Pokus ng Pandiwa Presentation

Download Report

Transcript Pokus ng Pandiwa Presentation

Pokus ng
Pandiwa
Kahulugan
Ito ang tawag sa
relasyon ng pandiwa
sa simuno o paksa ng
pangungusap.
Pokus ng Pandiwa
 Tagaganap
 Layon
 Ganapan
 Tagatanggap
 Gamit
 Sanhi
 Direksyonal
 Resiprokal
Pokus sa Tagaganap (aktor)
 ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
Lumikas ang mga nasalanta ng bagyo.
Iba pang halimbawa
 Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.
 Umawit ng Lupang Hinirang ang Sunis.
Pokus sa Layon (gol)
 ang layon o object ang paksa ng pangungusap
Halimbawa:
Ginagawa niya ang kanyang takdang-aralin.
Iba pang halimbawa
 Ido-donate ko ang aking ipon.
 Inilabas na ang bagong Iphone.
Pokus sa Tagatanggap
(benepaktib)
 tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta
ng kilos na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
Ipaglalaba ko ang aking nanay.
Iba pang halimbawa
 Ipagluluto niya ng karekare ang mga panauhin.
 Ipaghahanda ko ng party ang aking kaibigan.
Pokus sa kagamitan
(instrumental)
 ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa
pagganap ng kilos
Halimbawa
Ipansusulat ko ang bolpen na bigay sa akin.
Iba pang halimbawa
 Ipambibili ko ng damit ang sweldo ko.
Pokus sa sanhi
 ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa
Halimbawa
Ikauunlad ng bayan ang kasipagan ng mamamayan.
Iba pang halimbawa
 Ipinagkasakit niya ang labis na pag-inom ng
softdrinks.
Pokus sa Resiprokal
 Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may
kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang
kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga
tagaganap. Samakatwid, laging dalawang indibidwal
o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa.
Halimbawa
 Nagsulatan si Florante at Laura.
 Nagtulungan ang mga magkakapitbahay.
Pokus sa Ganapan
(lokatib)
 ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na
pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos
Halimbawa
Pinaglanguyan ko ang batis na malapit sa amin.
Iba pang halimbawa
 Pinintahan niya ang pader.
Pokus sa Direksyunal
 pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o
tinutungo ng kilos
Halimbawa
Pupuntahan natin ang bagyo.
 Papasyalan niyo ang aming tahanan.
Sanggunian
 http://www.germanlipa.de/text/aganan.htm
 Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago
at Norma tiangco