BEC Bagong Anyo ng Simbahan - CBCP-BEC

Download Report

Transcript BEC Bagong Anyo ng Simbahan - CBCP-BEC

Basic Ecclesial Communities
A New Way of Being Church
Fr. Amado L. Picardal, CSsR
Sambayanan ng mga
Alagad ni Kristo
Ang Bagong Anyo ng
Simbahan
Munting Sambayanang Kristiano
Fr. Amado Picardal, CSsR
Nagkakaisa ang lahat sa isip at damdamin
Nakikinig, nagpapahayag ng Salita ng Dios.
Nagdarasal, nagbabahaginan ng Tinapay ng Buhay
Walang sinumang naghihirap kami’y
nagdadamayan.
Koro:
Munting Sambayanang Kristiano
Bayan ng mga Alagad ni Jesus
Munting Sambayanang Iglesya.
Bayan ng mga Alagad ni Jesus
Hindi na kami mga bulag, hindi pipi, hindi pilay.
Nakikita ang kapatid na nangangailangan.
Namamahayag ng Magandang Balita ng kaligtasan.
Kumikilos para sa kapayapaan at kaginhawaan
(koro)


Ang ating awit ay naglalarawan sa buhay ng mga
munting komunidad o sambayanan ng mga
Kristiano – Katoliko na lumalaganap sa ibat-ibang
dako ng Pilipinas- sa kanayunan at mga siyudad.
Sa Luzon, Visayas, Mindanao. Dito sa Metro-Manila,
dito sa ating diocese at mga parokya.
Hindi lang sa Pilipinas, kundi sa Asya, Africa, Latin
America at North America




Mga magkapitbahay at ka-barangay na nagkakaugnay
at nagkakaisa,
sa pakikinig at pagpapahayag ng Salita ng Dios,
sa pagdarasal at pagsamba,
sa pagtutulong-tulongan at paglilingkod sa isa’t-isa at
sa kapwa.
Silay naging tunay na kapamilya, kapuso, kaibigan,
kasama at kabarkada sa pananampalataya.
Namumuhay bilang tunay na alagad ni Kristo, tunay
na mga Kristiano.
Ito ang bagong anyo ng Simbahang Katoliko
Lumang Anyo nga Simbahan






Isang malaking sambayanan o bayan
Hindi nagkakilala at walang pag-uugnay ang mga
kasapi (kanya-kanya, bahala ka na sa sarili)
Ang mga pari at madre lang ang kumikilos at
nakikilahok sa misyon at gawain ng Simbahan
Ang mga layko o karaniwang kasapi ay walang
responsibilidad . (Limitado sa mandated
organizations ang pakikilahok)
Walang paki-alam sa problemang panlipunan hanggang dasal lang.
Ang karamihan, Kristiano sa ngalan lang.
Pagbabago sa Konsilyo Vaticano II



1962-1965, ipinagdaos ang Vatican II
Ito ang pagtitipon ng mga Obispo at namumuno
nga Simbahan sa Roma na ipinatawag ni Pope
John XXIII.
Ang Vatican II ay nanawagan ng pagbabago sa
Simbahan sa harap ng pagbabago sa mundo.


Sa constitution ng Simbahan na pinamagatang
“Lumen Gentium” mayroong pananaw ang Vatican
II ukol sa Simbahang pinagbago.
Ito ang Simbahan na
sambayanan ng Dios na ang mga kasapi (kabilang
na dito ang mga layko) ay nagkaugnay at
nagkakaisa –
puno ng Espirito Santo nakikilahok at
nagpapatuloy sa misyon ni Cristo
bilang propeta, pari at hari.
Sambayanang Nagkakaisa



Nais ng Vatican II na maisabuhay ng mga kasapi
ng simbahan ang diwa ng pagkakaisa, pakikipagugnay, pagbabahaginan ng mga kasapi.
Isang komunidad o sambayanan ng
pananampalataya at pagmamahalan.
Ang modelo o inspirasyon ay ang unang
Kristianong Sambayanan sa Jerusalem na
inilarawan sa bibliya (Acts 2:42-46, 4:32-35)
Bilang Sambayanang mala-Propeta



Ang Simbahan ay may misyon sa pagpahayag ng
Magandang balita ng kaharian ng Dios, ng
kaligtasan at kalayaan, ng katarungan at
kapayapaan, ng kahalagahan ng buhay.
Bilang propeta ang Simbahan ay may misyon
bilang konsyensya ng bayan – nagtuturo kung
ano ang tama na dapat sundin at ano ang mali na
dapat tutulan at babaguhin.
Kaya hindi dapat magiging tahimik ang
Simbahan sa harap ng katiwali-an at kasamaan sa
lipunan.
Sambayanang mala-pari


Ang mga kasapi ng Simbahan, kabilang na ang
mga layko o karaniwang miembro, ay may
karapatan at katungkulan na masigasig na
makilahok sa pagdiriwang ng liturhiya at sa
pagsamba.
Katungkulan din nila na mag-alay ng kanilang
buhay sa panginoon at kapwa.
Sambayanang mala-hari:


Ang mga kasapi ng Simbahan ay susunod kay
Kristo na pumarito hindi upang panglingkuran
kundi upang maglingkod sa kapwa lalo na sa
nangangailangan – sa mahirap.
Kanila ding katungkulan ang pagkilos upang
ipalaganap ang paghahari ng Dios sa buong
mundo, upang maghahari ang katarungan,
kapayapaan at kaghinhawaan.





Sa konstitusyon sa Simbahan sa modernong mundo
(Gaudium et Spes), ang misyon ng Simbahan ay hindi lang
spiritual kundi sa larangan din ng sosyal, political, economic
at cultural.
Ang Simbahan ay kikilos para sa ikakabuti sa lahat at hindi
para sa pansariling kapakanan.
Ito ang pananaw ng pinagbagong Simbahan na
inumpisahan ng Vatican II.
Pagkatapos ng Vatican II, nangyari ang pagtanggap at
pagpatupad nitong pananaw.
Ito ay maituring na isang paglalakbay tungo sa pinagbagong
Simbahan.
Hindi madali ang pagtupad ng isang konsilyo. Kailangan ng
isang siglo.




Ang pagpatupad nito ay isinagawa sa iba’t ibang
bansa, rehiyon, diocese, parokya at sa mga
kapitbahayan at munting sambayan sa loob ng
parokya.
Ang pagtatag ng munting Sambayanang Kristiano o
Basic Ecclesial Communities (BECs) ay isa sa mga
paraan upang maisabuhay at matupad ang pananaw
ng pinagbagong Simbahan ng Vatican II.
Kaya pagkatapos ng Vatican II noong 1965,
umusbong ang mga BEC sa Brazil at Pilipinas.
Ngayon lumalaganap na ang BEC sa lahat ng dako
nga mundo – Asia, African, Latin American, North
American, at ilang bansa sa Europa.




Sa Pilipinas, nagsimula ang pagtatag ng BEC sa
Mindanao noon pang 1968
Ito ay isinulong ng MSPC (Mindanao Sulu Pastoral
Conference) noong 1971.
May iilang mga parokya at diocese sa Visayas at sa
Luzon na nagtaguyod ng BEC sa ilalim ng Batas
Militar. Ngunit hindi pa ito katanggap-tanggap sa
karamihang diocese at parokya noong panahon.
Ang BEC ay tinanggap na pangunahing programa
sa pagbabago ng Simbahan sa buong Pilipinas
noong 1991 sa PCP II.
Noon 1991, idinaraos angPCP II
ay may pagbabago an ninanais para sa Simbahan sa
Pilipinas.
At ang pagbabago ay maipatupad sa pamamagitan ng
mga BEC.
Dahil po sa PCP II lumakas ang pagsumikap na
maitatag at mapalawak ang BEC sa buong Pilipinas.
.
Noong 1991, ang PCP II nagpalabas ng dekreto
(109):
“Dapat masigabong itaguyod ang
Saligang Mga Sambayanan ng Iglesya
na nasa ilalim ng iba’t ibang mga pangalan at anyomga BCC, maliliit na sambayanang Kristiyano,
maliliit na pamayanang pananampalataya, mga
pamayanan ng tipan alang-alang sa lubos na pagsasabuhay sa malaKristiyanong bokasyon sa mga lugar sa kalunsuran
at lalawigan.”
“Sa pagbuo ng mga BEC,
ibibigay ang pinakamataas na priyoridad
sa muling-ebanghelisasyon.
Bubuuin at ilalaan sa mga diyosesis,
sa pamamagitan ng CBCP,
ang isang programa ng paghuhubog
para sa mga mangagawa at misyonero ng BEC,
kabilang ang isang panlahatang manuwal”
(Dekreto 111)
PCP II Vision of the Church
Community of Disciples
Prophetic
(witnessing)
Priestly
Kingly
(worshipping)(servant)
Pananaw ng PCP II sa Pinagbagong Simbahan
Sambayanan ng mga Alaagad
Mala-propeta
(namamahayag)
Mala-pari
Mala-hari
(nananalangin)(naglilingkod
Ang BEC nagsasabuhay ng Pananaw ng
PCP II sa Simbahang Pinagpanibago
“Ang Iglesiang nilalayon natin bilang
pakikipagkaisa, pakikilahok, at misyon,
ang ating nilalayon tungkol sa Iglesia bilang bayang
mala-pari, mala-propeta, at mala-hari at bilang
Iglesia ng Mga Maralita –
ang isang Iglesiang pinagpanibago –
ay kasalukuyang nakakatagpo ng pagpahiwatig sa
isang kilusang pang-iglesia.
Ito ang kilusan upang isulong ang BEC.” (no. 137)
Ang BEC ayon sa PCP II
Ang Sambayanan ng mga Alagad
Na nagkakaisa at nakikilahok sa misyon ni Kristo
bilang bayang mala-pari (ang bayang nanalangin)
mala-propeta (ang bayang nagpapahayag nga salita
ng Dios)
at mala-hari (ang bayang naglilingkod sa
panginoon at kapwa)
Ang Iglesia ng Maralita.
Pananaw ng PCP II sa BEC
Sambayanan ng mga Alaagad
Mala-propeta
(namamahayag)
Mala-pari
Mala-hari
(nananalangin)(naglilingkod
Isinalarawan ng PCP II ang BEC
“Maliliit na pamayanang Kristiyano sila,
kadalasang mga mag-anak na sama-samang natitipon
sa paligid nga Salita ng Dios at nga Eukaristiya.
Nakabuklod sa kanilang kura ngunit regular silang
pinaglilingkuran ng mga pinunong laiko.
Kilala nga mga kasapi ang bawat isa sa pangalan at
pinagbabahaginan nila hindi lamang ang salita ng Dios
at ang Eukaristiya
kundi pati na rin ang kanilang mga alalahaning materyal at
espirituwal.
Mayroon silang matitinding pagdama sa pagiging kabilang at sa
pananagutan para sa isa’t isa.” (no. 138)
“Mulat na nagsisikap ang mga BEC,
na karaniwang nagmumula sa pinakaugat na mga antas
ng maralitang magsasaka at manggagawa,
na pagsamahin ang kanilang pananampalataya
at pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Ginagabayan at pinasisigla sila ng regular katekesis.
Ang karukhaan at ang kanilang pananampalataya
ang humihimok sa kanilang mga kasapi tungo
sa pakikiisa sa isa’t isa,
pagkilos para sa katarungan,
at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay sa
liturhiya.” (no. 139)
“sa maraming mga diyosesis ngayon, isang pastoral
na priyoridad ang mga BEC.
Bagamat may maraming ibang mga anyo ng maliliit
na pamayanan na pananampalataya ngayon,
nakikitang isang mahalagang pahiwatig ng
pagpanibagong pang-iglesia ang mga BEC.
Ang kabilisan nga kanilang paglago sa iba’t ibang
mga panig sa Pilipinas ay malinaw na tanda ng
pagkilos ng mga karismang kaloob ng Diyos sa
piling ng mga dukha.
Isang malaking pag-asa para sa Iglesia sa Pilipinas ang
kakayahan ng mga pamayanang ito para sa
ebanghelisasyon.” (no. 140)
May lima katangi-an ang BEC
1.
2.
Ito ang pamayanan na ang mga kasapi ay
nagkakaisa at nagkakaugnay kay Kristo, sa bawat
isa, sa mas malawak na sambayanan ng parokya,
diocese at buong Simbahan. (communion o
koinonia)
Ito ang sambayanan na pinatatag sa Salita ng
Dios - na nakikinig, nagbabahaginan,
nagpapahayag at tumutupad ng Salita ng Dios.
(evangelizing and witnessing community)
3.
4.
5.
Ito ang sambayanan na ang mga kasapi ay
nakikilahok sa pagdiriwang ng Banal na Yukaristia at
ibang sakramento, ang sambayanan na nananalangin.
Ito ang sambayanan na nagpalaganap ng kaharian ng
Dios, naglilingkod sa kapwa – lalo na sa mahihirap,
nagsumikap na maghahari ang kapayapaan at
katarungan.
Ito ang sambayanan na ang mga kasapi ay nanalig sa
Dios at nagbabahaginan ng ari-arian, ang mga
dukhang kasapi ay nakikilahok sa buhay at misyon
ni Kristo, ang misyon ng kaligtasan, at ang hindi mga
dukha ay pumapanig at tumutulong sa mahirap.
Sambayanan ng mga Alagad
(Titik at musika ni Fr. Amado Picardal, CSsr)
Koro:
//Bayang nagpapahayag ng mabuting balita
Bayang nananalangin at naglilingkod.//
Tayo ang sambayanan ng mga alagad
Nagkakaisa at nakikilahok sa Misyon ni Kristo.
Bayang mala-pari, propeta at hari,
Sambayanan ng mga dukha
Iglesyang maralita.
Tayo ang sambayanan ng mga alagad
Pinagkakaisa't pinagbubuklod ng Panginoon.
Nagbabahaginan ng salita at Eukaristiya
At mga ari-arian matalik na kaibigan.
Koro:
//Bayang nagpapahayag ng mabuting balita
Bayang nananalangin at naglilingkod.//
Tayo ang sambayanan ng mga alagad
Bayang nakikinig sa Salita ng Dios
At nagpapahayag ng Magandang Balita
Ng ating kaligtasan at kaharian ng Dios.
Tayo ang sambayanan ng mga alagad
Nanalangin at Sumasamba sa Panginoon.
Handang magbubuwis ng sariling buhay
Gaya ni Kristo ang dakilang punong pari. (koro)
//Bayang nagpapahayag ng mabuting balita
Bayang nananalangin at naglilingkod.//
Tayo ang sambayanan ng mga alagad
Bayang naglilingkod sa Panginoon
Kumikilos para sa hustisya at kapayapaan
Nakikibaka’t nagpalaganap ng Kaharian ng Dios.
Tayo ang sambayanan ng mga alagad
sumasanib at pumapanig sa mga mahirap.
Walang ibang pinanaligan kundi ang Panginoon
Masigasig na lumalahok sa misyon ni Kristo (koro)
1. Pakikipag-ugnay at Pagkaka-isa
Hindi tayo nag-iisa kundi nagkaka-isa bilang alagad ni
Kristo. Ang Espirito Santo ay ang nagbubuklod sa
mga kasapi ng BEC.
Ang mga pamilya at magkapitbahay sa BEC ay
nagkakaugnay at nagkakaisa –
namumuhay bilang kapuso, kapamilya,
mag-kakapatid at magkakaibigan sa pananampalataya.
Ang diwa ng pakikisama, pakikipag-kapwa ay ipanaiiral
Ang mga kasapi ay nagbabahaginan ng kanilang
panahon, mga talento o kakayahan, mga ari-arian.
Ang mga BEC sa loob nga parokya ay nagkakaugnay
at ang buong parokya ay naging ugnayan ng mga
BEC.
2. Pakikinig at Pagpahayag ng
Salita ng Dios:
Mala-Propetang Sambayanan
Ang mga kasapi ng BEC ay sama-samang
nakikinig, nagbabahaginan at nagpapahayag ng
Salita ng Dios
Ang BEC ay may misyon sa pagpahayag ng
magandang balita nga kahari-an ng Dios – ang
magandang balita nga kaligtasan na idinidulot ni
Kristo – ang mensahe sa kapayapaan,
katarungan at ang kahalagahan ng buhay.
Ang BEC, bilang propeta, ay mayroong ding papel na
magiging konsyensia nga lipunan – na
nagpapahayag kung ano ang tama at ano ang mali.
Tulad ni Kristo ang BEC ay may misyon sa pagtuligsa
ng kasalanan at lahat ng uri ng kasamaan – ang
kawalang katarungan, pang-aapi, korapsyon, ang
kultura ng kamatayan.
Nanawagan ang BEC na magbagong buhay,
magbalik-loob sa Dios, iwanan ang kasalanan at
kasamaan, at mamumuhay na tunay na alagad ni
Kristo bilang kasapi ng pamayanang Kristiano.
Maraming paraan sa ebanghelisasyon o pagpahayag
ng Mabuting Balita:
Bible-sharing o gospel sharing sa pamilya at
kapitbahayan, evangelization seminars sa buong
barangay o komunidad, mayroon ding youth
evangelization, at men’s evangelization.
Mayroon ding “renewed catechesis” (hindi lang sa
kabataan kundi para sa may edad) para mas
maunawaan ang aralin ng ating pananampalataya.
3. Pagdadasal at Pagdiriwang:
Sambayanang Mala-Pari
41
Ang kasapi ng BEC sama-samang nagdarasal at
nagdiriwang (renewed worship)
May maraming pamaraan ng pagdiriwang:
Ang bible-service sa mga chapels tuwing linggo para
sa buong komunidad (barangay o sitio)
Ang regular na misa (buwan-buwan)
Ang mass-sponsoring sa mga BEC sa parish church
tuwing Linggo.
4. Ang Sambayanang Naglilingkod
(mala-hari)
Ang mga BEC ay hindi lang hanggang dasal at
pagpapahayag ng salita nga Dios.
Ang BEC ay naglilingkod sa kapwa at nagsisikap
sa pagbago ng lipunan (renewed social
apostolate).
Sila ay kumikilos upang ang maghahari ang
kapayapaan, katarungan at kaginhawaan
Sila ay tumutugon sa mga problema na hinarap
sa lipunan –
ang kahirapan,
kagulohan,
ang pagkasira ng kapaligiran
kurapsyon (pangungurakot)
ang kultura nga kamatayan
Bilang tugon sa problema sa kahirapan:
IGP at livelihood program,
micro-finance (pondong pinoy),
Kooperatiba, job-placement, sustainable agriculture.
Sa larangan ng politika: tuwing eleksyon may mga
BEC nakisama sa PPCRV para voter’s education,
poll-watching
IRA watch - pagmonitor sa mga proyekto sa LGU sa
barangay para ma-iwasan ang corruption
May mga BEC nagtangol ng kalikasan (anti-logging, anti-mining,
anti-coal fired-powerplant)
Sa harap ng kagulohan at gyira sa kanayunan (mga BEC na
nagtayo ng Zones of Peace)
Ang mga BEC ay sumasali sa kilos-protesta at prayer-rally para
pagtanggol sa buhay (pro-life, anti-RH bill, anti-summary
execution, etc.)
5. Ang Sambayanan ng Maralita
Sa BEC ang mga kasapi ay may taimtim na pananalig
sa Dios – ang Dios lamang ang sinasamba – hindi
ang kayamanan o kapangyarihan
Ang mga kasapi ay simpli lang ang pamumuhay at
nagbabaginan sa kanilang ari-arian sa mga mahirap
at nanganga-ilangan
Ang mga hindi mahirap ay pumapanig sa mga
mahirap, nagmamahal sa mahirap, nakiki-isa sa
mahirap at tumutulong sa kanila
Ang mga mahirap ay nakikilahok sa misyon ng
Simbahan
Ang mga mahirap ay nagpapahayag ng Salita ng
Dios, masiglang nakikilahok sa mga liturhiya at
kumikilos para sa kaligtasan, kaginhawaan at
katarungan.
Sa madaling salita ito ang Pananaw
ng PCP II sa BEC:
Sila ay nagsumikap na mamumuhay bilang
mga komunidad o sambayanan ng mga alagad ni
Kristo
na nagkakaugnay at nagkakaisa at lumalahok sa
misyon ng panginoonsa pakikinig at pagpahayag ng salita ng Dios,
sa pagsasamba at pagdadasal
at sa paglilingkod sa kapwa – lalo na sa
nangangailangan at mahihirap.
Ang parokya ay nagiging ugnayan ng mga Munting
Sambayanang Kristiano.
Ang santa iglesia o simbahan ay nararanasan bilang
tunay na sambayanan.
Dito ang pananaw ng PCP II na nagbabagong
Simbahan ay naisasabuhay.
May iba’t ibang anyo ang BEC o MSK.



Nakasentro sa Kapilya – ang mga Katoliko sa barangay,
sitio o subdivision ay nagtitipon sa kapilya para sa
pagsasamba at pagpahayag sa salita ng Dios.
Mayroon ding mga malalaking komunidad na
pinaghatihati sa mas maliit na mga grupo o family
grouping o selda (8-15 pamilya na magkakapitbahay) na
nagtitipon sa mga bahay. Ang mga maliit na grupo o
selda ay nagkakaugnay at nagtitipon sa kapilya tuwing
may misa o asembliya.
Mayroon ding mga family grouping o selda na walang
kapilya at ang lahat na pagtitipon ay sa mga bahay-bahay.
Structure of Developed BEC
(barangay, sitio o subdivision level)
Council of Leaders
Worship
Education
Cell
Cell
Service Temporalities Youth
Cell
Cell
Cell
Ang Tungkulin ng Kura Paroko
at mga pari
Ang kura paroko at kasamang pari ay may pangunahingg
tungkulin sa pagpatatag at pamamahala ng mga BEC
sa parokya.
Nasa kamay ng kura paroko ang pagtupad sa pananaw
na ang parokya ang magiging ugnayan ng mga BEC.
Kung walang suporta sa kura paroko mahirapan ang
pagpalago ng BEC
Dapat tanggaping programa sa diocese ang pagtatag ng
BEC para ang lahat ng kura paroko at pari ay
obligadong susuporta sa pagtaguyod ng BEC
Ayon sa Vatican II at PCP II, ang pagiging pari ay
hindi lang pagmi-misa at pagbibigay ng mga
sakramento
Kasama ng tungkulin bilang pari ang pagiging
mabuting pastol at pinunong-lingkod ng
sambayanang Kristiano
Ang pagtatag ng BEC at ang pag-uugnay ng mga
BEC sa loob ng parokya ay pangunahing gawain ng
kura paroko at kapari-an.
Kasali ito sa gawaing pamamahala ng parokya upang
maging tunay na sambayan ng mga alagad.
Ayon sa PCP II, ang mga kapari-an ay pinunong
lingkod ng sambayanang Kristiano na
mala-pari (ang sambayanang na nanalangin)
mala-propeta (ang sambayanag nakikining at
nagpapahayag ng mabuting balita)
At mala-hari (ang sambayang naglilingkod)
PCP II decree 110: para sa mga pari
“Maglalabas ang CBCP ng isang opisyal na pahayag
tungkol sa mga BEC,
tungkol sa kanilang katuturan at gampaning
kinikilala ng Iglesia,
ginagawang maliwanag na hindi lamang sila isa
pang samahan.
Kabilang sa ibang mga bagay, ang pahayag na ito ng
CBCP ay para sa mga pari at seminarista.
Gagawing bahagi ng paghuhubog panseminaryong
pangsanay para sa pagtratrabaho sa mga BEC.”
Ano Tungkulin ng Bawat
karaniwang Katoliko/Kristiano?
Ang pagtatag ng BEC sa kanilang parokya, barangay,
subdivision, kapitbahay
Sa bawat parokya dapat may Parish Formation Team
na siyang aasahan ng kura paroko sa pagtagayod sa
ng BEC – sila ang nagiging sa misyonaryo sa loob
ng parokya.
Sa bawat barangay o subdivision dapat mayroong
core group o maliit na grupo na may tungkulin sa
pagsimula at pagtaguyod ng BEC – sa kanila
manggaling ang mga pinuno ng BEC.
Ang Kaugnayan ng BEC at LOMAs?
“Hindi nangangahulogang pinawawalang-bisa
ng mga BEC ang mga samahang ganito,
sapagkat karaniwang mas malawak ang sakop ng
paglilingkod nga mga BEC at nagmumula ang
pagigiging kasapi sa BEC sa buong parokya.
Datapwat hindi dapat mauwi sa pagiging
elitistang mga samahang relihiyosong ang
ganyang mga samahan.
Dapat silang magiging mga paaralan ng
pagkabanal, at umabot sa mga taong hindi
nahubog sa Iglesya at sa mga dukha.”
“Bagamat nararapat na magpatuloy silang
manatiling nakaugnay sa kanilang mga pambansa at
pansadaigdigang punong-organisasyon,
dapat mahikayat ang kanilang mga kasaping
makisangkot sa mga BEC,
at ang kanilang gawaing pamparokya
ay dapat nakaayon at bunga ng pakikipag-ugnayan
sa pastoral na priyoridad
ang mga programa ng kanilang mga parokya.”
(no. 608-609)




Ang mga LOMAs ay may mga gawain at katangiang
parang BEC – pero hindi sila BEC. May sariling
layunin at structure (trans-parochial).
Ang BEC ay hindi organization o renewal
movement gaya ng LOMAs
Basic Community - maliit na komunidad o
sambayanan na ang kasapi ay magkalapit ang tirahan
– mga ka-barangay at kapitbahay.
Ecclesial – Ang BEC ay Simbahan mismo – na
maranasan sa barangay at kapitbahayan. Bahagi ng
parokya at nasa-ilalim ng autoridad ng kura paroko
at parish council.
Ayon sa PCP II, ang mga kasapi ng LOMAs ay
dapat makipag-ugnay at maki-isa sa kanilang
kapitbahay sa loob ng BEC
Kailangan ang kanilang masigasig na pakikilahok
sa pagtatag ng BEC.
May mga kasapi ng LOMAs na naging kabilang sa
parish formation team na tumutulong sa kura
paroko sa pagtatag ng BEC sa parokya
Ang iba nagigiging mga pinuno sa kanilang sariling
BEC.
Kultura ng BEC
Paraan ng Pamumuhay bilang Kristianos


Isa sa pangunahing gawain sa pag-organisa ng BEC
ay ang pagsisikap na ito ay magiging bahagi ng buhay
ng mga kasapi – o magiging pamaraan ng buhay
bilang mga Kristianos ug taga-sunod ni Kristo.
Ibig sabihin – ang BEC ay hindi lang isang gawain –
hindi lang ito pagpabahagi ng salita ng Dios ug
pagdarasal - kundi magiging isang kultura – isang
pananaw, pamumuhay, at pakipag-ugnay.




Ang bawat lipunan at organisasyon ay may
kultura.
Gayun din ang BEC ay may pamayanang
kultura.
Ang kultura ng BEC ay siyang magbigay ng
gabay kung ano ang inaasahan ng bawat kasapi.
Ang kultura ng BEC ay may pitong haligi. Ang
bawat haligi ay kailangan tanggapin at gampanin
ng bawat kasapi.
1. Panibagong buhay




Iiwanan ang kadiliman ng pagiging makasalanan at
makasarili.
Magbalik loob sa Dios, tanggapin si Kristo bilang
panginoon at tagapagligtas, mamumuhay sa Espirito.
Mamumuhay sa liwanag.
Ang asal ni Kristo ang ipairal – ang pagiging makaDios, mapagmahal, maawain, mapaglingkod,
makatotohanan. Iniiwasan o itinatakwil ang mali,
ginagawa ang tama.
Ang desisyon na mamumahay na totoong Kristiano
at alagad ni Jesus at tutupad sa misyon na ibinahagi
ni Kristo.
2. Pakikipag-ugnay at pakikipagka-isa



Ang bawat kasapi ay itinituring na kapatid at
kaibigan sa pananampalataya. May pagmamahal at
pagmalasakit sa isa’t-isa. Nagsusuporta sa isa’t –isa.
Nagbabaginan ng panahon, kakayahan at ari-arian.
Bahagi ang isa’t-isa sa isang Katawan – ang katawan
ni Kristo.
Ang bawat pamilya ay bahagi ng kapitbahayan o
selda, ang bawat selda ay bahagi ng BEC, ang bawat
BEC ay bahagi ng distrito o parokya pinanilbihan ng
kura paroka, na bahagi ng Diocese na pinanilbiha ng
Obispo, na bahagi ng daigdigang Simbahan na
pinanilbihan ng Santo Papa.
3. Salita ng Dios


Ang Salita ng Dios ay pinapakinggan, pinapahayag
at isinasabuhay. Ang magkapitbahay at buong
komunidad o pamayanan ay nag-bibigay ng
panahon para sa pakikinig, pagninilay-nilay at
pakikibahagi ng salita ng Dios.
Ang Salita ng Dios na itinituro ng Santa Iglesya ay
siyang gabay sa pamumuhay dito sa mundo.
Itinituro ang doktrina o aral ukol sa Dios na
mapagmahal, kay Kristo na tagapagligtas, sa Espirito
Santo, sa Simbahan, sa Kaharian ng Dios.


Pinapahayag ang aral ukol sa kahalagahan ng
buhay at pamilya, pagmamahal sa kapwa, sa
katarungan, kapayapaan, kaligtasan, at iba pa.
Binabatikos at itinatakwil ang mali at
makasalanang gawain – ang kultura nga
kamatayan, aborsyon, artipisyal na kontrasipyon,
ang pagpatay, pangungurakot, dahas, pagsisira
ng kalikasan, imoralidad at iba pa.
4. pagdarasal at pagdiriwang



Ang pagdarasal ay hindi lang kanya-kanya kundi
bilang komunidad.
May masigasig na partisipasyon sa mga liturhiya
lalo na sa Yukaristia o Misa.
Maski sa mga panahon na walang pari, patuloy
ang pagtitipon para sa pagsasamba at
pagdarasal.
5. Sama-samang pagkilos at pagsilbi



sa kapwa lalo na sa nanganga-ilangan.
Ang komunidad ay laging nagtitipon upang pagusapan ang mga problema na hinaharap.
Humahanap ng paraan upan matugonan ang
mga problema.
Kumikilos para sa kaunlaran, katarungan, at
kapayapaan – sa pagtuwid ng mali, sa pagtanggol
ng buhay at karapatang pangtao at ng kalikasan.
6. ang pagiging para sa mahirap


Ang pagmamahal sa mahirap, pagturing sa
mahirap na kasapi at kasama ng komunidad.
Ang mahirap ay tinutulongan at binibigyan ng
pagkataon na makibahagi sa misyon ni Kristo at
nga Simbahan.
7. Namumunong naninilbihan,
kasaping na masigasig na nakikilahok
Ang mga kasapi ay nakikilahok sa lahat na
gawain sa komunidad – lalo na sa mga desisyon
at pagtupad ng mga desisyon.
Iniiwasan ang mga diktador na sistema.
Ang mga pinuno ay hindi nag-isip sa kanilang
sarili na mas mataas kundi mga abang lingkod na
nakikinig sa kanilang mga miembro.




Kung ang kultura ng BEC ang mag-iiral sa mga
kasapi ng komunidad,
Kung ito ay mangyari, ang BEC ay tiyak na tuluyan
ang pag-unlad.
Hindi ito magiging ningas cogon lamang kundi
pangmatagalan.
at tunay na matupad ang pananaw ng Vatican II at
PCP II ng pinagbagong Simbahan
Ang BEC ang bagong anyo ng
Simbahan
Ang BEC ay itinuturing na bagong anyo ng
Simbahang Katoliko
Ang BEC ay ang Simbahan mismo na matagpuan
sa kapitbahayan, barangay o subdivision
Sa BEC ang Simbahan ay mararanasan na tunay na
komunidad o sambayanan ng mga alagad –
nagkakaisa at lumalahok sa misyon ni Kristo
bilang sambayanang mala-pari, mala-propeta,
mala-hari – ang Iglesya ng maralita
Ang pagbabago nga Simbahan na siyang hangarin
ng Vatican II at PCP II ay nakasalalay sa
pagpalago ng BEC sa mga diocese at lahat ng
dako sa bawat parokya.
Kaya sinabi ni John Paul II na ang BEC ay ang
tanda na ang Simbahan ay buhay na buhay at ito
ang nagiging pag-asa sa bagong sibilisasyon ng
pag-ibig.
The BECs are signs of
vitality in the Church
…
a cause of great hope
for the Church,
and a solid starting
point for a new society
based on a civilization
of love.
77
Fr. Amado L. Picardal, CSsR
Executive Secretary
CBCP-BEC Committee
www.cbcpbec.com