PAGKAKAKULONG NI RIZAL
Download
Report
Transcript PAGKAKAKULONG NI RIZAL
Jose Rizal
Kamatayan
Group 4
De Luna, Gomez, D., Musngi, Ramirez, Sundiang,
Tan-Palanca, Torres, Villa
LAYUNIN
Sa katapusan ng pag-uulat, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1.) Matukoy ang mga mahahalagang kaalaman
at pangyayari ukol sa kamatayan ni Jose Rizal
at;
2.) Mabigyang halaga ang paghihirap at
pagkamatay ng ating Pambansang Bayani para
sa ating bayan.
PAGKAKAKULONG NI RIZAL
• DAPITAN
- Noong Hulyo 7, 1892, ipinaaresto at
ipinatapon sa Dapitan si Rizal ni GobernadorHeneral Despujol dahil sa pagsulat ng mga
libro at artikulo laban sa Espanya at
Simbahang Katolika.
- Sa Dapitan, si Rizal ay nanggamot ng mga
may sakit at hinumok na magtayo sila ng
paaralan.
Sigaw sa Pugad Lawin
(Agosto 26, 1896)
• Inutos ni Andres
Bonifacio na punitin ng
mga Pilipino ang kanilang
sedula upang ipakita ang
pagsuway nila sa mga
Kastila. Ito ay ang simula
ng Rebolusyong Pilipino.
• Nakita ng mga Kastila na
may ugnay si Rizal sa
pangyayaring ito at
kinulong siya.
PAGKAKAKULONG NI RIZAL
(Nobyembre 3, 1896 - Disyembre 30, 1896)
Fort Santiago
• Nobyembre 3, 1896 – Inilipat si Rizal sa Fort
Santiago
• Nagkaroon ng “mock trial” ang mga Kastila at
si Rizal ay inakusahan ng paghihimagsik,
sedisyon, at pagbubuo ng illegal na
samahan.
PAGKAKAKULONG NI RIZAL
• HUKUMANG MILITAR
- Disyembre 26, 1896 ; Cuartel de Espana
- Abogado ni Rizal: Tinyente Luis Taviel
Andrande
- Akusado: Dr. Jose Rizal
- Huwes Tagapagtanggol: Kapt. Rafael Dominguez
- Tagapag-usig: Ten. Enrique de Alcocer
• Disyembre 2, 1896
- Nilagdaan ni Gobernador-Heneral Camilo
Polaviejo ang utos sa pagpatay ni Rizal.
ANG MGA HULING ORAS
* Disyembre 29, 1896; Fort Santiago
• Ika-6 ng umaga
- Dumating si Kapitan Rafael Dominguez upang
basahin ang kautusan ukol sa kamatayan ni
Rizal.
• Ika-9 ng umaga
- Kinumpirma ni Rizal na tama si Padre Federico
Faura nang siya’y dumating, na mapupugutan
siya ng ulo dahil sa Noli Me Tangere.
ANG MGA HULING ORAS
* Disyembre 29, 1896; Fort Santiago
• Ika-10 ng umaga
- Binisita siya ni Padre Jose Villaclara,
ang kanyang guro sa Ateneo at si
Vicente Balguer, isang misyonaryong
Heswita sa Dapitan
• Ika-12 hanggang ika-3 ng hapon
- Sa panahong ito, sinulat ni Rizal ang
tanyag ng tulang “Mi Ultimo Adios,”na
nagtatala ng kanyang pagmamahal sa
kanyang bayan at kababayan.
- Itinago niya ito sa lutuang alkohol
ANG MGA HULING ORAS
* Disyembre 29, 1896; Fort Santiago
• Sumulat si Jose Rizal ng mga liham para kay Ferdinand
Blumetritt, isa niyang matalik ng kaibigan at kay Paciano,
kanyang kapatid.
• Sa liham niya para kay Blumentritt, nagpaalam siya sapagkat
siya ay babarilin at mamamatay nang may malinaw ng budhi
• Para kay Paciano, siya rin ay nagpaalam at ibinilin sa kanya
ng sabihin sa kanilang ama na inalala niya siya at ang
pagmamahal
• Ipinag-alam din ni Rizal sa sulat para kina Paciano at
Blumentritt na wala siyang kinalaman sa krimen ng
rebelyon.
ANG MGA HULING ORAS
* Disyembre 29, 1896; Fort Santiago
•Ika-4 ng hapon
- Dumating ang kanyang ina at si Trinidad.
- Ibinigay ni Rizal kay Trinidad ang lutuang alkohol
habang ibinulong sa kanya, “May laman sa loob.”
• Ika-8 ng gabi
- Sa harap ni Kapitan
Dominguez, pinatawad
niya ang mga nagkasala
sa kanya pati na rin ang
kanyang mga kaaway.
ANG MGA HULING ORAS
* Disyembre 30, 1896; Fort Santiago
• Ika-3 ng umaga
- Si Rizal ay nagmisa at nangumpisal
• Ika- 5 ng umaga
- Sumulat siya ng liham para sa kanyang pamilya
• Ika-5:30 ng umaga
- dumating ang kanyang asawa, si Josephine Bracken kasama
si Josefa.
- Ibinigay niya kay Josephine ang libro ni Kempis, “Imitacion de
Cristo.” Nilagdaan ni Rizal ito ng: “Sa aking mahal at
nalulungkot na asawa, Josephine.”
• Ika-6 ng umaga
- Isinulat niya ang pinakahuling liham para sa kanyang ama
at ina upang makahingi ng tawad sa kanila.
KAMATAYAN
* Disyembre 30, 1896; Fort Santiago
• Ika-6:30 ng umaga
-Naghanda nang umalis si Rizal kasama ang kanyang apat na bantay
patungong Bagumbayan.
- Siya ay nasa pagitan nina Tinyente Luis Taviel Andrande, Padre Villaclara
at Padre March.
- Siya ay nakasuot ng itim na kurbata, itim na sombrero, itim sa sapatos, at
puting tsaleko (vest).
• BAGUMBAYAN
- Nagpaalam si Rizal sa mga mananaggol at pari.
- Itinanggi ng kapitang Kastila ang kanyang hiling na barilin siyang
nakaharap, ngunit pinagbigyan ang kanyang hiling na barilin siya sa puso sa
halip na sa ulo.
- kinuha ni Dr. Felipe Ruiz Castillo ang pulso ni Rizal at sinabing ito ay
normal parang hindi mamamatay.
KAMATAYAN
* Disyembre 30, 1896; Bagumbayan
• Ika-7 hanggang 7:03 ng umaga
- Tinalikuran niya ang mga kastila at humarap siya sa
karagatan.
- Ang kapitan ay sumigaw ng “Preparen!” upang
maghanda na ang mga sundalo. Sumunod ang
“Apunten!” para ihanda ang mga baril. Ang panghuling
isinigaw ng kapitan ay “Fuego!” upang barilin na si
Rizal
- Ang huling salita ni Rizal : “Consummatum Est!”
- Nang ibaril siya, pinilit niyang ipakanan ang kanyang
katawan upang nakaharap siya sa sumisikat na araw.
- Sa kanyang kamatayan, sumigaw ang mga Kastila
nang, “Viva España!”
Libingan sa Paco
• May isang oras nang nakalipas nang ilipat ang
bangkay ni Rizal mula sa Ospital ng San Juan de
Dios patungo sa sementeryo ng Paco. Ang
bangkay ay nasa karaniwang kabaong.
• Pamilya at malapit na kaibigan lamang ay
maaaring lumapit sa paglilibingan.
• Sa puntod nito nakasulat ang (RPJ) ang unang
titik ng pangalan ni Rizal, Jose Protacio Rizal,
ngunit nakabaliktad, upang hindi kunin ng mga
Pilipino at gawing propaganda.
Puntod ni Rizal
• http://www.wattpad.com/7189664-angpaglilitis-kay-rizal#!p=1
• http://www.joserizal.com/talambuhay-ni-drjose-rizal
• http://ourhappyschool.com/history/deathjose-rizal-ambeth-ocampo%E2%80%99sversion