Libelo (libel)

Download Report

Transcript Libelo (libel)

Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)
Ang paninirang puri sa kapwa
ay labag sa batas. Kung ito ay
nasusulat, ito ay libelo. Kung
ito naman ay binigkas ang
tawag dito ay islander
(slander).
Subalit libelo pa rin ang turing
kung ang paninirang puri ay
binigkas sa radyo o
telebisyon.
1. Ang libelo ay isang pampubliko’t
pasulat na may masamang
hangaring paninirang puri ng tao
dahil daw sa isang krimen o isang
bisyo, depekto, tunay o guniguni
man o isang pagkilos,
o isang pangyayaring nagiging
patunay sa kawalang
karangalan; isang pagpula o
paglapastangan sa isang tao o
pagdungis ng alaala ng isang
namatay na. – Art. 358, Binagong Kodigo Penal
2. Ang libelo ay isang publikasyon,
nasusulat o nalilimbag,
hayagang pagpula (defamatory)
sa isang tao, maging buhay man
o patay.
3. Ang libelo ay isang paninirang
puri o hayagang pagpula kung
ito’y magiging dahilan ng pagsira
ng karangalan, pula o
paglapastangan sa isang tao o
pagdungis ng alaala ng isang
namatay na.
4. Ang libelo ay isang paninirang
puri (defamation); ito’y paglabag
sa karapatan ng karangalan.
Alinmang nasusulat o nalilimbag,
na pagtatalusira sa karapatan ng
mabuting pangalan ng iba
Alinmang nasusulat o nalilimbag,
na pagtatalusira sa karapatan ng
mabuting pangalan ng iba ay
kasalanang kriminal o sibil o
kapwa at dapat ipailalim sa
makatarungang pagbibigaylunas (redress).
1. Paninirang puri sa
karangalan
(defamatory imputation)
2. Malisya, maging sa batas o
sa paksa (malice either in law
or in fact).
3. Pagpapalimbag ng
paninirang puri
(publication of the imputation)
4. Pagkakilala’t pagtiyak sa
biktima (identity and certainty
of the person libelled).
Ang pangungusap ay hayagang
pagpula kung ito’y magiging
sanhi ng pagkamuhi, pagkutya o
paglapastangan sa kinauukulan
ng kanyang kapwa o kung ito’y
magiging sanhi ng paglayo ng
tao sa kanya;
Ang isang paghahatid ng balita ay
hayagang pagpula kung ito’y
makasisira sa karangalan ng iba,
mapapababa ang pagkilala sa
kanya ng pamayanan;
Ang isang pahayagan ay maaaring
maging mapanirang puri
(libelous) kahima’t ito’y nagaaliw o dili kaya’y matalinong
tumugon lamang sa pamumuna
ng kalaban.
Ang publikasyon ay malisya kung
ito’y walang pahintulot na
pagpapalimbag na hayagang
pagpula na walang
pagpapatawad ng batas. Ito’y
tinatawag na malice in law.
Malisya pa rin kung ito’y
nangangahulugan ng masamang
motibo, o di-mabuting kalooban
sa pagpapalimbag. Ito’y
tinatawag na malice in fact.
Hindi sapat ang isang isyu na may
paninirang puri ay naipalimbag
ng isang editor o newsmen
upang siya’y panagutin sa salang
libelo.
Siya’y mananagot lamang kung
tiyak ang kanyang malisya at
kung ito’y nabasa ng iba.
n.b. Kung ang paninirang puri
(defamation) ay nai-broadcast sa
radyo o telebisyon ito ay
maituturing na libelo pa rin kahit
hindi nailimbag.
Ang huling kailangan o requisite
para mapatunayan ang salang
libelo ay ang malinaw na
pagkilala ng biktima ng libelo
kahit hindi binanggit ang
kanyang pangalan.
Kung walang tiyakang sinasabi o
inilalarawan nang husto sa isang
bagay na sinasabing libelo, hindi
maisasakdal ang nasabing
nagkasala.
Samakatuwid, kung ang artikulo
ay walang tinutukoy at hindi
tumutukoy sa sinumang tao,
walang pruwebang hinihingi ng
batas upang bigyang daan ang
kasong libelo ng nasaktang
partido.
Ang mga taong (hayop na) may
pananagutan sa publikasyon ng
libelo ay ang mga sumusunod:
1. Sinumang tao na naglilimbag,
nagtatanghal o naging dahilan
ng paglilimbag o pagtatanghal
ng isang nakasulat o
nakalathalang paninirang puri ay
siyang mananagot.
2. Ang may-akda at editor ng
isang aklat o polyeto (pamphlet)
at ang editor na tagapangasiwa
ng pahayagan, magasin o seryal
na publikasyon ay silang
mananagot sa paninirang puri na
na nakalathala sa mga pahina
niyon na wari’y sila ang mayakda noon.
3. Ang may-ari ng palimbagan ay
mananagot rin, ngunit di laging
gayon.
May dalawang uri ng libelo – ang
libelo per se at ang libelo per
quod.
Ang libelo per se (by or in itself) ay
isang paninirang puri na di na
kailangan pang patunayan.
Ayon sa Korte Suprema, ang mga
ito ay maliwanag na nakapanira
o nakasakit sa damdamin ng tao
na di na kailangang patunayan
na ang mga ito ay nakakasama
at nakakapinsala.
Sa libelo per quod (by provable
evidence) naman, kinakailangan
pa na ang paninirang puri ay
mapatunayan na nakapinsala.
Ang mga sumusunod, ayon kay