Transcript Slide 1

I. Layunin
Pagkatapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Malaman ang layunin at ang dapat isaalang-alang.
b. Malaman ang bahagi ng talumpati.
c. Makabuo ng isang talumpati.
II. Paksang Aralin
Paksa : Pagtatalumpati
Sanggunian : Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Kagamitan : Libro at Manila Paper
III. Pamamaran
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban
4. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain

Pagganyak

Magtatanong ang guro kung sino na ba ang nakasubok
magtalumpati at kung saan ito ginanap.magsasalaysay siya ng
kahit kaunti lamang sa kanyang experience.
 Aralin
 Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa
Pagtatalumpati, ididikit na ang manila paper sa pisara.
 Bibigyang kahulugan na ng guro ang pagtatalumpati.
 Ilalathala na ng guro ang mga Layunin ng Pagtatalumpati
(tatawag siya ng mag-aaral na babasa sa nakasulat sa
manila paper),,magtatanong siya para makuha ang
atensyon ng mga mag-aaral.
 Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat isaalang –alang ng
nagtatalumpati:
1. May pananabik na magtalumpati
2. May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa
3. Kakayahang gumamit ng kawili-wili, malinaw at
madalingmaintindihan na salita
4.May mayamang talasalitaan
5.May kaganyak-ganyak na tinig
6.May sapat na kaalaman sa balarila
 Ibabahagi na ng guro ang mga bahagi ng talumpati:
1.Panimula
2.Katawan
3.Pamimitawan
4.Paglalahat
 Paglalahat
Ano ang pagtatalumpati?paano maisakatuparan ang isang
mahusay na talumpati?isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang
ng mananalumpati at ipaliwanag ang bawat isa.
C.Pangwakas na Gawain
 Paglalapat
 Pakinggan ang talumpating babasahin sa harapan at magtala ng
mga importanteng isinasaad dito.Subukang hanapin ang mga
alituntunin na tinalakay.
 Pamagat: “RTU sa patuloy na pag-abot sa Tugatog ng Tagumpay
IV. PAGTATAYA
Pumili at Sumulat ng isang talumpati hinggil sa mga paksang:
a. Kahalagahan ng Edukasyon
b. Ang Isang Mabuting Mag-aaral
c. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa
d. Ang Pangingibabaw ng katotohanan
V. TAKDANG-ARALIN
 Isaulo ang talumpating ginawa dahil bukas ay bibigkasin mo
ito sa klase.