filipino 1 ang pangungusap

Download Report

Transcript filipino 1 ang pangungusap

ANG PANGUNGUSAP
THE SENTENCE
FILIPINO 1
ANG PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salitang nagpapahayag ng buong diwa at
kaisipan. Ito ay nagsisimula sa
MALAKING TITIK at nagtatapos sa
bantas.
2 BAHAGI NG PANGUNGUSAP
2 PARTS OF A SENTENCE
Ang pangungusap ay may dalawang bahagi:
1. simuno o paksa (Subject) --bahaging
pinag-uusapan sa pangungusap.
Taga-Amerika si Grace.
*Ang simuno ay may “marker” na: Si/ Sina, Ang/ Ang
mga, at panghalip panao na: Ako, Ikaw, Siya, Tayo,
Kayo,etc.
2 bahagi ng pangungusap
2 PARTS OF A SENTENCE
2. Panaguri (Predicate) --bahaging
naglalaman ng sinasabi tungkol sa
simuno.
Halimbawa: Taga-Amerika si Grace.
2 URI NG PANGUNGUSAP AYON SA AYOS
SENTENCE TYPES ACCDG TO ORDER
1. KARANIWANG AYOS(Common/ Regular
order)
pangungusap na pinangungunahan ng
panaguri at sinusundan ng simuno.
Madalas natin itong ginagamit kapag
nakikipag-usap tayo sa ating kapwa.
Hal: Mag-ehersisyo tayo upang lumusog.
2 URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
AYOS
2. DI-KARANIWANG AYOS (Irregular
Order)
pangungusap na pinangungunahan ng
simuno at sinusundan ng panaguri. Ito ay
pinangungunahan ng panandang ay.
Hal: Tayo ay mag-ehersisyo upang
lumusog.
Mga uri ng Payak na Pangungusap
KINDS OF SIMPLE SENTENCES
A.NOMINAL- kapag pangngalan ang
panaguri. Ginagamit ito ng mga bagong
nag-aaral ng Filipino upang magbigay ng
impormasyon gaya ng nasyonalidad,
trabaho.
Hal. Negosyante ang tatay nina Beej at Miguel.
Koreana si Hae Min.
Mga uri ng Payak na Pangungusap
KINDS OF SIMPLE SENTENCES
B. ADJECTIVAL –kung pang-uri o
paglalarawan ang ginawang panaguri.
Hal: Masayahin si Daniel.
Makulay ang mga bulaklak.
C. VERBAL—kung pandiwa (verb) ang
nasa posisyon ng panaguri
Hal: Tumatakbo ang bata.
Kumain kami ng pancit.
**
Mga uri ng Payak na Pangungusap
KINDS OF SIMPLE SENTENCES
 D. EXISTENTIAL—kung may salitang MAY,
MAYROON, WALA na nasa posisyon ng
panaguri.
Hal: May assembly tayo tuwing Miyerkoles.
Mayroong bisita si Zabrina.
 E. PREPOSITIONAL- gamit ang SA at NASA
upang ituro ang kinalalagyan ng mga bagay.
Hal: Nasa bahay si Lucas.
Sa bahay ni Klaire ang party.
SOURCES:
 http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Grammar%20Activities/Gramma
r%201/Sentences1/Simple%20sentence-fs.htm
 http://tl.wikipedia.org/wiki/Pangungusap
 http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Grammar%20Activities/Gramma
r%20Default%20Files/DefaultTagalogGrammar.htm