panahon ng krus at espada

Download Report

Transcript panahon ng krus at espada

PANITIKAN SA
PANAHON NG
KASTILA
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
isinaalang-alang na unang pananakop ng
mga Kastila sa ating kapuluan ay ang
pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi
noong 1565 bilang kauna-unahang Kastilang
gobernador-heneral
nagpatuloy nang walang pagbabago
hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa
Kabite noong 1872
MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA
BUHAY NG MGA PILIPINO
** tinangkilik ang Katolisismo
** nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag
** nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay
** nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato
** magagandang kasangkapan tulad ng piyano,
muwebles at mga kagamitang pangkusina
** nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng
karwahe, tren at bapor
** natuto silang magdiwang ng mga
kapistahan bilang parangal sa mga santo
at Papa
** bilang libangan, nagkaroon ng mga
sabong, karera ng kabayo at teatro
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA
PANITIKANG FILIPINO
“Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang
abakadang Filipino na nahalinhan ng
alpabetong Romano
 pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na
kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon
 wikang Kastila na naging wika ng Pantikan
nang panahong yaon
 pagkakadala ng mga alamat ng Europa at
tradisyong Europeo rito na naging bahagi
ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido,
moro-moro at iba pa

MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA
PANITIKANG FILIPINO
 ang pagkakasinop at pagkakasalin ng
makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang
wikain
pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na
pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa
Tagalog, Ilokano at Bisaya
 pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng
mga lathalain ng mga panahong yaon
MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG
KASTILA
1. Doctrina Cristiana
 kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong
Hulyo 15, 1593 sa pamamagitan ng silograpiko
 Aklat ito nina Fray Juan de Placencia at Fray Domingo
Nieva
 Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila Naglalaman ito
ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo
 May 87 pahina lamang
MGA UNANG AKLAT SA PANAHON
NG KASTILA
2. Nuestra Senora del Rosario

ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda
ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602
nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto.
Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong
Intsik
naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga
santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG
KASTILA
3. Barlaan at Josaphat
ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas
 Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de
Borja
 Orihinal na nasa wikang Griyego
ipinalalagay itong kauna-unahang
nobelang nalimbag sa Pilipinas.
4. Pasyon
aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo
 binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng
apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang
bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga
nagsisulat
ang mga ito ay ang Version de Pilapil ( Padre Mariano
Pilapil); Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen);
Version dela Merced ( Aniceto dela Merced); at Version
de Guia (Luis de Guia)
Isinaalang-alang na pinakapopular ang Version de
Pilapil.
5. Urbana at Felisa
 aklat na sinulat ni Modesto de Castro,
ang tinaguriang “Ama ng Klasikong
Tuluyan sa Tagalog”
naglalaman ito ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana at Felisa
pawang nauukol sa kabutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki
ang nagawang impluwensya nito sa
kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
7. Si Tandang Basio Macunat
 ay isang nobelang isinulat ni Miguel Lucio y
Bustamante, isang Kastilang pari
 Isa itong halimbawa ng namamayaning
posisyon ng mga maykapangyarihan na ang
mga Pilipino ay hindi maaaring maging
aral.
Umabot sa rurok ang sitwasyong ito noong 1897 nang
sabihin ng mga pari na ipasara ang mga paaralan para
mapigilan ang nakaambang rebolusyon. Naipakita ito sa
nobelang Si Tandang Basio Macunat at binigyang-diing
manatili ang mga lokal sa kanilang mga lalawigan at
gawin ang kanilang mga gawain doon sa halip na
magtungo sa lungsod at magpatuloy ng mataas na pagaaral. Ang nobela, gaya ng ibang tulad nito, ay isinulat
sa pag-aasam na makontrol ang lumalagong ideyang
pulitikal, kultural at ekonomiko sa mga mamamayan.
Pinuna ang nobela ng iba't ibang henerasyon ng mga
Pilipinong manunulat gaya nina Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar, at Teodoro Agoncillo.
MGA AKDANG PANGWIKA
1. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala
- sinulat ni Padre Blancas de San Jose at
isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong
1610.
2. Compendio de la Lengua Tagala
- inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong
1703.
3.Vocabulario de la Lengua Tagala
- kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na
sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura
noong 1613.
4.Vocabulario de la Lengua Pampango
- unang aklat na pangwika sa Kapampangan
na sinulat ni Padre Diego Bergano noong
1732.
5.Vocabulario de la Lengua Bisaya
- pinakamahusay na aklat pangwika sa
Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong
1711.
6.Arte de la Lengua Bicolana
- unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni
Padre Marcos Lisboa noong 1754.
7.Arte de la Iloka
- kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat
ni Francisco Lopez.
MGA URI NG PANITIKAN
A. PASYON – inaawit tuwing Kwaresma,
hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni
Kristo.
B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang
matandang dulang Kastila na naglalarawan
ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga
Muslim noong unang panahon.
C. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak
kasabay nang pag-awit bilang handog sa
Birheng Maria.
D. DUNG-AW –binibigkas nang paawit ng
isang naulila sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa, magulang at anak.
E. KARAGATAN – isang larong may
paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung
sinong binata ang makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
F. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas ng
tula na isinasagawa bilang paglalamay sa
patay.
G. KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino
ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa
likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
H. SENAKULO – isang dulang nagsasalaysay
ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
I. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan
ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena
sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
J. SARSUWELA- isang komedya o
melodramang may kasamang awit at
tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol
sa mga masisidhing damdamin tulad ng
pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
K. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong
“corrido” na ang ibig sabihin ay
“kasalukuyang pangyayari” (current event).
Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na
walong (8) pantig at pumapaksa sa
katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
L. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na
labindalawang (12) pantig at may mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.
M. PARABULA – kwentong hango sa Banal na
Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa
matuwid na landas ng buhay.
N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang
nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng
mga kaisipan at damdamin ng bayan.
O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang
panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng
dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng
kaugalian ng isang lahi o katutubo.
Maghanda para sa pagsusulit!