Transcript Slide 1
Basahin ang talahanayan sa ibaba na nagtataglay ng salita o lipon ng mga salita. Suriin ang pagkakaiba ng bawat hanay. ang ama ng mga bata Ang ama ng mga bata ay nagtatrabaho sa ibang bansa. sa kontinenteng Aprika Ang Nigeria ay matatagpuan sa kontinenteng Aprika. ang bilog na globo Gamitin natin ang bilog na globo upang makita ang kinalalagyan ng iba’t ibang kontinente. Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat at talakayin ang kanilang mga sagot. Tumawag ng piling mag-aaral mula sa bawat pangkat para ibahagi sa klase ang kanilang sagot. Ano ang isinasaad ng mga lipon ng salita sa unang hanay? Sa ikalawang hanay? Parirala- lipon ng salita na walang buong diwa. Halimbawa: ang isang mabuting ama Pangungusap- salita o lipon ng salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa wastong bantas. Halimbawa: Ang mabuting ama ay nagtatrabaho para sa pamilya. Pangkatang gawain: Pumunta sa pangkat. Gamit ang Microsoft Word, magtala ng mga halimbawang parirala at pangungusap mula sa mga larawan. Paglalahat: Bakit mahalagang matutunan ninyo ang tungkol sa mga parirala at pangungusap? Ano ang maitutulong nito sa inyo? Takdang Aralin: Sumulat sa kuwaderno ng limang parirala at limang pangungusap tungkol sa iyong pamilya.