Transcript Filipino

Filipino
Pagsulat sa buod ng kwento
gamit ang angkop na bantas
para sa iba’t ibang uri ng
pangungusap.
Mahilig si Ernesto sa pagbabasa. Ibaibang aklat ang kanyang binabasa. Pati
mga aklat tungkol sa pagtatanim at
pagluluto ay ay binibigyan din niya ng oras
para mabasa. Minsan ay nakita pa nga siya
ni Aling Ude na nagbabasa tungkol sa
paggawa ng iba’t ibang laruan gayong
takipsilim
na.
“Naku! Ang batang ito,” ang sabi ng
kanyang Lola, “huwag na huwag kang
magbabasa sa dilim. Mabilis manlalabo
ang
mga
mata
mo
niyan.
1. Ano ang hilig gawin ni
Ernesto?
2. Anong ugali ang
ipinakikita niya sa
talata?
3. Sa palagay nyo tama pa
ba ang ginagawa ni
Ernesto? Bakit?
4. Mahilig ba kayong
magbasa ng libro? Anuano ang mga ito?
TUNAY NA MAGKAIBIGAN
Masaya at palaging punung-puno ng buhay si Dodie. Ang
kanyang malusog at mabilog na pangangatawan ay hindi niya
ikinahihiya. Kayang-kaya niya ang umakyat sa mga puno,
maglambitin sa mga sanga nito at magpasirku-sirko sa lupa na
parang nasa isang karnabal. Kung siya ay kumilos ay talagang
mas mabilis pa kaysa sa mga batang may katawang patpatin.
Minsan ay inanyayahan si Dodie ng isang bagong kakilala
na pumasyal sa kanila. Tuwang-tuwa si Dodie. Umaga pa
lamang ay nagpaalam na siya sa kanyang Lola Sepa. Maaga rin
siyang naligo at naghanda sa pagsundo ni Chito. Si Chito ang
bago niyang kaibigan. Ipinakilala si Chito sa kanya ng kamagaral na si Susan noong nakaraang Linggo.
“Lola, pagdating dito ni Chito ay akin siyang ipakikilala sa
inyo. Makikita mo at magugustuhan mo rin siya.”
Maghapong naghintay si Dodie kay Chito pero hindi iyon
dumating. Ang kanyang pananabik sa kaibigan ay napalitan ng
pagkainip. Pilit niyang nilibang ang sarili habang naghihintay.
Nagbukas siya ng telebisyon, nakinig ng mga tugtugin sa
radyo at nagbasa-basa ng magasin sa kanilang balkonahe
habang uugoy-ugoy sa isang tumba-tumba
“Bakit hanggang ngayon ay wala pa ang iyong kaibigan?”
tanong ni Lola Sepa kay Dodie.
Isang marahang iling at pagkibit ng mga balikat ang
isinagot ni Dodie sa nuno. Ayaw niyang magsalita ng kahit ano
laban dito. Buo ang kanyang pagtitiwala kay Chito.
“Ang panloloko at pagsisinungaling ay hindi niya gagawin,”
sabi niya sa sarili.
Kinabukasan ay nagkita sila ni Susan. Halos mapaupo si
Dodie sa kinatatayuan nang marinig ang balita ni Susan. Si
Chito pala ay biglang nadala sa ospital. Nabagsakan ang mga
paa nito ng mga batong nagbuhat sa kanilang gumuhong pader.
Isinimento ng doktor ang dalawang paa at hindi pa
pinapayagang makakilos man lamang.
Ikinuwento ni Dodie sa kanyang lola ang nangyari sa
bagong kaibigan. Pati ang pagdalaw nila ni Susan at hindi
pagpapaalam sa nuno ay kanya na ring binaggit. Wala siyang
inilihim sa matandang nagpalaki sa kanya.
“Lola hindi po pala ako nagkamali ng pagkakilala sa aking
bagong kaibigan. Wala po siyang kasalanan sa hindi niya
pagdating dito kahapon, para ako ay sunduin.”
“Mabuti naman at naiintindihan mo ang lahat. Alam mo
bang ang pangyayaring tulad niyan ay isa lamang sa iba pang
mga pangyayaring susubok sa tibay ng inyong pagkakaibigan?
Kung kayo ay kapwa may tiwala sa isa’t isa, walang sinuman at
anumang bagay dito sa mundo ang makakasira sa inyong
magandang pagsasamahan.”
Nagbinata at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya sina
Dodie at Chito ay magkaibigan parin sila. Habang tumatagal ay
lalo pang nagkakalapit pati ang kanilang mga anak.
Ang malawak na karagatang naghihiwalay sa kanilang
mga lalawigang pinaninirahan ay hindi naging sagabal sa
madalas nilang pagsusulatan at pagtatawagan sa telepono.
Talagang sila ay tunay na magkaibigan.
Tandaan:
Sa
pagbubuod,
mahalagang kunin ang
pangunahing
diwa
ng
binasa
o
ang
pinakamahalagang
impormasyon at maibigay
ito sa maikling paraan
lamang.