MORPOLOHIYA for LECTURE

Download Report

Transcript MORPOLOHIYA for LECTURE

Gramar at Linggwistika

Morpema at Morpolohiya Morpolohiya

- ang pag-aaral ng pinakamaliit na yunit na bumubuo sa salita na may kahulugan.

Morpema

- ang pinakamaliit na yunit na bumubuo sa salita na may kahulugang “ kaagad na naihahayag kahit ang ilan sa kanila ay pangkayarian at di kahulugang leksikal ang binibigay ” (Villanueva at Villanueva, 1971) ay maaaring salita o salitang-ugat.

Gramar at Linggwistika 9

Gramar at Linggwistika

Anyo ng Morpema

1. Morpemang Kataga - ang kataga ay isang morpemang iisahaning pantig lamang at ang mga ito’y walang kahulugan kung nag iisa maliban na lamang kung isasangkap sa pangungusap.

Ang mga ingklitiko ay “ mga katagang iisahing pantig na sa gawang sarili ay walang kahulugan ngunit kapag ginagamit sa pangungusap ay nakaradagdag ng diwa nito. – Cruz, et.al. 1978

Halimbawa:

ba daw naman pa po na ho din nga rin man raw pala

Gramar at Linggwistika 10

Gramar at Linggwistika

2. Ang Morpemang Panlapi a. May malakas na sistema ng panlapi ang wikang Filipino. Ito ang dahilan kung bakit napakadali nating manghiram sa banyagang salita at gawing tunog – Filipino. Sa ibang salita ay nagiging “Filipinized” na salita

Halimbawa

: mag-j

et

nag-

smuggle

nag-

administer

nag-

coach

in-

ambush

ni-

rape

ni-

research

naka-

cortina

nagpa-

xerox

ni-

raid

i-

promote

Gramar at Linggwistika 11

Gramar at Linggwistika

b. dahil sa kahulugang taglay ng panlapi nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang isang salitang-ugat na pinagkakapitan nito.

Halimbawa:

nagtubig matubig natubig tubigan tubigan tinubig patubig pantubig nagkaroon ng tubig maraming tubig naparami ang inom tapayan o lalagyan ng tubig lagyan ng tubig pinarusahan ng tubig padaloy na tubig/irigasyon gamit sa tubig G A W A I N Subuking lagyan ng iba’t ibang panlapi ang salitang tao, bahay, balita, bayan at tignan kung ano ang mabubuong salita.

Gramar at Linggwistika 12

Gramar at Linggwistika

Anyo ng Panlapi

3. Morpemang Salitang-Ugat - ang salitang-ugat ang maituturing na pinaka-ina ng mga salita dahil ito ay nagtataglay ng kahulugang leksikal na karaniwang binubuo ng dadalawahing pantig. Alam nyo ba na kung pakasusuriin ay galing sa iisang pantig lamang ang ating wika? Ito’y ayon sa haka ni Dr. E. Arsenio Manuel at mapapansin ito sa kayarian ng mga salitang inuulit.

Gramar at Linggwistika 13

Gramar at Linggwistika Gramar at Linggwistika 14

Gramar at Linggwistika

- Ang morpemang kataga at morpemang salitang-ugat ay napagsasama rin

ngunit ang kanilang kabuuan ay hindi maituturing na dalawang morpema kundi iisang morpema lamang.

Halimbawa: ma ka in taga + + + + itim hapon ibig = = = lungsod = maitim kahapon iniibig tagalungsod

HOMOFONUS

-

Ang tawag sa salitang-ugat na nag-iiba-iba ng kahulugan ayon sa bigkas ngunit pareho ng ispeling.

Halimbawa: baga (ember) baga (lungs) baga (particle) sala (sin) sala (seive) sala (seived) paso (pass) paso (burn) paso (Flower pot)

Gramar at Linggwistika 15

Gramar at Linggwistika

Paano nga ba nabubuo ang mga Salita?

a. Inuulit – ang mga salitang unuulit ay binubuo sa pamamagitan ng buong pag-uulit ng salitang-ugat at pinaghihiwalay lamang ng gitling. Ang ganitong pag-uulit ay tinatawag na

ganap na pag-uulit.

Halimbawa: sama-sama utay-utay akay-akay baku-bako araw-araw sintu-sinto ipit-ipit luku-luko agam-agam kuru-kuro halu-halo lubak-lubak

Gramar at Linggwistika 21

Gramar at Linggwistika

1.

2.

3.

Ang alaala, paruparo, sarisari, gunamgunam at guniguni ay hindi ginigitlingan dahil walang salitang-ugat na ala, paro, sari, ganam, at guni.

Ang salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na

o

kapag-unuulit ay pinapalitan ng

u.

Sa pag-uulit ng salitang-ugat na unaangkupan o ginagampanan ng pang-angkop upang ipakita ang kasidhiang kahulugan at nagtatapos sa patinig na

e

, ito’y pinapailitan ng

i

sa gayo’y mabilis ang pagbigkas at upang lubos na mabigyang diin ang unang hati ng salita. Ang gitling ay ginagamit Halimbawa: torpe salbahe lalake torping-torpe salbahing-salbahe lalaking-lalake

Gramar at Linggwistika 22

Gramar at Linggwistika

Ang di-Ganap na Pag-uulit

1. Pag-uulit ng huling pantig sa salitang-ugat

Halimbawa:

lamikmik langitngit luningning kuliglig alit-it 2. Pag-uulit ng una o unang dalawang pantig ng salitang-ugat o una o unang dalawang tunog ng salitang-ugat.

Halimbawa:

iikot aakyat tatakbo lilima sisilip-silip sisiga-sigarilyo tatali-talilis

Gramar at Linggwistika 23

Gramar at Linggwistika

Paano nga ba nabubuo ang mga Salita?

b. Tambalan – Nagiging tambalan ang salita kung ang dalawang salita na may kani kaniyang kahulugan ay pinagsasama at nananatili ang kahulugan, minsa’y bumubuo ng ikatlong kahulugan at mayroon din namang nagpapakita ng kasalungatan ng bawat isa.

Halimbawa:

taong-bundok panhik-panaog daang-bakal hanap-buhay kahoy-gubat bungang-araw dalagang-bukid isdang-tabang humigit-kumulang kapos-palad lumubog-lumitaw malaon-madali

Gramar at Linggwistika 24

Gramar at Linggwistika

Paano nga ba nabubuo ang mga Salita?

c. Maylapi – Kung ang salitang-ugat pinapanlapian. Maaring sa unahan, sa gitna, sa magkabila o sa laguhan.

1. Unlapi umalis, umibig, umawit, igatong, isama, pautang 2. Gitlapi kinain, sumampa, tinaga, tumuka, sinita 3. Hulapi isipin, diktahan, tamaan, ingatan, bilihin 4. Kabilaan magtampuhan, pagtulungan, panatilihin, paraanin 5. Laguhan ipagsumigawan, paghumiyawin, magginataan.

Gramar at Linggwistika 25

Gramar at Linggwistika

Kahulugan ng mga Panlapi

1. Panlaping Makangalan

a. an at han

1. lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat

hal.:

aklatan, bigasan, manukan, palayan,tindahan 2. pook na ginaganapan ng kilos ng salitang-ugat

hal.:

aralan, lutuan, laruan, labahan 3. panahon na maraming pagganap sa isinasaad ng salitang-ugat

hal.:

pistahan, anihan, taniman, uwian

Gramar at Linggwistika 26

Gramar at Linggwistika

Panlaping Makangalan 4. gantihang kilos

hal.:

barilan, balitaan, sulatan, suntukan 5. di karaniwang laki o labis na dami

hal.:

pangahan, duguan, uluhan, sugatan, duguan b. in o hin 1. relasyong isinasaad ng salitang-ugat

hal.:

tiyuhin, amain, inapo 2. kahugis ng isinasaad ng salitang-ugat

hal.:

inubas, pinalay, sinampalok

Gramar at Linggwistika 27

Gramar at Linggwistika

Panlaping Makangalan b. ka 1. kasama sa pangkat hal.: kalahi, kagrupo, katropa, kabayan 2. relasyon na isinasaad ng salitang-ugat hal.: kalaro, kagalit, kaaway, kasuyo, kalambingan c. ka – an 1. nagsasaad ng pinakasentro na salitang-ugat hal.: kabayanan, kanayunan, kabahayan 2. nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari.

hal.: katanghalian, kainitan, kasasalan

Gramar at Linggwistika 28

Gramar at Linggwistika

Panlaping Makangalan d. mag 1. nagsasaad ng relasyong tinutukoy sa salitang-ugat.

hal.: maglolo, mag-ama, magkapatid, magbayaw 2.

mag-

na may pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat na nagsasaad ng gawain o propesyon.

hal.: manggagamot, manbibigkas, manananggol e. tag – nagsasaad ng panahon hal.: tag-ulan, tag-araw, taglagas, tagsibol f. taga – nagsasaad ng gawaing isinasaad ng salitang-ugat hal.: tagaluto, tagalinis, tagawalis, tagabasa g. an/han – nagsasaad ng pinaggalingan hal.: talasalitaan, talaarawan, talatinginan

Gramar at Linggwistika 29

Gramar at Linggwistika

Kahulugan ng mga Panlapi Mga Panlaping Makauri

1. ma

a. pagkamayroon halimbawa: maganda, tataas, mayaman b. pagkamarami halimbawa: matao, madahon, matubig, maahas

2. maka

– katig, kampi, hilig halimbawa: maka-Diyos, maka-Hapon, makatao, makakaibigan

3. mala – parang

halimbawa: malasebo, malahimimga, malakanin

Gramar at Linggwistika 30

Gramar at Linggwistika

Panlaping Makauri

4. mapag

– may ugali halimbawa: mapagbiro, mapagbintang, mapag alalahanin

5. Mapang

– may katangian, may kakayahan halimbawa: mapang-akit, mapanrahuyo

6. maka – katig, kampi, hilig

halimbawa: maka-Diyos, maka-Hapon, makatao, makakaibigan

7. mala – parang

halimbawa: malasebo, malahimimga, malakanin

Gramar at Linggwistika 31

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! NGAYON AY HANDA KA NA PARA SA ISANG PAGSUSULIT!

((