p3. - WordPress.com

Download Report

Transcript p3. - WordPress.com

PANDIWA

ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

Mga Halimbawa : 1. Tumakbo ng mabilis ang bata.

2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.

3. Tumalon ng mataas ang babae.

4. Nagdilig ng halaman si ate.

Tuon ng Pandiwa

 Tagaganap o aktor pandiwa.

- ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa Halimbawa : Nagpahatid ng pasasalamat si Elijah kay Daj dahil niligtas niya ang kanyang buhay.

 Layon o Gol -ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap.

Halimbawa : Ginawa ni Ernest ang espadang ito para sa ikaliligaya ni Ian.

 Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.

Halimbawa : Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

 Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa : Ipinaghanda ni Mig ng masarap na kakanin si Bianca.

 Gamit o Instrumental pangungusap.

- ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng Halimbawa : Nagluto si kenneth at siya ay nasarapan

 Sanhi o Kosatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

Halimbawa : Si lynegelle ay may ibang babae, ayan tuloy nasampal ni jhaz.

Relasyon ng Pandiwa sa Simuno

Aktor

- Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap Halimbawa : Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga.

Layon

- Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.

Halimbawa : Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan.

Ganapan

- Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.

Halimbawa : Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.

Tagatanggap

-Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.

Halimbawa : Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..

Gamit

ng kilos.

- Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa Halimbawa : Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.

Sanhi

- Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.

Halimbawa : Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

Aspekto ng Pandiwa

Perpektibo

- naganap- nagsasaad ng kilos na nasimulan na.

Hal: - napanood ko ang pagsayaw ni Anna kanina.

Aspektong Imperpektibo

- nagpapahayag ng kilos na kasalukuyang ginagawa Hal: - naliligo si Allan.

Aspektong kontemplatibo

- nagpapahayag ng kilos na gagawin pa lamang.

Hal: -maglilinis ng bahay si Susan.

Ebalwasyon

Panuto : Sagutan ang mga sumusunod.

salungguhitan ang pandiwang ginamit at tukuyin kung anong aspekto ang ginamit.

1.Nawalan ng pera si Clare kaninang umaga.

2.Naglilinis ng bakuran si Aling Nina.

3.Magpupunas ng bibtana si Mariel.

4.Magsusulat ng tula si Beth mamaya.

5.Kumakain ng ubas si Cora.

Ebalwasyon

II. Gumawa ng isang dialogo gamit ang tatlong (3) aspekto ng pandiwa.