Mga Bahagi ng Pahayagan

Download Report

Transcript Mga Bahagi ng Pahayagan

Mga Bahagi
ng Pahayagan
Isang gabi ay ginising si Adela ng
kanyang ina. Nang idilat ni Adela ang
kanyang mga mata ay biglang siyang
napasigaw. Nakita niya ang kanyang
ina na nanginginig ang buong katawan
satakot. Nasa likuran niya ang isang
lalaking hindi niya kilala. Kinuha niya
ang baso ng tubig sa mesa at mabilis
na ininom.
1. Sino ang mga tauhan ng talata?
2. Ano ang nakita ni Adela sa likod
ng kanyang ina?
3. Bakit kya natatakot ang knyang
ina? Ibigay ang iyong palagay.
mga bahagi ng pahayagan:
1. Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita
editoryal
2. Editoryal o Pangulong Tudling
3. Balitang Pandaigdig/Pambansa
4. Balitang Pampamayanan
5. Pitak Pantahanan
6. Balitang Panlipunan
7. Panlibangan
8. Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo
9. Anunsyo Klasipikado
10. Palakasan
Balita
Kuwento
o pagsasalaysay
ng isang katatapos
na pangyayari
Pangmukhang Balita o Pangunahing
Balita
Ito ay ang balitang nakaimprenta nang
malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag
pansin sa mga mambabasa. Ito ang bahaging
naglalaman ng pangunahing balita para sa araw
ng labas ng pahayagan
Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita
Editoryal
Ito ay mahalaga sa anumang pahayagan.
Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng
publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu.
Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng
kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay
nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang
pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal
ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira
kundi upang magkaroon ng pagbabago.
Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon
ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu.
Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang
kartung editoryal.
Editorial
cartoon
Naglalaman ang bahaging ito
ng mga balita mula sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
Naglalaman ito ng
mga balita tungkol sa mga
pangyayari o mga
proyekto sa iba’t ibang
dako ng bansa.
Nagtataglay ito ng mga resipe at iba
pang mga tulong sa pag-aayos ng tahanan o
paglutas ng mga suliraning pantahanan.
Nababasa dito ang tungkol sa
mahahalagang salu-salo na kinabibilangan
ng tanyag na mga mamamayan lalo na iyong
mga nabibilang sa mataas na lipunan.
Dito nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa
telebisyon, sinehan, at mga teatro at pitak artista.
Nababasa rito ang anunsyo ng
pagkamatay ng isang tao na ibig ipagbigayalam sa kanyang mga kamag-anak o mga
kaibigan.
Dito mababasa ang mga kalakal na
ipinagbibili, mga pinauupahan, talaan ng
mga espesyalista, o pagkakataon sa
pagtatrabaho.
Naglalaman ang bahaging ito ng mga
balitang may kinalaman sa larangan ng
palakasan maging sa loob o sa labas ng
bansa.
Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong
bahagi:
 a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu,
suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa
balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg.
 b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o
naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan.
Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong
sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor
tungkol sa isyu na pinaguusapan.
 c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang
tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng
awtor.
Opinyon
 Paglalahad ng
sariling saloobin
at paninindigan
tungkol sa isang
isyu
Lathalain (Feature Story)
 Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na naglalayong tumuon
sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay
maaaring nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay
hindi kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na
pangyayari lamang. Marahil ay pinakamalayang bahagi ng
pahayagan.
 Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan
o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi
ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism, reviews,
entertainment at culture pages ay nasa anyong lathalain.
1. Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari .
2. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para
sa araw ng labas ng pahayagan.
3. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot
tungkol
sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa
pahinang
kinasusulatan nito ang kartung
editoryal.
4. Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
5. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar,
kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay.
Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng
lifestyle, society, tourism,
1.
2.
3.
4.
5