ng Diyos tungkol sa
pagbibigay sa 2 Corinthians 9:7 – “Each man
should give what he has decided in his heart to
give, not reluctantly or under compulsion, for God
loves a cheerful giver.” Sa Tagalog po, “Magbigay
ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso,
hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan
sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng
masaya.”
DOXOLOGY AND BENEDICTION
CLOSING SONG
PRESIDER’S GUIDE
I am Redeemer Ministries Marikina
Sunday Worship Service, 30 May 2010
mga dapat tandaan sa
pagiging presider
Maraming salamat po sa inyong pagtanggap
pribilehiyong maging presider ngayong Linggo.
sa
Mahalaga po ang ginagampanang papel ng presider sa ating
worship service. Kayo po ang magbibigay ng continuity sa
buong pagsamba sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o
pagbibigay introduksyon sa bawat bahagi ng programa.
Ang mga sumusunod po ay ilang paalala sa pagiging
presider:
1. Hilingin po ang patnubay ng Banal na Espiritu at
ipanalangin na gamitin kayo ng Panginoon.
2. Pakibasa po ang script na makikita sa mga sumusunod na
pahina bago ang araw ng Linggo. Kung mayroon pong hindi
malinaw, maaari po kayong magtanong kay Sis. Renette o
sa mga manggagawa upang malinawan ang lahat pagdating
ng pagsamba.
3. Pagdating sa pulpito, HUWAG po basahin ang buong
script. Hindi po natin nais na magmukhang scripted ang
presider. Gamitin lang po ang script bilang guide.
4. Maaari po kayong magkwento ng maikling personal na
testimony kung nababagay. Halimbawa po ay may itinuro
sa inyo ang Panginoon tungkol sa pagbibigay o sa
pananalangin, maaari nyo po itong banggitin bago magoffering o bago mag-mensahe. Siguraduhin lang pong
maikli ito at straight to the point.
5. Siguraduhin pong malakas at lively ang inyong boses.
PRELUDE
Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat.
Magsisimula na po tayo sa ating pananambahan
kayat hinihilingan ang lahat na magsiupo.
(Hintaying makaupo ang mga kongregasyon).
Marami pong mga bagay sa mundo ang
kamangha-mangha.
Imposible
pong
hindi
mamangha sa galing ng mga unang Pilipinong
ginawa ang Banaue Rice Terraces. Imposible rin
pong hindi mamangha pag unang makita ang
perfect cone shape ng Bulkan Mayon. Pero wala
pong mas kamangha-mangha kaysa sa ating
Panginoon.
Minsan po, madali tayong ma-overwhelm ng mga
bagay sa mundo. May mga araw po na ang
pakiramdam natin ay tila pinagsakluban na tayo ng
langit at lupa sa bigat ng ating mga problema.
Ngayong araw po, sa halip mag-focus tayo sa ating
mga problema ay mag-focus po tayo sa ating
kamangha-mangha at makapangyarihang Diyos.
Sambahin po natin Siya at alalahanin ang Kaniyang
kabutihan sa atin. Hinihilingan po ang ating praise
and worship team na pangunahan tayo sa pag-awit
ng pagpuri sa Panginoon.
CALL TO WORSHIP
Tumayo po tayo para sa ating Tawag ng
Pagsamba na matatagpuan sa Psalm 100.
Presider:
Shout for joy to the LORD, all the
earth. Worship the LORD with
gladness;
come before him with joyful
songs.
Congregation: Know that the LORD is God.
It is he who made us, and we are his;
we are his people, the sheep of his pasture.
Presider: Enter his gates with thanksgiving
and his courts with praise; give thanks
to him and praise his name.
All: For the LORD is good and his love
endures forever; his faithfulness
continues
through all generations.
OPENING PRAYER
PRAISE AND WORSHIP
PASTORAL PRAYER
MINISTRY OPPORTUNITIES
Tingnan po natin ang ating mga ministry
opportunities at ibang announcements sa ating
harapan. (Basahin lamang po ang mahahalagang
announcements at hayaang naka-flash lamang ang
ibang announcements.)