Powerpoint - New City Philippines

Download Report

Transcript Powerpoint - New City Philippines

Kataga
ng
Buhay
Abril 2010
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.”
(Jn 11,25)
Binanggit ni Jesus ang mga salitang ito noong mamatay
si Lazaro na taga-Betania, na Kanyang binuhay noong
ikaapat na araw.
Si Lazaro ay may
dalawang kapatid:
si Marta at Maria.
Nang narinig ni
Marta na
dumarating si
Jesus, agad siyang
sumalubong at
nagsabi:
“Panginoon, kung
Kayo po’y narito,
hindi sana namatay
ang aking kapatid.”
“Muling mabubuhay
ang iyong kapatid,”
wika ni Jesus.
Sumagot si Marta,
“Alam ko pong siya’y
mabubuhay muli sa
huling araw.” Sinabi
naman ni Jesus, “Ako
ang muling pagkabuhay
at ang buhay. Ang
sumasampalataya sa
akin, kahit mamatay,
ay muling mabubuhay.
Sinumang nabubuhay
at sumasampalataya
sa akin ay hindi
mamamatay
kailanman.”
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.”
Nais bigyang-linaw ni Jesus kung sino Siya para sa
atin. Taglay Niya ang pinakamahalagang bagay na
maaaring naisin ninuman: ang buhay, ang buhay na
hindi kailanman mamamatay.
Kung nabasa mo ang
Ebanghelyo ni San
Juan, maaaring
napansin mo na sinabi
rin ni Jesus: “Kung
paanong ang Ama ay
may buhay sa Kanyang
sarili, gayundin
pinagkalooban Niya ang
Anak na magkaroon ng
buhay sa Kanyang
sarili.” At dahil si
Jesus ay may buhay,
maaari Niyang ibigay
ito sa iba.
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.”
Si Marta ay naniniwala rin sa “muling
pagkabuhay sa huling araw.”
Sa napakaganda
Niyang pagpapatibay,
“Ako ang muling
pagkabuhay at ang
buhay,”
ipinapaliwanag ni
Jesus na hindi na
dapat pang maghintay
si Marta at umasa sa
muling pagkabuhay sa
hinaharap.
Ngayon din, sa kasalukuyang sandali, para sa lahat ng
sumasampalataya sa Kanya, si Jesus ang buhay – ang
makalangit, hindi mailarawan at walang hanggang buhay
na hindi kailanman mamamatay.
Kung si Jesus ay
nananahan sa mga
sumasampalataya, kung
Siya ay nasasaiyo,
hindi ka mamamatay.
Ang buhay na ito sa
lahat ng
sumasampalataya ay
isang pakikilahok sa
buhay ni Jesus na
muling nabuhay. Kaya’t
ito’y ganap na kakaiba
sa ating
pangkaraniwang
kalagayan sa buhay.
Itong di-pangkaraniwang buhay na taglay mo na
rin ay ganap na makikita sa huling araw. At ang
buo mong katauhan ay makikilahok sa muling
pagkabuhay na darating.
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.”
Nang sinabi ito ni Jesus,
hindi naman Niya
ipinagkakaila na may
kamatayang pisikal. Ngunit
sinasabi Niya na ang
kamatayang pisikal ay hindi
nangangahulugan ng
pagkawala ng tunay na
buhay. Para sa ating lahat,
ang kamatayan ay
mananatiling kakaiba,
matinding karanasan at
maaaring isa sa mga
kinatatakutan.
Ngunit hindi na ito muling mangangahulugan na walang
halaga ang buhay. Hindi na ito ang katapusan ng lahat.
Para
sa
atin,
ang
kamatayan
ay
hindi
na
mangangahulugan na isang tunay na kamatayan.
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.”
Kailan tayo isinilang sa
Buhay na ito na hindi
kailanman mamamatay?
Sa sandali ng ating
binyag. Sa sandaling
iyon, bagamat bilang
tao ay mamamatay rin
tayo, tinanggap natin
ang walang hanggang
buhay mula kay Kristo.
Sa katunayan, sa
binyag ay tinanggap
natin ang Banal na
Espiritu na Siyang
bumuhay kay Jesus
mula sa mga patay.
Ang kondisyon sa pagtanggap ng sakramentong ito ay ang
pananampalataya na ating ipinahayag, o ipinahayag ng mga
ninong at ninang natin. Sa katunayan, noong muling binuhay
si Lazaro, maliwanag na sinabi ni Jesus kay Marta: “Ang
sumasampalataya sa akin, kahit mamatay, ay muling
mabubuhay... Pinaniniwalaan mo ba ito?”
Napakahalaga ng
“paniniwalang” ito.
Hindi ito
nangangahulugan na
tanggapin na
lamang ang mga
katotohanang
ipinahayag ni
Jesus. Ibig din
nitong sabihin ay
sundan ito nang
buong puso.
Upang magkaroon ng buhay na ito, dapat tayong mag“oo” kay Kristo. Ibig sabihin ay sumunod sa Kanyang
mga salita, utos at mamuhay ayon dito. Nangako si
Jesus, “Ang namumuhay ayon sa Aking aral, kailanma’y
di makakaranas ng kamatayan.” At ang buod ng mga
turo ni Kristo ay pag-ibig. Hindi maaaring hindi ka
maging maligaya.
Taglay mo ang buhay!
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.”
Ngayong panahong ito na naghahanda tayo sa pagdiriwang
ng Muling Pagkabuhay, magtulungan tayo na papanibaguhin
ang ating pasya at patuloy na pagsisikap na mamatay sa
ating sarili upang si Kristo. ang Panginoong Muling
Nabuhay, ay manahan sa piling natin ngayon pa man.
" Ako ang muling
pagkabuhay at
ang buhay.“
(Jn 11,25)
Sinulat ni: Chiara Lubich