Pang abay - WordPress.com

Download Report

Transcript Pang abay - WordPress.com

Pang abay
Ingklitik ( pala,yata,muna,man)
Pang abay na Ingklitik
Ang pang abay na ingklitik ay
pantulong na mga kataga na
nagbibigay-turing sa pandiwa,pang-uri
o pang abay upang magkaroon ng
dagdag at tanging kahulugan.
Pala – ginagamit kung mayroong hindi
inaasahan na pangyayari o kaya pagkagulat.
Hamlimbawa:
Naubos na pala ang linuto ko.
Namatay na pala ang aso niya.
Yata- ginagamit kung wala itong katiyakan o
kung hindi sigurado.
Halimbawa:
Tapos na yata ang palabas.
Nagsarado na yata ang McDonald’s sa
Greenhills.
Muna- ginagamit kung mayroong dapat
unahin.
Halimbawa:
Kumain ka muna bago ka maglaro.
Mag-aral ka muna bago ka manood ng TV.
Man – katumbas ito ng kahit
Halimbawa:
Hindi man ako nakapasok, nakagawa pa rin
ako ng homework.
8:00 pa man , natulog na sila.
Pagsasanay
Pala
Yata
Muna
Man
Kumain ka _______ bago ka maglaro.
“Grade 7 ka na _____ ! ” ang sabi ng kanyang lola.
Mahirap _____ ang kanyang pinagmulan, nagawa niyang
umasenso sa buhay.
Masama _____ ang panahon ngayon.