Aspekto ng Pandiwa

Download Report

Transcript Aspekto ng Pandiwa

Mario, bakit napakarumi
ng silid mo?
Inay, nilinis ko na po iyan.
Kalilinis ko nga lang po
kaninang umaga.
Tuwing kailan mo ba
nililinis itong kwarto mo?
Nililinis ko po ito tuwing
ikalabinlima ng buwan.
Tuwing ikalabinlima ng buwan?! Aba’y
dapat linggo-linggo man lang ay
nililinis mo itong silid mo.
Opo, Inay. Lilinisin ko
na po ang silid ko.
nilinis
nililinis
LINIS
kalilinis
lilinisin
Aspekto ng Pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa ay
nagsasaad kung naganap na o
hindi pa ang kilos, kung
nasimulan na at kung natapos
nang ganapin, o ipagpapatuloy
pa ang pagganap.
Aspekto ng Pandiwa

Aspektong Pangnagdaan o
Perpektibo
- Aspektong Perpektibong Katatapos

Aspektong Pangkasalukuyan o
Imperpektibo

Aspektong Panghinaharap o
Kontemplatibo
Aspektong Pangnagdaan o
Perpektibo
-nagsasaad ng kilos na natapos na
•
•
•
•
Umiyak ang sanggol kagabi.
umiyak = um + iyak
Naglaba si nanay ng mga damit.
naglaba = nag + laba
Natulog kami nang maaga.
natulog = na + tulog
Tinanggal na niya ang mga gamit mo.
tinanggal = in + tanggal
Aspektong Pangnagdaan o
Perpektibo

Aspektong Perpektibong
Katatapos – nagsasaad na
maikling panahon pa lamang ang
nakalipas nang mangyari ang
pagkilos
Kagigising ko lamang nang dumating ang
mga bisita.
kagigising = ka + ulitin ang + gising
unang pantig
ng salitang-ugat
Aspektong Pangkasalukuyan
o Imperpektibo
-nagsasaad ng kilos na naumpisahan
ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa
tapos
•
Ang mga manika ay binibihisan ni Juliet.
binibihisan = in + ulitin ang + bihis
unang pantig
ng salitang-ugat
•
Naglalaro si Romeo ng basketbol tuwing
Sabado.
naglalaro = nag + ulitin ang + laro
unang pantig
ng salitang-ugat
Aspektong Panghinaharap o
Kontemplatibo
-nagsasaad ng kilos na hindi pa
nauumpisahan
•
•
Tatakbo si Lukas sa karera bukas.
tatakbo = ulitin ang + takbo
unang pantig
ng salitang-ugat
Magtatanim si Mang Teryo ng petsay sa
kanyang bakuran.
magtatanim = mag + ulitin ang + tanim
unang pantig
ng salitang-ugat