Genoveva Edroza Matute

Download Report

Transcript Genoveva Edroza Matute

GENOVEVA
EDROZA
MATUTE
BUOD NG KANYANG TALAMBUHAY
 Siya ay isang bantag na kwentistang Pilipino.
 Isa rin siyang guro,nagturo ng asignaturang Filipino at





pang edukasyon at may akda ng aklat sa Balarilang Tagalog
Siya ay pinanganak noong Enero 3,1915
Lumaki sa Tayuman-Oroquieta malapit sa karerahan ng
mga kabayo sa San Lazaro.
Ang kayang Ama ay si Anastacio B. Edroza
Ang kanyang ina ay si Magdalena K. Dizon
Siyam na kapatid ang namatay at karamihan ay wala pang
isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit
 Ang kanyang asawa ay si Epifanio G. Matute
 Ang mga katangian ni Aling Bebang ay
mapagmahal,masipag,matalino at matulungin
 Naging mahusay na guro sa loob ng 46 taon na
kanyang pagtuturo sa elementarya, sekundarya at
kolehiyo
 Nagretiro bilang Dekada ng pagtuturo sa dalubhasang
normal sa Pilipinas noong 1980.
 Namatay siya noong Marso 21,2009 sa edad na 94.
ANG KANYANG MGA KARANGALAN
 Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas ng Gawad CCP para sa sining(Panitikan)
noog 1992.
 Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca
Award,tulad ng kilalang kuwento ni mabuti,na nanalo
ng kauna-unahang Gawad Palanca Award para sa
maikling kuwento sa Filipino.Maging ang Paglalayag
sa puso ng isang Bata noong 1955 at ang Parusa noong
1961
KATANGIANG NIYA SA PAGSULAT
NG MAIKLING KUWENTO
 Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento
ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang magtutuon siya sa isa o
dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at
gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa
kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na
anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay
pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang
mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng
mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang,
palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan
ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang
epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng
manunulat sa kaniyang pinapaksa.
Angpalaka
mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang
guro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal
noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa
saya (baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang
siling labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay
dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.”
Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking the
dialect na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi
lahat ng wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili
hanggang maging malaya na ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin—upang
matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto ng Ingles—subalit masama
ang naging epekto sa damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Sa isang kuwentong pinamagatang “Lola,” inilahad ni Aling Bebang ang isang
pangyayari sa pananaw ng isang inang dukha na may sandosenang anak.
Nakatagpo ng babae sa ospital ang isang matandang mayaman, na sa unang
malas ay pasyente ngunit ang totoo pala’y doon lamang tumitira sa ospital kahit
walang sakit yamang walang nag-aalaga sa kaniyang kaanak. Inalok ng matanda
ang babae na ampunin na lamang niya ang isang anak, at tutumbasan niya ng
salapi iyon para sa ikaaangat ng buhay ng pamilya ng babae. Sa dulo ng
kuwento, lumayo ang babae at humabol naman ang matanda. Walang sinabi
ang babae ngunit nakintal sa kaniyang gunita ang matandang bihis na bihis at
nahihiyasan, iniaabot ang supot ng pasalubong, at ang kanang kamay ay
nakalahad
na
umaabot
sa
patalilis
na
kausap.
Ipinamalas lamang ni Genoveva Edroza Matute na kahit sa kuwento ay hindi
dapat sabihin ang lahat, at mabisa ang pahiwatig ng mga larawan o tagpo. At
kahit sa tunay na buhay, may mga bagay na mabuting ilihim, kahit ang tapat na
pagtulong
at
pagmamahal
sa
kapuwa
at
kababayan.
THANK
YOU