Transcript File
Isang Santakrusan, Bago Magsimula Epifanio G. Matute Xevier P. Sandot BSEd-Filipino II Sa isang pila, naunang pumila ang isang ordinaryong tao. Biglang dumating ang isang sikat na artista at humingi ng pabor sa iyo na pwede bang siya na lang ang unahin mo dahil may “taping” pa siya. Ano ang gagawin mo? Naunang pumila ang isang mahirap na tao sa barangay hall para kumuha ng barangay clearance. Biglang dumating ang isang mayamang tao at humingi ng pabor na siya na lang ang unahin mo dahil bibigyan ka niya ng pera. Ano ang gagawin mo? Panuto: Alamin ang tamang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan. 1. Bago ang sapatos natin a! Talagang diyenwain! a. Bago b. Maganda c. Pangit 2. Si Aling Tindeng ay isang balo at hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa kanyang asawa. a. Taong matanda na walang asawa b. Dalaga o binata c. Taong namatayan ng asawa 3. Ang santakrusan ay idinaraos pa rin ng hermano mayor kahit mahirap ang panahon dahil panata. a. Relihiyosong parada ng mga magagandang babae b. Fashion show c. Prayer rally Tema ng kwento Pagbigay ng pantay-pantay na pagtingin sa lahat ng tao, mahirap man o mayaman. Kaugaliang Pilipino na ipinapakita sa akda • Pagmamahal sa pamilya • Pagkapanata Gintong Aral • Dapat pantay-pantay ang pagtingin natin sa lahat ng tao, bata man o matanda, mahirap man o mayaman. Gawain Gumawa ng isang saknong na tula tungkol sa pantaypantay na pagtingin ng tao sa lipunan Takdang Aralin Sa isang short bondpaper, gumuhit ng isang larawan na sumisimbolo sa pantaypantay na pagtingin sa lahat ng tao Maraming Salamat …