Ang Konsepto ng Elasticity

Download Report

Transcript Ang Konsepto ng Elasticity

I. Ang Konsepto ng Elasticity
Elasticity
• Physics – tumutukoy ito sa reaksyon ng isang
bagay sa nailapat na puwersa.
• Ekonomiks – ang reaksyon ng piling mga
variable na ekonomiko sa mga impluwensya
ng ilang kaganapan sa ekonomiya.
Elasticity ng Demand
• Sir Alfred Marshall
Price elasticity ng demand
• Ang impluwensya ng pagbabago ng presyo sa
demand.
• Tuon ng araling ito ang price elasticity ng
demand (ED)sa tapos na produkto.
Pormula sa price elasticity ng demand
%∆Q
D
│ED│ =
%∆P
Palatandaan
• ED>1 = Elastic
– Marami ang substitute ng isang produkto o
serbisyo
– Marami ang gamit ng isang produkto
– Malaki ang proporsyon sa badyet ng gastusin sa
produkto
– Luxury item o luho
• ED<1 = Inelastic
– Kawalan ng o kakaunti ang mga substitute ng isang
produkto
– Limitado ang gamit ng isang produkto
– Maliit ang proporsyon sa badyet ng gastusin sa
produkto
– Ito ay pangangailangan o necessity
• ED=1 – Unit/Unitary
Extreme cases
• Perfectly elastic
• Perfectly inelastic
II. Iba’t Ibang Istruktura ng
Pamilihan
III. Pamilihan at Pamahalaan
• Pagkabigo ng Pamilihan
– Di-ganap na kompetisyon
– Externality
– Krisis sa Ekonomiya
Antas ng Panghihimasok ng
Pamahalaan sa Ekonomiya
• Ang Maliit at ‘Non-Activist’ na
Pamahalaan
• Ang Malaki at Aktibistang
Pamahalaan
Ang Maliit at ‘Non-Activist’ na
Pamahalaan
Tungkulin ng Pamahalaan
Paliwanag
Pagpapanatili ng kapayapaan at
komeptisyon
-Pagpapanatili ng pamahalaan ng
hukbong sandatahan bilang
tagapagtanggol ng bansa sa oras ng
kaguluhan
-Pagpapanatili ng pamahalaan ng
kapulisan upang magbigay ng
kapanatagan sa kalooban ng mga tao
sa partikular na lugar sa bansa
Pagbuo at pagasasakatuparan ng mga
patakarang pang-ekonomiya
-Pagbuo ng pamahalaan ng mga
prinsipyo at alituntunin upang:
1. Maitaguyod ang ganap na
kompetisyon
Tungkulin ng Pamahalaan
Paliwanag
2. Matamo ng pamilihan ang
episyenteng alokasyon ng
pinagkuku-nang yaman
3. Lumaki ang kita ng ekonomiya
-Pagpataw ng kaparusahan sa mga
lalabag sa mga patakaran
Pagsasagawa ng pampublikong
paglilingkod (mula sa nalikom na buwis
na panustos)
-Pagtataguyod ng mga
pangangailangan ng bansa na
mapakinabangan ng karamihan
1. Pagtatayo ng daanan o kalye
2. Pagpapalawak ng saklaw at
pagpapataas ng kalidad ng
edukasyon
3. Pagpapabuti ng kalagayan ng
kalusugan ng mamamayan?
Tungkulin ng Pamahalaan
Pagpapatupad ng batas at
pagpapatupad ng karapatan sa
pribadong pagmamay-ari
Paliwanag
-Pagpapahintulot ng pamahalaan na
makapagmay-ari ang pribadong sektor
ng ilang yaman ng bansa upang
mahikayat ang pakikiisa nito sa mga
layunin ng ekonomiya
-Paghihikayat sa pribadong sektor na
gamitin ang pinagkukunang-yaman sa
produktibong pamamaraan
Ang Malaki at Aktibistang
Pamahalaan
Tungkulin ng Pamahalaan
A. Pagpapanatili ng Kompetisyon
- Pagbuo ng mga batas at
programang pangkaunlaran
Paliwanag
-Pagbuo at pagsasagawa ng mga
hakbangin na magpapabuti ng
kalagayan ng pamilihan alinsunod sa
layunin ng ekonomiya na umunlad
-Matutukoy ang mga sektor na
nangangailangan ng suporta ng
pamahalaan
-Matutukoy din ang mga sektor na
maaaring tumulong sa
pagsasakatuparan ng naturang layunin
-Matutukoy ang mga pananagutan ng
mga hindi nakikiisa na indibidwal
-Matutukoy ang kaparusahan sa mga
lalabag sa batas at patakaran ng mga
programang pangkaunlaran
Tungkulin ng Pamahalaan
- Pagbuo ng mga batas at
programang pangkaunlaran
Paliwanag
-Patuloy sa pagganyak ng interes at
atensyon ng mga bahay-kalakal upang
makiisa sa layunin ng pamahalaan
-Sa kasalukuyang panahon, hinihiling
ng mga pamahalaan na mamulat ang
mga maumumuhunan at mga
entrepreneur sa kanilang panlipunang
pananagutan
B. Pagganap sa allocative role ng
pamilihan
- Pagpili ng mga hakbangin sa
pagsisinop ng pinagkukunang
yaman
-Pagtatakda ng presyo kapalit ng
pamilihan
-Pagsasagawa ng mga hakbangin
upang maitama ang maling pag-uugali
ng mga aktor sa bawat industriya
-Pagpapatupad ng mga kaparusahan sa
mga mananabotahe sa pamilihan o sa
mga patakarang inilunsad ng
pamahalaan
Tungkulin ng Pamahalaan
Paliwanag
- Muling pamamahagi ng kita at
yaman ng isang bansa sa mga
mamamayan
-Pagbibigay ng mga insentibo at tulong
sa mga mamamayan upang mapabuti
ang kalagayan nila sa pamumuhay
- Pagpapatatag at pagpapatibay ng
pambansang ekonomiya
-Pagpapalago ng pinagkukunangyaman ng ekonomiya upang mapatatag
ang pamilihan
-Paglikha ng mga patakaran at
pagtitipon ng mga pinagkukunangyaman upang tumatag ang presyo ng
bilihin at maiangat ang employment
Tungkulin ng Pamahalaan
C. Pagganap sa distributive role ng
pamahalaan
- Paliitin ang antas ng inequality sa
pamilihan
Paliwanag
-Pagsasaayos ng distribusyon ng
pinagkukunang-yaman
-Paglipat sa piling aktor ng pamilihan
ang karapatan sa pagmamay-ari ng
mga pinagkukunang-yaman
-Sapilitang pagkuha (seizure) ng mga
pinagkukunang-yaman ng ilang aktor sa
pamilihan na hinihinalang nagiging
sanhi ng inequality sa pamilihan
-Paglalaan ng pondo sa mga
programang pangkabuhayan ng
pamahalaan
Tight Regulatory Regime
Price Ceiling at
Price Floor
Sequestration
Paglalahok
ng
Pamahalaan
sa
Industriya
PAMAMARAAN
NG
PANGHIHIMASOK
NG PAMAHALAAN
Tax Exemption
at Subsidy
Pagbubuwis
Programang
Pangkaunlaran
Deregulatory Regime
Puna sa Panghihimasok ng
Pamahalaan
1. Nagiging hindi efficient at hindi epektibo ang
paglilingkod ng pamahalaan.
2. Pinapasan din ng buwis ang pagtaas ng
gastusin ng pamahalaan.
3. Nagreresulta kung minsan ang
panghihimasok sa paglawak ng
kapangyarihan ng pamahalaan sa politika.
4. Kung minsan, hindi rin nakakamit ang
efficiency sa produksyon.