(Panginoong Jesus, lubos naming itinatalaga sa Iyo sa

Download Report

Transcript (Panginoong Jesus, lubos naming itinatalaga sa Iyo sa

LUBOS NA PAGTATALAGA
NG
SARILI KAY HESUS
SA PAMAMAGITAN
NI MARIA
NI St. Louie Marie De Montfort
(Panginoong Jesus, lubos
naming itinatalaga sa Iyo
sa pamamagitan ni Maria,
ang aming sarili, aming bansa,
Russia, at ang buong mundo.)
O Walang Hanggan at
Nagkatawan-taong
Karunungan, Hesus na
pinaka-iibig at pinakapupuri,
tunay na Diyos at tunay na Tao,
bugtong na Anak ng Walang
Hanggang Ama at ni Maria laging
Birhen, pinakasasamba Kita,
nananahan sa kaluwalhatian ng
Iyong Ama magpakailanman, at sa
walang dungis na sinapupunan
ni Maria, Inang karapat-dapat sa
Iyong pagkakatawang-tao.
Pinasasalamatan Kita sa iyong
buong-pusong pagtanggap sa
kondisyon ng isang alipin upang sa
pamamagitan nito ay mapalaya ako
sa pagkaalipin sa kasamaan.
Pinupuri Kita sapagkat pinili mong
sundin si Maria, iyong Ina, sa lahat
ng bagay, upang sa pamamagitan
din niya, ako’y maging tapat na
alipin ng pag-ibig mo. Subalit
inaamin kong hindi ako naging
tapat sa mga panata at pangako ko
noong ako ay binyagan. Hindi ko
natupad ang aking mga tungkulin,
at hindi ako karapat-dapat tawaging
anak Mo, o maging alipin Mo.
Sapagkat wala nang nararapat sa
akin kung hindi ang pagtakwil at
pagkamuhi mo, hindi na muli ako
lalapit ng mag- isa sa Banal mong
Harapan. Kaya ngayon ako’y
lumalapit sa pamamagitan ng iyong
mahabaging Ina. Sa tulong niya,
nais kong makamtan mula sa Iyo
ang pagsisisi at kapatawaran ng
aking mga kasalanan, at ang
Karunungang nais kong manahan
sa akin.
Ako’y dumudulog sa iyo, Mariang
Kalinis-linisan, buhay na
Tabernakulo ng Diyos, niloob ng
Karunungang Walang Hanggan na
papurihan ka ng mga tao ganun din
ng mga anghel. Binabati kita bilang
Reyna ng langit at lupa, sapagkat
minarapat ng Diyos na lahat ng
nasasakupan Niya ay mapasailalim
sa pangangalaga mo. Nagsusumamo
ako sa iyo, laging saklolo ng mga
makasalanan, ng may pananalig sa
iyong mahabaging puso na hindi pa
binigo ang sinuman. Nawa’y ipagkaloob mo sa akin ang minimithing
Karunungan at kaugnay ng
petisyong ito, tanggapin mo nawa
ang mga pangako ko at pag-aalay ng
sarili sa kabila ng aking mga
kakulangan.
Ako, (pangalan), hindi tapat at
makasalanan, ay pinapanibago at
pinagtitibay ngayon, sa
pamamagitan mo, ang aking mga
pangako noong ako ay binyagan.
Itinatakwil ko si Satanas magpakailanman, ang mga pangako
niyang walang kabuluhan, at mga
masasamang adhikain, at
ibinibigay ko ang buong sarili kay
Jesu-Kristo, ang Karunungang
Nagkatawang-tao, upang katulad
Niya ay pasanin ko ang sariling
krus habang nabubuhay, at higit
na maging tapat kaysa noon.
*Sa araw na ito, saksi ang
sangkalangitan, ay hinihirang kita,
Maria, bilang aking Ina at Reyna.
Isinusuko at itinatalaga ko sa iyo
ang aking sarili, katawan, at
kaluluwa, bilang alipin mo, kasama
ang lahat ng pag-aari ko, ispiritwal
man o materyal, kahit ang halaga
ng lahat ng aking mabubuting
gawa, noon, ngayon, at magpakailanman. Lubos kong Ipinauubaya
sa iyo ang aking sarili at lahat ng
pag-aari ko, at ang karapatang gawin
sa akin anumang nais mo, para sa
lalong ikakaluwalhati ng Diyos
ngayon at magpasawalang-hanggan.
Tanggapin mo, mapagpalang Birhen,
ang munting handog ng pagkaalipin
ko upang parangalan at tularan ang
buong-pusong pagsunod ni Hesus
sa iyo bilang Kanyang Ina. Sa
pamamagitan nito, nais ko ring
magpasalamat sa Diyos sa mga
prebilehiyong pinagkaloob sa iyo ng
Santisima Trinidad. Ipinapahayag
kong sa mga darating na panahon ay
paparangalan at susundin kita sa
lahat ng bagay bilang alipin ng pagibig.
O Inang kaibig-ibig, iharap mo ako
sa iyong Anak bilang Kanyang alipin
ngayon at magpakailanman, upang
Siya na nagligtas sa akin sa
pamamagitan mo ay tanggapin ako.
Ina ng Awa, loobin mo sanang
taglayin
ko
ang
tunay
na
Karunungan ng Diyos, at ibilang
ako sa mga minamahal, tinuturuan,
ginagabayan, at pinoprotektahan
mo, bilang mga anak at alipin.
Tapat na Birhen gawin mong sa
lahat ng bagay ay ako’y maging
tapat ding taga-sunod at alipin ni
Hesus, ang Walang Hanggang
Karunungan, upang ako, sa
pamamagitan ng tulong at
halimbawa mo, ay lubos na
lumago at taglayin ang kabanalan
ni Hesus noong Siya ay nabuhay
sa mundo, ganun din
ang ganap na
Kaluwalhatian Niya
sa langit. Amen.