Transcript Slide 1
KOMUNIKASYON SUSI SA MABUTING UGNAYAN NG PAMILYA AT PAKIKIPAGKAPWA KOMUNIKASYON Galing sa salitang latin na COMMUNIS na nangangahulugang “Common” o karaniwang o pagiging magkatulad. Galing sa salitang latin na COMMUNIS na nangangahulugang “Common” o karaniwang o pagiging magkatulad. TATLONG BAHAGI NG KOMUNIKASYON 1.BERBAL NA KOMUNIKASYON Gumagamit ng wika,pasulat man o pasalita. 2.DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON Ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang paraan na hindi gumagamit ng wika. Ang Katawan (KINESICS) Ginagamit ang mga bahagi ng katawan upang makipag-komunikasyon sa iba. ? Ang Mukha (Facial Expression) Naipapakikita rito ang iba’t ibang emosyon ng tao tulad ng pagkatuwa, pagkalungkot, pagkagulat, pagkatakot, pagkagalit at pagkayamot. Ang ekspresyon sa mukha ng tao ay nagpapakilala ng kanyang ugali. Natuklasan sa pag-aaral na higit na naipapakita ang emosyonal na kalagayan ng tao sa kanyang mukha. 3.BIRTWAL NA KOMUNIKSAYON Dulot ng makabagong teknolohiya kung saan ang paghahatid ng impormasyon o aksyon ay naipapahatid saan mang lokasyon gamit ang information technology. LIMANG ANTAS NG KOMUNIKASYON 1.PAKIKIPAG-USAP SA SIMPLENG KAKILALA Pinakamababaw na uri ng pakikipag-usap ngunit madalas na ginagamit nating pilipino. 2.PAKIKIPAG-USAP UPANG MAGBAHAGI NG MAKATOTOHANANG IMPORMASYON Ito ay pagbabahagi ng impormasyon na tumutugon sa tanong na ANO,SINO,SAAN,KAILAN at iba pa. Dito hindi hinihingi ang opinyon o eskpresyon ng damdamin .Hindi ito binubuo ng intelektwal,emosyonal,ispiritwal o pisikal na pagkakalapit. 3.PAKIKIPAG-USAP UPANG MAGBAHAGI NG IDEYA O OPINYON Sa pagkakataong ito,hindi lamang ang impormasyon ang ating ibinabahagi,kundi nagbabagi na rin tayo ng ating opinyon,mga pakahulugan o interpretasyon,at mga paghatol. 4.PAKIKIPAG-USAP UPANG MAGBAHAGI NG SARILING DAMDAMIN Sa antas na ito,malaya na naibabahagi ang iyong sariling damdamin, 5.PAKIKIPAG-USAP UPANG IBAHAGI ANG TOTOONG SARILI NA GINAGABAYAN NG PAGMAMAHAL Pinakamataas na antas ng komunikasyon. Sa pagkakataong ito ,ibinabahagi natin sa ibang tao ang ating mga PANGANGAILANGAN, mga ALALAHANIN,TAKOT, PANGARAP,PAG-ASA AT PAGMAMAHAL.