Transcript Pamahalaan - HEKASI 1-7
Kahulugan Uri Istruktura
Ang pamahalaan o gobyerno ay ang sistema ng pamamalakad ng isang bansa. Pangunahing tungkulin nito na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan, gabayan ang lahat ng mga gawain ng tao.
Mahahalagang tungkuling ginagampaan ng Pamahalaan:
Pangagalaga at pagpapanatili ng katatagan at katahimikan ng isang bansa
Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa
Pagpapabuti ng panlipunang kalagayan ng mamamayan
“Natatanto ng lahat na ang pamahalaan bilang isang makataong institusyon ay kailangan ang suporta ng lahat ng mga tao; kailangan nitong makita at maramdaman ang katotohanan ng lahat ng bagay”.
“Kabutihan ang mithiin ng lahat ng asosasyon, at ang pinaka makapangyarihan sa lahat ng asosasyon, pati na ang iba pa, ay magsusulong ng mithiin na ito at itutuon sa kapakanan ng nakararami. Ang asosasyong pulitikal ang pinakamakapangyarihan at pinakamalawak. ”.
“Nakasalalay sa mga tao ang paggalaw ng pamahalaan. Nakasalalay sa pansariling katangian ng namumuno ang pagkalap ng mga nararapat na tauhan. Sa pansariling katangian. Ang namumuno ay dapat gumagamit ng batas moral. Malilinang ang batas moral kung ang pinuno ay may prinsipyo ng tunay na pagkatao”.
Mga Uri ng Pamahalaan
Ayon sa lawak ng Kapangyarihan
Ayon sa Ugnayan ng mga Sangay
Ayon sa bilang ng may Hawak ng Kapangyarihang Mamuno
Ayon sa lawak ng Kapangyarihan
Unitaryo
Pamahalaang Sentral ang mga batas na nagmumula sa Pamahalaang Pambansa ay siya ring ipinatutupad ng Pamahalaang Lokal Halimbawa nito ay ang Pilipinas
Ayon sa lawak ng Kapangyarihan
Pederal
May paghahati ng kapangyarihan ang lokal at sentral na pamahalaan.
Halimbawa nito ay ang Federal Government ng America kung saan may mga batas na ipinatutupad sa isang estado o state na maaaring hindi ipinatutupad sa ibang state.
Ayon sa Ugnayan ng mga Sangay
Parlamentarya
“Gabineteng Pamahalaan” Pinamumunuan ng punong ministro o prime minister sa tulong ng mga gabinete na kanyang hinirang. Ang kapangyarihan ay nahahati sa dalawang sangay. (1) Pinagsanib na ehekutibo at (2)hudisyal. Halimbawa ng mga bansang ganito ay Germany, India, Singapore, Italy at iba pa.
Ayon sa Ugnayan ng mga Sangay
Presidensyal
Nahahati sa tatlong sangay ang pamahalaan: Lehislatibo o tagagawa ng batas; Ehekutibo o tagapagpatupad ng batas; at Hudisyal o siyang tagapagbigay ng hatol sa mga lumalabag sa batas. Halimbawa ng mga bansang may ganitong uri ng pamahalaan ay ang Pilipinas, United States, Pakistan, France, at iba pa.
Ayon sa bilang ng may Hawak ng Kapangyarihang Mamuno
Pamahalaang nasa iisang tao ang kapangyarihan
Pamahalaang nasa iilangtao ang kapangyarihan
Pamahalaang nasa nakararami ang kapangyarihan
Pamahalaang nasa iisang tao ang kapangyarihan Monarkiya
a. Ganap na Monarkiya –Hari, Reyna o Emperador. Hal. Brunei darusallem, Saudi Arabia, Qatar at iba pa.
b. Limitadong Monarkiya / Monarkiyang Konstitusyunal – Halimbawa nito ang mga bansang United Kingdom, Japan, Belgium. Spain, Malaysia, at iba pa.
Tyranny – Pinamumunuan ng isang sakim o makasariling lider
Pamahalaang nasa iilang tao ang kapangyarihan
Aristokrasya – Pinamumunuan ng maharlika, pili na nabibilang sa mataas na uri ng lipunan.
Oligarkiya – Pinamumunuan ng maimpluwensya o nangingibabaw na angkan.
Plutokrasya – Pinamumunuan ng pinakamayayamang indibidwal.
Pamahalaang nasa nakararami ang kapangyarihan
Tuwirang Demokrasya – Tinatawag ding dalisay o purong demikrasya dahil dito ay direktang pinamamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili. B. Di-tuwirangDemokrasya /Representatibo o Republikanong Demikrasya
Mayroon bang perpektong uri ng pamahalaan? Kung meron ano ito? Kung wala, bakit? At paano makakamit ng bansa ang kaunlaran?