Ingklitik (Yata, Man, Muna, Kaya)

Download Report

Transcript Ingklitik (Yata, Man, Muna, Kaya)

Ingklitik (Yata, Man, Muna, Kaya)
Pangkat 6
Anthony Chiang
Warren Cheah
Richard Cruz
Jules Marcelino
Joshua Santos
Yata
Ang ingklitik na yata ay ginagamit kapag ang
nagsasalita ay hindi sigurado sa kanyang
itinutukoy o isinasabi.
Halimbawa: Matapang yata ang aso mo, tahol
siya ng tahol.
Mabait yata ang anak mong si Jeremiah.
Kaya
Ito ang ginagamit kapag ang nagsasalita ay
hindi tiyak. Ang pag gamit nito ay madalas na
nakikita sa mga tanong.
Halimbawa: Galit kaya siya sa akin?
Ilan kaya ang laruan sa loob ng lalagyan?
Man
Ang man ay ginagamit kapag ang tao ay
gumagawa o nagbibigay ng kondisyon. Ang
katumbas ng man ay kahit.
Halimbawa: Magpakailanman ay hindi kita
iiwan, sapagkat mahal na mahal kita.
Gaanuman kasakit ang idaranas ko, ay titiisin
ko, para lang sayo.
Muna
Ang muna ay ginagamit kapag ang sinasabi
ng tagapagsalita ay temporarya, o kaya ay
pamalit lamang para sa maikling panahon.
Ginagamit din ito kapag isinasabi na gawin
ang akyson bago ang isang bagay
Halimbawa: Kumain ka muna bago ka
maglaro.
Pabayaan mo muna ang problemang iyan.
Pagsasanay
Panuto: Ilagay ang tamang ingklitik para mabuo ang
pangungusap.
1. Kailan _____ ay hindi ako pumatay ng tao.
2. Uminom ka _____ ng tubig at baka himatayin ka.
3. Hindi _____ at baka may mahal siyang iba?
4. Naiwan ko _____ ang kwaderno ko sa aking
bahay.
5. Bakit _____ maliwanag ang mga bituwin tuwing
gabi?
6. Intayin _____ natin ang balita bago natin
konpirmahin.
Sources
-Modyul sa Filipino Baitang 7 p. 29