Transcript bugtong_ppt

Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong.

(Kinakain ito, lalong masarap kung may tsaa)

BIBINGKA

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.

(Dito nagmumula ang iyong sinasabi)

BIBIG

Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya

( isang sasakyan ito sa tubig)

BANGKA

Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw.

(pinatutugtog ito sa simbahan tuwing umaga)

KAMPANA

Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.

( isinasabit ito tuwing pasko o di kaya ay kung malapit na ang pasko)

PAROL