Presentation-FILIPINO

Download Report

Transcript Presentation-FILIPINO

Jesse Robredo

Bakit siya sumikat? Dahil sa ipinamalas niyang mabuting pamumuno sa ating gobyerno. Siya din ang dating kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan (Department of Interior and Local Government o DILG) mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan noong Agosto 18, 2012 at dati rin siyang nagsilbi bilang punong lungsod ng Naga, Bikol. Siya rin ang kauna-unahang Pilipinong punung-lungsod na nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Paglilingkod sa Gobyerno noong 2000.

Ano ang kwento sa likod ng kanyang kasikatan?

Ipinanganak si Jesse Manalastas Robredo noong 27 Mayo 1958 sa Lungsod ng Naga. Pangatlo siya sa limang magkakapatid na dalawang lalaki at tatlong babae, nina Jose Chan Robredo Sr. at Marcelina Manalastas. Purong Intsik si Lim Pay Co, ang lolo sa ama ni Robredo na dumating sa Pilipinas noong pagpasok ng ika-dalawampung siglo.

Nag-aral si Robredo sa Naga Parochial School, isang pribadong Katolikong eskwalahan, kung saan nagsimulang mahasa ang kanyang talento at paglalaro ng ahedres.

Nagtapos si Jesse sa kanyang kursong Industrial Management Engineering and Mechanical Engineering sa De La Salle University. Napili siya bilang Edward Mason Fellow at kumuha ng Masters Degree in Public Administration sa John F. Kennedy School of Government, Harvard University sa Cambridge, Massachussets noong 1999. Taong 1985 nang matapos niya ang kanyang Masters Degree in Business Administration sa Unibersidad ng Pilipinas bilang iskolar, at ginawaran ng Graduate School and Faculty Organization para sa ipinamalas na husay sa pag-aaral. Siya ay ikinasal sa abogado na si Maria Leonor Gerona Robredo. At may tatlong anak na babae na sina Jessica Marie (Aika), Janine Patricia (Tricia), at Jillian Teresa (Jill). Ngunit siya ay pumanaw noong Agosto 18, 2012 (aged 54) sa Masbate City, dahil sa PLANE CRASH

Joker Arroyo

Bakit siya sumikat?

Si Joker Paz Arroyo ay isang senador ng Pilipinas at dating naging kongresista ng Makati. Naging tagapag-usig (prosecutor)siya noong "impeachment trial" ng dating Pangulong Joseph Estrada nang taong 2000.

Ano ang kwento sa likod ng kanyang kasikatan?

Si Joker ay ipinanganak noong January 5, 1927 sa Naga, Camarines Sur ngunit siya ay nakatira kasama ang kanyang kapatid na si Nonito sa Baao, Camarines Sur. Ang pangalan niyang “Joker” ay nanggaling sa pagkahilig ng kanyang ama sa paglalaro ng baraha. At Jack naman para sa kanyang kapatid. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Naga Elementary School at nag-highschool sa Camarines Sur High School sa Naga. Siya ay nagkamit ng scholarship sa Unibersidad ng Pilipinas at nakuha ang pamagat na Bachelor of Arts noong 1952 at Bachelor of Laws sa College Law.

Si Joker ay nagsimula ng kanyang career bilang Lawyer noong 1953. Ang mga una niyang kliyente ay nabibilang sa mga middle class na pamilya at sa mga mahihirap na pamilya.

Kinilala sa larangan ng karapatang pangtao si Arroyo at nagsimulang umukit ng karera sa pulitika ng Pilipinas noong dekada 1970s.

Bilang isa sa mga kritiko ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, naging pangunahing tauhan si Arroyo sa mga pagkwestiyon sa konstitusyunalidad ng Batas Militar at sa mga hakbanging pulitikal ng Regimeng Marcos laban sa mga kritiko nito. Nagsilbi si Arroyo bilang Punong Gabinete sa pamahalaan ni Corazon Aquino mula 1986-1992. Nahalal siya bilang Representante ng Lungsod ng Makati bago naging Senador.

Enchong Dee

Bakit siya Sumikat?

Siya ay isang sikat na Aktor na Filipino, modelo at kampeon na swimmer. Bilang isang atleta siya rin ay nagkamit ng halos 400 na medalya sa isport na paglalangoy. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa estasyon ng ABS-CBN.

Ano ang kwento sa likod ng kanyang kasikatan?

Si Ernest Lorenzo Velasquez-Dee Known as ''Enchong Dee’ ay ipinanganak sa Naga, City, Camarines Sur noong Nobyembre 5, 1989. Mayroon siyang dalawang kapatid na sina Angel James Dee at si Isiah Dee at isa pang naka-babatang kapatid. Nang siya ay nagtapos sa Naga Hope Christian School, siya ay nag-pursigeng mag-aral ng pag-langoy sa De La Salle University-Manila. Siya din ay naging parte ng Philippine national swimming team at sumali din siya sa SEA Games at 2006 Asian Games.